Chapter 4

1206 Words
Diana's POV "Grabe naiinis ako! Para siyang asong buntot ng buntot sa akin. Akala yata niya ay magkakandarapa pa ako sa kanya. Tapos na 'yong panahon na ibinigay ko sa kanya nuon. Hindi na ako ang babaeng magpapakatanga sa kanya. Na-inlove na nga ako sa kanya dati pero ano ang ginawa niya? Itinaboy niya ako tapos ngayon ay para siyang tanga na hahabol-habol sa akin." ani ko kay Ariana. "Bestie baka magsawa 'yan at sukuan ka, sige ka!" pang-aasar sa akin ng kaibigan ko. Pakialam ko naman kung masawa siya? Mas mabuti nga 'yon para tantanan na niya ako. Hindi na kaya ako natutuwa sa kanya. "FYI, wala akong pakialam kahit na sumuko siya sa kaka-stalk sa akin. Sawang-sawa na kaya ako sa pagmumukha niya. Tignan mo kung sino ang nasa kabilang restaurant. Daig ko pa nito ang may bodyguard." naiinis kong ani at napatingin naman ang aking kaibigan sa kabilang restaurant at muntikan pa niyang maibuga ang pagkaing nasa bibig niya ng makita niya si Nato na nakamasid lang sa amin na tila ba binabantayan lang ako. Nakakainis talaga! "Oh my god!" bulong niya at napabungisngis pa ang lukaret kong kaibigan. I rolled my eyes dahil sa inis. Napatingin kami sa pintuan ng restaurant ng pumapasok na si Roxanne. "Finally! My gosh lumalamig na ang pagkain natin tapos ngayon lang siya dumating." inis kong ani. Mas lalo tuloy nadadagdagan ang inis ko dahil late pang dumating si Roxanne. Umupo naman agad si Roxanne sa upuang kanina pa naman talaga naghihintay sa kanya at pagkatapos ay ibinaba niya ang kaniyang purse sa tabi ng aking purse na nakapatong sa bakanteng upuan. "Buti naman at dumating ka pa? Nakakainis ka dahil kanina ka pa namin hinihintay noh!" nakasibangot kong ani. Napakunot naman ang noo ng aking kaibigan kaya napatingin siya kay Ariana. Inginuso naman agad ni Ariana ang kabilang restaurant kaya natawa si Roxanne at tumingin sa akin na tila ba nakakaloko. Sa inis ko ay kinuha ko ang purse ko at tumayo ako. Nakita ko ring tumayo si Nato kaya nagpapadyak ako sa inis at nilapitan ko si Nato na nasa kabilang restaurant at palabas na din katulad ko. Sinalubong ko siya ng isang hampas ng bag ko na tumama sa dibdib niya ngunit hindi naman siya natinag. "Pwede ba please lang, tantanan mo ako! Pwede? Nakakabuwisit ka na, para kang aso na buntot ng buntot kahit saan ako magpunta. Hindi ka na nakakatuwa!" galit kong sigaw sa kanya at wala akong pakialam kung napapahiya na siya sa mga taong nanunuod na sa amin. Mabilis naman kaming nilapitan ng mga kaibigan ko at pilit akong inaawat pero hindi talaga ako nag-papaawat. Ang kapal naman kasi ng mukha ng lalaking ito dahil nawawalan na ako ng privacy, lagi na lamang nakabuntot sa akin kahit saan yata ako magpunta. "My god bestie nakakahiya ka! Ang daming tao saka nakaka-awa naman si Nato. Mahal ka lang nung tao kaya lagi ka niyang binabantayan." ani ni Roxanne. "Pwede ba! Tignan nga ninyo, hindi nga ako makakilos dahil lagi siyang nakasunod! Kailan ka ba mawawala sa buhay ko ha? Hindi kita mahal kaya tigilan mo na ako." galit kong ani. Seryoso lamang siyang nakatingin sa akin, hindi nagsasalita at wala ding pakialam sa mga taong nanunuod sa amin. Muli ko siyang hinampas ng aking bag na hindi naman niya sinangga kaya sa inis ko ay lumabas na ako ng mall na kasunod pa rin siya. "Pogi sa akin ka na lang magbantay, okay lang kahit 24/7 pa." wika ng isang babae na ikinailing ko na lang ng ulo. Mabilis din namang nagsunuran sa akin ang mga