Chapter Twelve

2014 Words

Chapter Twelve Sumapit ang graduation nina Yoko at ang mga kaibigan nito. Walang pagsidlan ang saya nilang lahat. Busog na busog ang puso niya nang makita kung gaano kasaya ang mga magulang niya. Nagleave ang mga ito sa trabaho para makasama siya sa mahalagang parte ng buhay niya ngayon. "Congrats, anak. Mama and Papa are so proud of you. Salamat at tinupad mo ang pangarap namin para sa'yo," nakangiting sabi ng kanyang ina. Niyakap siya nito at nakiyakap na rin ang kanyang ama. "Tita Dred, Tito Arman, mamaya na po kayo mag-emote. Hindi pa po namin hawak 'yong diploma. Baka maudlot po. Pabalikin niyo po muna 'yong luha," biro pa ni Janice sa mga magulang ni Yoko. "Hindi pa ako iiyak, mamaya pa siguro ako maglulupasay. Hahaha. Ikaw talaga, Janice. Pilya ka pa rin. Kung ano'ng tahimik ng

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD