Chapter Four

2371 Words
Chapter Four Pilit mang umiiwas ni Yoko sa mga kilos ni Travis, ay hindi niya magawa. Kahit sa school nila minsan ay dinadaanan siya nito. Hinahatid din siya nito sa kanilang lugar. Nilinaw naman niya rito na kung ano man ang gusto nito sa kanya ay hindi niya mabibigay. Malinaw ang plano ni Yoko sa buhay niya at sa mga magulang. Nakadalawang buwan na si Yoko sa kanyang OJT at halos kaunti na lang ay matatapos na niya ang oras na kailangan niyang irender. Apat na buwan na lamang at ga-graduate na rin siya. Hindi na siya makapaghintay pa. "Are you still afraid of commitment, Yoko?" tanong ni Travis sa kanya isang hapon sa opisina nito. Tinitigan naman niya ito nang seryoso. "I'm not afraid of commitment, Travis. Sadyang iba lang talaga ang prioridad ko sa buhay. Hindi ko kayang may makihati pa sa oras ko," paliwanag pa rin niya kay Travis. "Hindi mo naman kailangang hatiin ang oras mo. Sabi ko nga sa’yo, make me your option. I won't mind. Kung kailan mo lang gusto, at kung kailan ka lang pwede, ayos lang naman sa akin," tugon naman nito. "Why me? What do I have for you to like me this much?" seryosong tanong niya rito. "Because why not? What's wrong with me liking you, Yoko? Wala naman akong nakikitang masama?" tanong din nito. "And what's your point?" tanong niyang muli. "My point is, I want you to listen to your heart. Follow what your heart is telling you, Yoko. Not what your mind is dictating you. You can still graduate while we are together. Wala naman akong babaguhin do'n. You can still do whatever you want to do, Yoko," tugon nito sa kanya. Napaisip naman siya. Ano nga ba ang sinasabi ng puso niya? Mayroon ba? Instead of answering Travis, she just excused herself. Bumalik na lamang siya sa pwesto at nagpatuloy na sa trabaho. Iniisip niyang may punto nga naman si Travis. Kung pagbibigyan niya si Travis, kaya naman siguro niyang isabay iyon sa pag-aaral? Bahagya siyang natigilan nang maisip na gusto nga niyang pagbigyan si Travis? Ibig sabihin ba nito ay may gusto rin siya sa lalaki? Na boss niya sa opisina? Mabilis niya tuloy iwinaglit ang mga naiisip. Bago siya mag-out sa opisina ay nag-videocall pa sa kanya si Jiro at Janice kaya nagtungo muna siya sa pantry para kausapin ang mga ito. "Yoko! Kumusta?" tanong agad ni Janice sa kanya. Katabi nito ang kapatid na si Jiro na kasalukuyang umiinom ng coke habang nakatingin sa screen. Mukhang merienda break din ng mga ito kaya napatawag sa kanya. "Ayos naman, isang oras na lang pa-out na rin ako. Kayo ba? Mukhang busy rin kayo ah?" tanong niya sa mga ito. "Sakto lang. Kapag may hindi naman ako alam, nandiyan naman si Kuya para ipasa ko sa kanya 'yong task. Hehe," nakangiting kwento ni Janice. "Pero hindi dapat palaging gano'n. Hindi 'yon pwede sa totoong buhay. Huwag kang tumulad kay Janice, Yoko," mabilis na sabi ni Jiro. "Luh? Kainis talaga 'to eh. Hindi ko naman gagawin 'yon kapag nagtrabaho na ako," tanggi naman kaagad ni Janice sa kapatid. "Oo nga, Jiro. Sinasamantala lang ni Janice na may mahihingian pa siya ng tulong. Ikaw talaga," pagtatanggol naman niya kay Janice. Nakita niyang ngumiwi lang si Jiro sa kanilang dalawa. Habang nagtatawanan sila ay biglang may pumasok sa pantry. Nakita niyang si Travis ito kaya bahagya siyang umayos ng upo at nagseryoso. Mukhang napansin naman nitong hindi na siya nagsalita at nakipag-usap pa sa mga nasa cellphone. "Go