kaibigan ko. Naiinis ako dahil para siyang aso na kahit saan magpunta ang buto ay nakasunod lang. Pagsakay namin ng sasakyan ay sumakay din siya ng kanyang motor at hindi niya ito pinapaandar hangga't hindi ko rin pinapaandar ang sasakyan ko. Bestie nasaan ang car mo?" tanong ko kay Roxanne, napakamot siya ng ulo sa akin kaya tinaasan ko siya ng isang kilay. "Sabi mo kasi pahatid lang ako sa driver ko para sa iisang sasakyan na lang tayo, kaya ayun pinaalis ko na kanina pa." wika niya kaya bagsak ang balikat ko at napatingin lamang ako sa aking rearview mirror at tinignan si Nato na nakaupo lang sa kanyang motorsiklo. Hindi naman namin siya matatakasan dahil motor ang dala niya at Ducati pa. "Alam mo ba bestie, sabi sa akin ng asawa ko, 'yang si Nato ay hindi naman ganyan talaga, nuong wala pa daw 'yang amnesia ay tahimik lang 'yan at sobrang sungit. Babaero daw at kung sino-sino ang babaeng kinakama niyan at may kasintahan 'yan. Zana Montefalcon, 'yan ang sinabi sa akin ng asawa ko. Sa ngayon daw ay binabalewala niya ang babaeng 'yan dahil naka focus sa iyo pero kapag daw bumalik ang ala-ala ni Nato ay baka bumaligtad ang ikot ng mundo at balewalain ka na. Iba daw kasi talaga ang ugali ng isang Donato Montari. Hindi ganyan kaya nga pinapanalangin daw ni Marcus na sana ay magbalik na ang ala-ala ni Nato para tumino na daw ang utak." mahabang ani ni Roxanne. Napatingin akong muli kay Nato, ibig bang sabihin kapag bumalik na ang ala-ala niya ay titigilan na din niya ako? Hindi na ako nakakibo pa, napatingin sa akin ang mga kaibigan ko pero hindi naman ako nagsalita na. Pinaandar ko ang aking sasakyan at nakita kong pinaandar din ni Nato ang ang sasakyan niya kaya sa inis ko ay lumabas ako ng sasakyan ko at nilapitan ko siya. "Sana bumalik na ang ala-ala mo, sana duon ka na lang mabaliw sa kasintahan mo, sana bumalik na ang dating Nato para wala ng asong bubuntot-buntot sa akin. Bwisit ka!" sigaw ko sa kanya. Hindi naman siya kumibo pero nakita ko ang pag-tagis ng kaniyang mga bagang sa tinuran ko kaya tinaasan ko lamang siya ng isa kong kilay at tinalikuran ko na siya. "Grabe ka talaga bestie, baka kainin mo ang lahat ng sinabi mo ha." wika ng mga kaibigan ko. "Never! Magiging masaya ako kapag bumalik na ang ala-ala niya at tantanan ako. Duon na lang siya sa Zana na sinasabi mo. Wala akong pakialam sa kanila." inis kong ani. Hindi na sila kumibo at pinaharurot ko na ang aking sasakyan. Pagtingin ko sa likuran ko ay hindi kami sinundan ni Nato at sa ibang direksyon siya nagpunta kaya bumagal ang pagpapatakbo ko habang ang mga mata ko ay nasa rearview mirror nakatingin at pinagmamasdan ang papalayong motorsiklo ni Nato. "Ayan nilayasan ka na, sobra ka naman kasing magsalita duon sa tao, mamaya mo makarma ka diyan." ani sa akin ni Ariana. Hindi ako kumibo at huminga ako ng malalim. Muli kong binilisan ang pagpapatakbo ng aking sasakyan habang hindi mawala sa isip ko kung saan pupunta ang bwisit na lalaking 'yon. Siguro ay pupuntahan na niya ang Zana na 'yon at magpapakasarap sa kandungan ng babaeng 'yon. Pakialam ko ba sa kanya, bahala siya sa buhay niya at kahit sino pa ang babaeng ikama niya ay wala akong pakialam. Bwisit talaga siya. Napatingin ako sa mga kaibigan ko na nakatingin sa akin. "What?" tanong ko dahil hindi nila inaalis ang tingin nila sa akin. Nagkibit balikat lamang sila at tumingin na sila sa kalsadang nilalakbay namin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD