Chapter 9 -Ina daw ng magiging anak niya- ?

2055 Words
┈┈┈┈◦•✩•◦┈┈┈┈ Paglapag ng eroplano sa paliparan ng Pilipinas ay hinanap ko agad si Ate Claire. Nakita ko sila kasama ang kanyang asawa na si Kuya Danny na parehong kumakaway sa akin. Mabilis akong tumakbo at tuwang-tuwa akong niyakap ang mag-asawa. Hinanap ko ang magiging inaanak ko pero hindi daw nila isinama at naiwan ito sa yaya. Bukas na ang binyag ng kanilang anak pero wala pa akong pang regalo. Hindi na kasi ako nag-abala pang mamili sa America dahil pwede namang dito na lang ako mamili. Wala pang alam ang mga kaibigan ko na dumating ako ngayon dahil hindi ko pa ito ipinapaalam sa kanila. Sigurado akong matutuwa nito sila Roxanne at Ariana kapag tinawagan ko sila mamaya. "Sa condo mo na ba ikaw namin ihahatid?" tanong ni Ate Claire. "Kung pwede sana. Masyado kasi akong pagod sa mahabang byahe at gusto ko sana munang magpahinga," ani ko. "Buti pumayag si Arquiz? Mukha pa namang napakahigpit ng boyfriend mo na 'yon," sabi nya. "Hindi ako nagpaalam sa kanya. Sinabi ko rin sa mga magulang ko at kay Kuya na huwag sasabihin kung nasaan ako. Sinabihan ko rin ang mga empleyado ko lalo na ang sekretarya ko na huwag sasabihin kay Arquiz kung nasaan ako. Hindi naman niya iisipin na bumalik ako dito sa Pilipinas dahil ako namamalakad ng kumpanya nila daddy sa America," sagot ko. "I see. 'Yung sasakyan mo dinala na namin ng asawa ko kahapon pa sa condo mo. Nasa basement parking lot," aniya kaya napayakap akong muli kay Ate Claire. Gutom na gutom ako at hindi masyadong nakakain sa eroplano. Hindi ko kasi nagustuhan ang meat dahil masyadong chewy ang steak. Nag-aya na lang tuloy akong kumain sa isang restaurant bago nila ako ihatid sa aking condo. "May restaurant ba dito na ang pangalan ay Ara's Filipino Cuisine? Sa US kasi ay may kinakainan kami ni Kuya Alfred na Filipino restaurant na Ara's Cuisine ang pangalan. Sobrang sasarap ng mga niluluto nilang pagkain at hindi lang 'yon, lahat ng paborito ko ay nasa menu," sabi ko. Nag-isip si Ate Claire at si Kuya Danny. Mayamaya ay umiling sila at sinabi nila sa akin na wala daw ganoong restaurant sa Manila. Baka daw sa ibang probinsya ay meron kaya mabilis kong kinuha ang phone ko at nag search ako. Unfortunately ay wala akong nakita kahit isa dito sa Pilipinas at tanging ang nasa US lamang ang lumalabas sa pag-se-search ko. "Baka bago 'yan lang. Malay mo naman magkaroon din niyan dito sa Pilipinas." Hindi na ako kumibo pa at napangiti na lamang ako. Sayang at mamimiss ko ang pagkain sa restaurant na 'yon. Sobrang sasarap pa naman ng pagkakaluto nila sa mga paborito kong pagkain. "Tara at may alam akong masarap na kainan. Sigurado akong magugustuhan mo 'yon." Nagpatianod na lang ako. Marami namang alam na kainan ng masasarap na pagkain si Ate Claire kaya naniniwala ako sa kanya na masarap ang kainan na sinasabi niya. Dinala nila ako sa isang mall at habang naglalakad kami ay may nakabangga akong isang tao na hindi ko sinasadya. "Oh my god, I'm so sorry!" ani ko habang dinadampot ko ang mga nahulog niyang folder. "Diana?" Bigla naman akong napaangat ng aking mukha ng makilala ko ang lalaking nabangga ko. "Logan? Ikaw nga ba 'yan?" ani ko. By the way, si Logan lang naman ang first cousin ni Nato. Nakilala ko siya ng malaman ko na si Nato pala ang lalaking ipinagkasundo sa akin. "Akala ko ba ay nasa America ka? Anong ginagawa mo dito sa Pilipinas?' tanong niya. "Uhm, bakasyon lang dahil mag-aanak ako sa binyag bukas. Anak ng pinsan ko, si Ate Claire," ani ko. Napatingin naman siya kay Ate Claire at nakikita ko sa mukha ni Logan ang kirot dahil siya dapat ang ikakasal kay Ate Claire dahil silang dalawa ang ipinagkasundo, pero tumanggi si Ate Claire dahil hindi niya mahal si Logan. "Hi," tipid niyang bati. Mahal ni Logan si Ate Claire. Sabi niya ay nagmakaawa si Logan sa kanya nuon pero hindi daw talaga niya ito mahal. Sa kasunduan kasi