ahead. Don't mind me, I'm just here to get something," sabi nito sa kanya at may kinuha sa cabinet sa itaas. Umalis din naman ito kaagad. "Boss mo na naman ba?" pabulong na tanong ni Janice sa kanya. Tumango lang naman siya. "Lumayo layo ka nga ro'n, Yoko. Mukhang babaero 'yon eh," banta sa kanya ni Jiro. Nakita niyang siniko naman ito ni Janice. "Mukhang masungit nga ang boss niya eh. Laging seryoso ang mukha. Pero kapag kay Yoko laging nakangiti. Hindi 'yon babaero," pagtatanggol ni Janice sa boss niya. "Men can also act, Janice. If we want something, we will do everything to get it," dugtong pa rin ni Jiro. "Ikaw lang 'yong gano'n. Ikaw 'yong babaero at nagpapaiyak ng babae. Last week lang may nagsabi sa akin pinaiyak mo 'yong Cindy?" bintang ni Janice sa kapatid niya. Napahagikgik naman si Yoko sa kwento ng kaibigan niya. Alam rin niya ang kwentong 'yon dahil nandoon siya nang sabihin ng Cindy 'yon kay Janice. "Wala akong alam do'n sa mga 'yon. Huwag kayong magpapaniwala sa mga sinasabi ng kung sino," tanggi nito sa kanilang dalawa. Nagngisian lang naman sila at hindi na nila inasar pa si Jiro. Nagpaalam na rin ang mga ito dahil tapos na ang break time nila at may tatapusin pa raw si Jiro na task. Nagpaalam na rin siya sa mga ito at nagsabing pag-uwi na lamang niya saka sila mag-usap ulit. Nang pauwi na siya ay nagpaalam na siya kay Andrea. Nakaligpit na ang mga gamit niya at nakahanda na rin ang bag niya. Habang hinihintay na magshutdown ang computer ay nagtungo muna siya sa banyo. Pagbalik niya sa pwesto ay wala na ro'n ang bag niya. Paglingon niya ay nakita niya si Travis na bitbit na ito at tila pauwi na rin. "Let's go?" tanong nito sa kanya. Buti na lamang at wala si Andrea sa pwesto, kundi nakakahiya naman na malaman nito na hinahatid pa siya pauwi ng boss nila. Baka wala na siyang mukhang maiharap pa rito kung nagkataon. Tahimik na lamang siyang sumunod dito sa elevator at kinuha rin niya ang bag niya rito. Hinatid siya nito hanggang sa tapat ng entrance ng eskinita patungo sa bahay nila. Habang nagtatanggal siya ng seatbelt ay bigla siyang tinawag nito. "Yoko?" mahinang tawag ni Travis sa pangalan niya. Dahan-dahan naman siyang lumingon para saba tanungin ito ngunit nabigla siya nang bigla siya nitong halikan sa mga labi. Nanglaki ang mga mata niya at hindi niya alam ang gagawin. Dapat bang itulak niya ito? Pero naisip niyang kakaiba ang dating ng mainit na mga labi nito sa labi niya. Pakiramdam niya ay binubuhay nito ang dugo sa katawan niya. Mas nagulat pa siya nang pagalawin nito ang mga labi at mas palalimin pa nito ang halik sa kanya, halos malagutan na siya ng hininga. Binitiwan din siya nito bago pa man niya ito itulak. "Sorry, I couldn't control myself. Mamimiss kita kita. I'll be away for few days," paghingi nito ng paumanhin. Imbes tuloy na magalit ay parang mas lalo pang lumambot pa ang puso niya para rito. "Aalis ka? Saan ka naman pupunta?" tanong niya rito. Napabuntong hininga naman ito. "I'll be in Cebu and Bohol for 3 or 5 days for a business trip. Baka pinakamatagal na ang isang linggo. I'll try to get back as soon as I can, Yoko," tugon naman nito sa kanya. "It's fine. That's part of your job, Travis," kalmadong tugon naman niya. Umiling naman ito. "It's not fine. Okay lang sana kung pwede kitang isama eh. Kaso hindi pwedeng magsama ng OJT sa business trip. Hindi bale, after ng OJT mo sa kumpanya isasama na kita. Sakto siguro graduate ka na no'n," tugon din naman nito. Wala naman siyang naging imik. Nang mapansin nitong tahimik siya ay nagpaalam na ito sa kanya. "Sige na. Uwi ka na, goodnight. I'll try to text and call you as possible I can. Be a good girl while I'm not around, Yoko," bilin nito. Wala sa sariling tumango naman siya rito. Binuksan na niya ang pinto ng kotse at bumaba na. Hindi na siya lumingon pa habang lumalakad papalayo. Pagpasok niya kinabukasan ay wala nga si Travis. Tahimik at mabilis na lumipas ang araw niya sa opisina. Naging mapayapa rin ang pagtatrabaho nila ni Andrea habang wala ito. Nakakapag lunch break at merienda break sila on time na hindi nangangambang baka ma-overbreak sila at masermunan ng boss nila. Araw-araw araw rin kung dumalaw sa kanila si Troy. Madalas itong may dalang mga pagkain para sa kanila. Sa kanila nga rin ito madalas sumabay ng tanghalian. Wala namang problema sa kanila ni Andrea dahil masarap din itong kakwentuhan. Mabilis pa na lumipas ang siyam na araw. Habang abala sila nila Andrea at Troy nagku-kwentuhan at kumakain ng tanghalian na dala ni Troy para sa kanila ay hindi nila napansin na dumating na pala ang boss nilang si Travis at titig na titig ito kay Yoko na kasalukuyang humahalakhak sa binitiwang joke ni Troy. Halos masamid naman siya nang makitang nakatayo sa bandang pinto ng pantry si Travis. "Travis?" gulat na gulat na sambit ni Yoko. Nabitiwan pa niya ang kutsara at tinidor na hawak niya. Sabay namang napalingon sina Troy at Andrea sa direksyon kung saan nakatingin si Yoko. "Welcome back, Bro," bati naman kaagad ni Troy sa kapatid. Nagpatuloy lang naman ito sa pagkain. "Boss Travis, akala ko ba bukas pa kayo papasok?" gulat na tanong ni Andrea na napatayo na rin mula sa inuupuan. "You look like you are all having fun while I'm away. Should I leave again?" tanong nito sa kanila. Agad naman siyang umiling. "Naku, hindi po Boss Travis. Tapos na nga po akong kumain eh. Sabi ko nga magre-report na kaagad ako sa inyo eh. Kayo naman, masyadong matampuhin," mabilis na tugon ni Andrea sa boss nila. Mabilis na tumalikod si Travis at sinundan naman ito kaagad ni Andrea. Naiwan sila ni Troy sa pantry. Tinapos naman ni Yoko ang pagkain at itinabi na lamang niya ang pagkain ni Andrea na hindi na nito natapos pa dahil biglang sumulpot ang boss nila.  "Sungit ng kapatid ko, 'no? Boss na boss ang ugali eh. Ang sarap dagukan. Kung ako lang ang mas nakakatanda, tutupiin ko pa 'yan sa pito," nakangising sabi ni Troy sa kanya. Natawa lang naman siya rito. "Baka pagod lang din kasi. Ikaw naman," tugon na lamang niya. Mabait naman kasi si Travis sa kanya kaya hindi rin niya magawang makapagkomento ng masama tungkol dito sa tuwing may mga taong nagsasabi ng masama or hindi maganda about dito. "Mabait ka lang talaga. You are trying to see goodness in every people. Pero paano kapag walang goodness sa tao?" tanong ni Troy. "Pakitaan mo pa rin siya ng mabuti, para makasanayan niya. Para maisip niyang pwede naman palang gano'n? Kabutihan ang gawin sa kapwa, di'ba?" simpleng tugon niya lamang dito. Nakita niyang napatitig ito nang matagal at seryoso sa kanya. Inakala tuloy niyang may dumi ang mukha niya. "Your goodness might cause you harm, Yoko.  Be careful ha? Some people might take advantage of you. Natutuwa ako na mabuti ka, pero sana hindi ka maka-encounter ng tao na gagamit sa kabutihan mo sa masamang paraan," dugtong na payo pa rin nito. Nagugulahan man siya pero tumango na lamang siya rito. Mabilis niyang tinapos ang pagkain at niligpit na ang mga pinagkainan. Hinatid niya sa lamesa ni Andrea ang pagkain nito. Saka siya bumalik sa pwesto. "Paano? Alis na muna ako ha? Baka mabuhan kayo ng apoy dahil sa'kin eh. Mukhang bad mood si utol. Next time na lang ulit," paalam ni Troy sa kanya. Nagpasalamat naman siya sa oras nito at sa dinala nitong tanghalian para sa kanila ni Andrea. Paupo pa lang siya nang bigla siyang tawagin ni Andrea. "Psst. Baks, tawag ka ni boss Travis. Punta ka na lang sa loob," sabi nito pagkagaling nito sa opisina ng boss nila. Napaayos naman siya ng tayo at parang tila nakaramdam siya ng kaba. Mabilis siyang nagtungo at kumatok sa pinto ng opisina ni Travis. "Pasok, Yoko," narining niyang tugon nito. Dahan-dahan naman niyang pinihit pabukas ang pinto at pumasok na sa loob. "Pinatawag niyo raw po ako?" tanong niya rito. "I have only been away for 9 days, and now you're back to being too formal again when talking to me? Samantalang kay Troy kanina, wala akong mabakas na pagkailang o kung ano pa man?" tanong nito sa kanya. Napalunok naman siya ng laway. Galit nga ito sa nadatnan kanina. "Bakit nagagalit ka? Nag-po lang naman ako once sayo," tanong niya rito. Umiling ito at lumapit sa kanya. "Yoko, nagagalit ako kasi nakita kong ang saya saya mo kanina habang kasama mo ang kapatid ko. Imagine my loneliness while I'm away? Akala ko nalulungkot ka rin na wala ako rito, pero hindi pala," paliwanag naman nito. "Mas gusto mo ba na nagmumukmok lang ako sa isang sulok? Of course, I am glad that you are back. Nagkakatuwaan lang naman kami kanina habang lunch break, pero hindi naman ibig sabihin no'n mas gusto naming wala ka sa opisina mo," tugon din niya rito. "Hindi naman sa gano'n. You just don't look sad that I have been away for few days. Akala ko kasi excited ka sa pagbabalik ko," pagtatampo nito. Natawa na lang siya sa sinabi nito. Para kasi itong batang nagtatampo sa kalaro. Lumapit siya rito binigyan ito ng isang mahigpit na yakap. "Welcome back, Travis," nang-aasar na sabi niya rito pagkabitiw niya. "Yakap lang?" tanong naman nito. "Yes, why? Should I get you a beer? Magbook na ba kami ni Andrea ng venue for celebration?" asar pa rin niya rito. "Nah, I'm good. Come, give me another hug," sabi nitong muli. Lumapit naman siya para yakapit ito. "Let's make today our official day?" pabulong na tanong nito sa kanya. "Official day of what?" naguguluhang tanong naman niya. "Of you and me, being together? Patatagalin pa ba natin, Yoko?" tanong nito sa kanya. "I will think about it," tugon niya bago akmang aalis na ngunit pinigilan siya ni Travis. "Yoko," tawag nito sa kanya. Nginitian lamang niya ito. "Okay, fine. Balik na ko sa desk ko," pagsuko niya rito. "Good choice. Baba tayo mamayang merienda, Babe," nakangiting tugon nito sa kanya. Nanglaki naman ang mga mata niya sa narinig. "Don't call me, Babe! Nasa office mo tayo," saway niya rito. Nakita niyang nakatawa lang ito sa kanya. "What should I call you? Love? Honey? Bhe?" patuloy na pang-aasar pa rin nito sa kanya. Inirapan na lamang niya ito at tuluyan na siyang lumabas sa opisina nito. Mabilis siyang bumalik sa kanyang pwesto. Sapo-sapo pa niya ang dibdib dahil malakas ang t***k ng puso niya roon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD