Pumutok man ng batok niya sa taas ng presyon niya ng dahil sa akin bahala siya mag-selos na wala naman karapatan nang makaganti man lang sa lahat ng kapusukan niya. "Amanda." Nag-angat ako ng tingin mula sa computer nang tawagin ako ni Mr Demir. Speaking of m*nyak. "Yes, Sir?" baling ko sa kanya. Kung kaya ni Lizzete na umaktong normal kahit na may nangyayari sa kanila, ako kaya ko rin. Labas naman sa trabaho ang ang personal kong problema sa kanya. Isa rin sa mga dahilan kung bakit ayaw ko maulit ang nangyari sa amin ay dahil ayaw ko namang may nangyayari sa kanila tapos sa amin din. Nakakarumi lang kung sa iisang palapag na ito pareho niya kaming naikakama. "Come with me," he ordered. "Saan po tayo pupunta?" tanong ko. "Tumayo ka at sumunod sa akin. Bring the important files na