CHAPTER TWO

1844 Words
Masiyado atang mahalay ang isip ko dahil ibang work under him ang pumasok sa isip ko. Ano ba ka naman Amanda! Work under him ibig sabihin sa kanya ka mismo magta-trabaho. Tumikhim ako para iwasto ang sarili. "Bakit po pala kailangan walang boyfriend para ma-hire?" kuryoso kong tanong. "Ikaw ba ang nag-i-interview? Ako lang ang magtatanong," may kasungitan niyang pananaway sa akin na bahagya kong ikinapahiya. "Pasensya na po," hinging paunmanhin ko at napahawak ako sa batok at sinaway ko ang sarili sa isip ko. H'wag ka nga naman kasing magtatanong Amanda hangga't hindi ka pa naman pinagtatanong. Sinundan ko naman siya ng tingin nang magtungo na siya sa kanyang swivel chair sabay naupo na ro'n pero nanatiling hawak ang aking folder at muli niyang binasa. "Anong ina-apply-an mong posisyon?" tanong niya bilang pagbabalik sa usapan at muli siyang nag-angat ng tingin sa akin. "Kahit ano pong office job Sir, pero sekretarya po talaga ang apply o kahit assistant," tapat kong sagot. "I already have my secretary and you already met her, Lizzete. Assistant ang kailangan ko ngayon. Can you work under pressure?" he said with a serious question. Hindi naman lingid sa kaalaman ko na kumpara sa sekretarya mas maraming trabahong nakaatang sa assistant pero makakaya ko naman ito para sa pamilya. "Yes Sir, I can work under pressure," I answered with full of determination. "Gaano mo ka kaya?" mapanantiya niya pang tanong at kumuha ng ballpen para lang laruin. "I used to do time management Sir. Sa dami na rin po ng mga naging trabaho ko nasisiguro ko sa inyo na makakaya ko. Tiwala niyo lang po ang kailangan ko," sagot ko habang diretso akong nakatingin sa mga mata niyang natural ang pagkapungay. Unti-unti siyang ngumiti. "I like you." Natigilan naman ako sa sinabi niya. At ito na naman ang malikot kong isip na naghahatid ng ibang kahulugan sa akin. Alam ko ang ibig niyang sabihin, pasado ako sa kanyang criteria iyon lang ibig niya sabihin wala nang iba pa. "Ibig po bang sabihin tanggap na ako?" hindi ko na napigilan itanong dahil sa pagbangon ng tuwa sa loob ko. "Not yet," he answered na ikinapanlumo ko. "Meron pang test na kailangan mong ipasa." "Ano pong test?" "Stand up," he ordered. Naguguluhan man ay agad akong tumayo kagaya ng ipinaguutos niya kahit hindi ko alam kung para saan ito. Pinasadahan niya ako ng tingin at prenteng sumandal sa swivel chair na kinauupuan niya at sumenyas sa akin na umikot ako. "Turn around." He rolled the tip of his pen in the air for me to turn around to see something. Ako naman ay umikot nga kagaya ng sinabi niya isang pasadang ikot lang at tumigil din nang humarap ako muli sa kanya. "What's your vital statistics?" Vital statistics ko? Required ba iyon? "36–24–36 inches, and in centimeters 90-60-90." Kita ko kung gaano siya napakagat labi at bahagya pang napakiling ang ulo na para bang nanginit siya bigla dahil niluwagan niya ang suot niyang necktie na tila siya nainitan. "Hindi naman kaduda-duda. You have an hourglass type of body," he said in his husky voice and lower tone. Naguguluhan ko naman siyang tiningnan. Para saan ba at kailangan sexy? Hindi ba'y dapat ang basehan lamang sa trabaho ay ang pagiging intelektuwal at masigasig kung kumilos at hindi naman na importante kung hindi maganda ang katawan? Hindi naman pageant ang in-a-apply-an ko rito kaya bakit pati vital statistics, required? Para atang may issue ito sa mga hindi sexy. Pa'no pala kung hindi ako pinagpala sa katawan? Hindi pala ako matatanggap dito? Importante oo ang pagiging presentable with pleasing personality ngunit ngayon lang ata ako nakakita ng kumpanyang dapat sexy ka pero sa mga in-apply-an ko naman ay hindi? Hmm... "Bakit po required ang vital statistics?" hindi ko na napigilang itanong. Matanong talaga ako lalo na kapag umiiral ang kuryosidad ko. "Malalaman mo rin kinalaunan," sagot niya na hindi ganap na sinasagot ang tanong ko. "By the way, you're hired." Tumayo na siya at inayos ang coat na nagusot mula sa kanyang pagkakaupo. Tila nabingi pa ako at ng ganap nang rumehistro sa isip ko ang sinabi niya ay napaawang na lang ang bibig ko kasabay nang pagsapo ko nito at naluha-luha pa 'ko dahil labis na saya. "Thank you Sir!" Laking pasalamat ko at dahil sa labis kong tuwa ay wala sa loob kong mas lumapit sa lamesa niya at inabot ko ang kamay niya na siyang ikinabigla niya. Tuwang-tuwa ko siyang kinamayan kahit hindi naman siya nakikipagkamay at ang tingin niya ay nasa mga kamay naming magkahawak. Hindi niya inaasahan ang ginawa ko. "You look very happy," he looks amused by my reaction. Hindi niya naman ako sinupladuhan pero nang mahimasmasan ako, ako na rin mismo ang nahiya sa pinagggawa ko kaya agad kong binitiwan ang kamay niya. "Pasensya na po Sir! Natuwa lang po talaga ako! Sa dami ng kumpanyang in-apply-an ko kayo lang po ang bukod tanging tumanggap sa 'kin," hinging paunmanhin ko na puno ng pagpapasalamat sa kanya. "Sa katunuyan niyan Ms Riveros 'di talaga hiring ang kumpanya ko at hindi ko naman talaga kailangan ng personal assistant dahil sekretarya ko na ang gumagawa ng lahat ng trabaho pero nang makita kita naramdaman ko kailangan mo ng trabaho kaya binuksan ko ang pinto ng kumpanya ko para sa iyo," mahaba niyang litanya dahilan para mas magalak ako. Ang malamang hindi naman pala talaga sila hiring at naging hiring lang dahil nakita niya na kailangan ko ng trabaho ay talagang ikinatuwa ko ng husto. Ang bait niya! Muka lang siyang masungit at istrikto kung titingnan pero ngayon pa lang masasabi ko nang mayroon siyang puso para sa tao at isa pa ay natural lang din naman ang pagiging masungit niya kanina dahil siya ang boss. "Maraming-maraming salamat po! Malaking tulong po sa pamilya ko ang trabahong ito," muli kong pasalamat habang magkayakap ang aking mga palad. "You're welcome." Ngumiti siya. "P'wede ka nang magumpisa bukas at kahit to follow up na lang ang mga requirements mo nang sa lalong madaling panahon makapagumpisa ka na." Ang saya-saya sa pakiramdaman. May trabaho na ako! May pampagamot at pampaaral na ako sa kapatid ko. "But before anything else, I want to tell you my conditions to clear things up. You are not allowed to have a boyfriend, or even suitors." His tone of mood suddenly changed which made me stop for a moment. Sandali... assistant lang ako pero bakit bawal naman ako magkaroon ng kasintahan? At bawal din ako ng magpaligaw? Parang personal na buhay ko na ata iyon? "Pero... bakit po pala bawal?" muli kong tanong kagaya ng tanong ko kanina na 'di niya naman sinagot. "Ano po kinalaman ng pagkakaroon ko ng boyfriend sa pagiging assistant ko po sa iny—" "Hindi ko gustong kinukwestyon ako ng empleyado ko." putol niya sa akin. "Pero madali naman akong kausap Ms Riveros, kung tutol ka sa rules ng kumpanya ko ay maaari naman na hindi ka na tumuloy at maghanap ka ng ibang trabaho," may katigasan niya pang sinabi dahilan ng panlalaki ng mga mata ko. "Hindi! Hindi Sir!" gagap ko. "Pasensya na po kung natanong ko kasi po na-curious lang po ako kung bakit kahit na manliligaw bawal po gayong labas na po iyon sa trabaho ko. Iyon lang