"S-Si Sir Damian, narinig din ba niya? Kanina pa ba talaga siya nandito?" tanong ko dahil hindi ako kumbinsido kung hindi nga ba talaga nito narinig. Nabahahala ako dahil tunay na nakakahiya!Alam kong sa tanong ko para na rin ako umaamin pero hindi ko na rin naman maitatago pa kay Lizzete. "Kanina pa siya rito may dalawang oras na, malamang narinig niya. Nag-earphone na lang iyung tao, siguro para umaktong walang naririnig," sagot niya. Nanlaki naman ang mga mata ko. Ibig lang sabihin ay... nagsinungaling ito. Gusto ko na lang kainin ng lupa sa labis na kahihiyan. She sighed. "Amanda, Amanda. Iyan ang sinasabi ko na h'wag ka muna magsasalita ng tapos, darling. Ngayon alam mo na kung gaano katinik si Sir? Napaamo ka niya, ano?" Napayuko ako at hindi alam ang isasagot. "Walang hard to