ng pamilya ng dalawang tao na ikakasal, kapag tumanggi ang isa at sinabing hindi kayang mahalin ay hindi na matutuloy ang kasunduan. Kailangan kasi ay mahulog sa isa't-isa ang ipinagkasundo, hanggang sa matutunang mahalin ang bawat isa, pero sa kaso nila, si Kuya Danny talaga ang mahal ni Ate Claire. "isang tipid na ngiti lamang ang isinagot ni Ate Claire pero si Kuya Danny ay nakipag kamay dito. Mabait si Kuya Danny at alam niya ang tungkol kay Logan. Hindi ko kasi nakilala si Logan nuon dahil wala naman akong pakialam sa paligid ko dati. Happy go lucky kasi ako nuon kasama ang mga kaibigan ko. Mahilig ako makipag date at every week ay iba-iba ang boyfriend ko. "Kakain kami baka gusto mong mag-join sa amin?" ani ni Kuya Danny. "Naku hindi na bro, may lakad din kasi ako ngayon. Magkikita pa kami ni Nato sa opisina niya kaya kailangan ko ng umalis dahil lagi 'yon nagmamadali. Gusto nuon kapag may usapan, dumating agad sa oras at huwag ma-le-late." Natawa naman ako kaya napatingin sila sa akin. Ikinumpas ko lang ang kamay ko upang sabihin na wala lang dahilan ang tawa ko. "Sige at hindi ka na namin pipigilan," ani ni Kuya Danny. "Thanks for inviting me. I have to go at baka naiinis na ang pinsan kong 'yon," aniya at napangiti lang ako. "Sayang si Donato. Bagay sana kayo kaya lang may boyfriend ka na at siya naman ay balitang may kasintahan na at hindi lang basta kasintahan. Isa itong sika na modelo," ani ng pinsan ko kaya napatingin ako sa kanya. "Modelo?" tanong ko. "Oo. Hindi mo ba nabalitaan? Madalas kaya silang ipakita sa tv na magka date. Si Abegail Francesca Baldacci. Isang tipid na ngiti lamang ang isinagot ko sa kanya. Medyo nakaramdam ako ng kirot sa puso ko pero kaunti lang naman dahil itinatak ko na sa isipan ko na wala na akong pakialam sa lalaking 'yon. Dinala nila ako sa isang Filipino restaurant. Nakakita ako ng pinakbet at daing na bangus kaya iyon ang inorder ko katulad ito duon sa inorder ko sa America. Sana lang ay magka-lasa din. "Tikman mo ang mga pagkain dito, sigurado akong magugustuhan mo ang pagkaing inorder mo," sabi ni ate kaya napangiti lang ako. Hindi naman nagtagal ay dinala na nga sa table namin ang napakaraming pagkain. Mukhang hindi lang ako ang gutom, mukhang pati ang mag-asawang ito ay gutom din. "Wow Ate Claire, ang dami nito!" gulat kong ani kaya natawa sila. "Yung matitira ay iuwi mo para naman may pagkain ka na mamayang gabi at hindi ka na oorder pa. Nagpabukod na rin ako ng vegetable fried rice para iuwi mo mamaya," aniya kaya napangiti naman ako sa mag-asawang ito. Napaka sweet talaga. Pagkatapos naming kumain ay naglakad-lakad kami sa mall. Biglang kumabog ng mabilis ang puso ko ng makita ko kung sino ang humahangos na lumalapit sa kinaroroonan namin kasama si Logan. "Expected!" ani ni ate. Hindi naman ako nagsalita at tinaasan ko lang ng kilay ang papalapit na si Nato. Ang bilis talaga, katatapos lang naming kumain at heto na agad siya, at humahangos pa. May kami? "Nandito ka pala, bakit hindi ka nagpasabi para naman nasundo kita sa airport?" aniya na ikinataas lalo ng kilay ko. "Bakit ko naman sasabihin sayo? Hindi kita tatay, hindi kita kapatid at lalong-lalo hindi kita boyfriend o asawa," aniko na hindi ko inaalis ang pagkakataas ng isa kong kilay. "Hindi pa, pero malapit na. Hintayin mo lang Diana dahil ikaw ang magiging nanay ng mga magiging anak ko," aniya na ikinatawa ko ng pagak. "Nananaginip ka na naman Nato. Kaylanman ay hindi ko ipapanganak ang anak na sinasabi mo," inis kong sagot. Hindi niya pinansin ang sinabi ko kaya nakaramdam ako ng inis. Bagkus ay humarap siya kay Kuya Danny at kinausap niya ito na animo ay close sila kahit hindi naman. Hindi nga sila nag-uusap, ngayon lang. Kaloka siya! "Danny, totoo ba na binyag ng anak mo bukas at si Diana ang kinukuha mong ninang?" ani nito kaya unti-unting mas tumataas ang isa kong kilay ng marinig ko ang tanong niya. "Uhm, yeah! Bukas