naman po Sir." He just sighed like I left him no choice but to answer my question. "Because it's for you to avoid being distracted during working hours. Wala kang ibang iintindihin kundi ang boss mo lang at ang trabaho mo. Ngayon, malinaw na ba sa iyo?" Napakurap ako at sandaling hindi nagsalita. Kaya naman pala. Sana ay sinabi niya agad hindi iyung ayaw niya pa sagutin kanina iyon lang naman pala ang dahilan niya at gano'n lang kasimple ay 'di sana kanina pa ako nanahimik. Tumango ako. "Opo, naiintindihan ko na po ngayon Sir." "Again, no boyfriend and no suitors at pag nalaman ko na nakikipagligawan ka rito sa kumpanya 'di ako magdadalawang isip na tanggalin ka." Nanlaki muli ang mga mata ko kaya alinsunod akong umiling batid kong 'di ako magpapaligaw sa mga empleyadong lalaki ng kumpanyang ito pero sa labas maaari pa, hindi niya naman na malalaman pa iyon. "Hindi po, Sir! Pangako po!" Nagtaas pa ako ng kanang kamay bilang pangako ko na hinding-hindi ko iyon gagawin. "Good." Muli na siyang ngumiti. Bigla ko naman naisip ang susuotin ko nga pala bukas sa unang araw ko sa trabaho, wala pa nga pala akong pang-corporate attire na ipangpapasok ko sa araw-araw. Hindi ko naman kasi alam na bukas na bukas din umpisa na ako kaya hindi ko kaagad napaghandaan. "Ah, Sir maiba po ako. Baka po p'wede sa isang araw na lang ako magumpisa?" hingi ko ng permiso dahil bukas pa ako makakabili ng mga uniporme ko at iba pang mga gamit. "At bakit?" Napataas siya ng isang kilay. "Kasi po wala pa po akong susuotin pamasok, bibili pa po ako bukas at ng iba ko pa pong mga kailangan sa trabaho. Hindi ko po kasi inaasahan na bukas na rin po ang umpisa ko," rason ko. "Hindi mo ba kayang ngayong araw din bumili ng mga kailangan mo? Maaga pa naman Ms Riveros 11:30 pa lang ng umaga." Timingin pa siya sa relo niyang suot. Napahawak ako sa batok. Paano ko ba sasabihin na maghahanap pa ako ng uutangan ko para pambili ko ng mga gagamitin ko? Wala pa kasi ako hawak na pera panggastos dahil nagamit ko na kina nanay at sa kapatid ko ang perang naitabi ko kaya nga balak ko nga na kapag ako natanggap sa trabaho mangutang na muna ako pang-pondo hangga't hindi pa ako nakakasahod. "Ah kasi Sir..." Hindi ko alam kung paano ko ba ito sasabihin sa kanya dahil nahihiya ako pero bahala na. "Dedelihensya po muna ako." Nakatingin lang siya sa akin matapos ko iyon na sabihin. Boss ko na siya ngayon pero hindi ko akalain magiging bukas ako ng ganito sa kanya lalo na't ito ang unang beses kong nakilala siya. "You have no money to buy your things?" he asked as if I'm the most pitiful person he met kaya tila biglang nanliit ang pakiramdam ko. "Kaya po gusto ko sa isang araw na lang magumpisa Sir," sagot ko nang hindi siya dinidiretso na oo wala nga ako hawak na pambili. Pamasahe na nga lang pauwi ang kapit ko. Sandali niya pa akong pinakatitigan. "Start tomorrow. Ako nang bahala," saad niya na ikinawindang ko. Alinsunod akong umiling kasabay ng pagwagayway ng dalawa kong kamay upang pahindian ang pagmamagandang loob niya. "Hindi na po Sir! Ako na pong—" "Bayaran mo na lang ako sa unang sweldo mo kung hindi kaya ng pride mo. Kailangan na rin kita bukas na bukas din kaya h'wag ka nang marami pang sinasabi dahil hindi rin ako natanggap ng pagtanggi." Natigilan ako at napatitig na lang sa kanya. Hindi ko naman akalain na isa siyang good samaritan na klase ng boss na pauutangin ang bago niyang emplayado para lang makapagumpisa na agad sa trabaho... Sa sobrang bait niya... nakakahiya na.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD