"Bakit niyo naman ginawa iyon?? Bakit kailangan niyo pang magsalita ng ganoon?" hindi makapaniwalang tanong ko matapos lumabas ng board room ang mag-amang Ferreras na walang napala. Sigurado, sinisisi nila ako kung bakit hindi nila nakuha ang deal! Hindi ko kasalanan, sadya lang lang na nang-over react itong boss ko. "Sa tingin mo hahayaan kong pagnasahan ka sa harapan ko? Didn't you see his face?? He's drooling over you!" he yelled at me. "Ano naman?!" pabalang ko ring sigaw. "Ano kung maglaway siya eh hanggang tingin lang naman hindi niya naman ako mahahawakan!" Mukang hindi niya nagustuhan ang sinabi ko kaya naningkit ang mga mata niya. "What did you say?" he wants me to repeat it. "Ayos lang sa iyo na tingnan ka ng ganoon na para kang hinubaran na?" tanong niya. "Ayos lang! May