nga ang binyagan at isa siya sa ninang," sagot naman ni Kuya Danny. "Great! Gusto ko rin maging ninong ng anak mo. Sige ilista mo na ako," aniya na ikinatawa ko ng malakas. Nasisiraan na nga ito ng ulo. "Pinsan, hindi ganuon 'yon. Matalik na kaibigan o kaya naman mga kamag-anak ang kinukuhang ninong at ninang hindi isang estranghero na nag-aapply maging ninong," bulong ni Logan sa kanya. "Gusto kong maging ninong para makasama ko siya bukas. Galante ako at kaya kong ibigay ang lahat ng kailangan ng bata, kahit ang pag-aralin at palakihin ang anak nila ay kaya ko,' aniya kaya mas lalo akong natawa at naiinis. "Umalis ka na nga Nato dahil hindi ka nakakatuwa!" galit kong ani. "Hindi pa ngayon, pero matutuwa ka rin sa akin kapag naging tayo na," sagot niya. Gusto ko na yatang mabaliw sa lalaking ito. Nakakainis na nakakapikon na. "Pare, pasensya na ha. Kumpleto na kasi at na-submit na namin ang listahan ng mga ninong at ninang," sagot ni Kuya Danny kaya napatango ako ng marahas habang nakataas ang kilay ko na nakatitig kay Nato. "Eh ano ngayon? Kaya kong ipakuha 'yon dahil ako lang naman si Donato Ashton Montari, at halos lahat ng abogado at judge na nasa munisipyo ay kamag-anak ko. Kayang-kaya kong ipabago 'yan," aniya. "Pwede ba Nato umalis ka na lang dahil hindi ako papayag na maging ninong ka! Umalis ka na dahil nakakaabala ka lang sa amin. Hindi rin ako tanga para isilang ang anak mo." Ngumisi lang siya sa akin at humarap kay Kuya Danny. "Hindi na ba talaga pwede? Ipapagawa ko 'yan ng playhouse sa bahay ninyo kung gusto mo," natawa si Kuya Danny at tinapik sa balikat si Nato. "Next time bro, nasa listahan ka na," sagot ni kuya habang ako ay nakasibangot na. Napangiti naman si Nato at nakipag kamay pa sa asawa ng pinsan ko na akala mo ay magkakilala sila at close. Feeling close lang naman ang sira ulong ito. "Umalis ka na Nato at uuwi na kami," aniko. "Gusto mo ba ihatid na kita? Ako na ang maghahatid sa iyo," sabi niya na ikinaiinis ko. Bakit ba kasi ang kulit-kulit niya? "Hindi na! Ayokong makasama ka sa loob ng sasakyan at isa pa may kasintahan na ako at mahal na mahal ko si Arquiz." Nakita ko ang pagbabago ng mukha niya. Mula sa nagpapa-sweet na naging parang galit na leon. "Magpakasaya ka lang sa ginagawa mo Diana, dahil kapag dumating na ang oras, kukuhanin ko na kung ano ang akin." Sabi niya na titig na titig sa akin. Hindi naman ako nagpatinag at taas noo ko siyang sinagot para malaman niya na hindi ako mag-papasindak sa kanya. "Baliw ka na Donato, ang dapat sayo sa mental." inis kong sabi. "Pwede naman, basta ba sasama ka sa akin para naman hindi ako malungkot sa loob," sagot niya. "Argh! Bwisit ka talaga!" sigaw ko sa kanya at wala akong pakialam kung nakakakuha na kami ng pansin ng mga tao. Mabilis akong naglakad papalayo sa kanya pero pinigilan niya ako sa aking palapulsuhan kaya napahinto ako. "Wala ba akong welcome kiss?" Pinandilatan ko siya ng aking mga mata at piniksi ko ang kamay niyang nakahawak sa akin. Sila ate naman ay malakas na tumatawa na akala mo may nakakatawa sa nangyayari. Nakakapikon! Sarap tuhurin ng itlog ng lalaking ito. "I like you bro! Sa susunod na pagbubuntis ng aking asawa ay ninong ka," sabi ni Kuya Danny kaya napatingin ako kay Ate Claire. "Aasahan ko 'yan. Tutal naman ay magiging isang pamilya din tayo. Kapag naipanganak na ni Diana ang unang anak namin ay kukuhanin din kitang ninong," sagot niya kaya malakas na tawa ang maririnig mula sa kanila lalong-lalo na kay Ate Claire at kay Kuya Danny. Maging si Logan ay malakas na ring tumatawa habang ako naman ay gusto ko ng tagain sa ulo ang gagong Nato na 'to! "Argh! I hate you!" malakas kong sigaw. "I love you too baby," sagot niya kaya tinapakan ko ng malakas ang paa niya sabay takbo ko papalabas ng mall. "Bwisit ka!" sigaw ko at walang lingon akong tumakbo papalayo sa kanila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD