Nagising ako mula sa nakakangilong pagkakahalik niya at nagawa ko siyang itulak gamit ang buo kong lakas at malakas na pinadapo ang palad ko sa kanyang pisngi na ikinapaling ng ulo niya sa kaliwang direksyon. "Sumusobra ka na," matatas at matigas kong sinabi. "Kagustuhan mo lang ang iniisip mo mapunan mo lamang ang pisikal mong pangangailangan." Napatiim bagang ako. Sa pangalawang pagkakataon ay napalapat ko ang palad ko sa kanyang mukha. Bilang isang babae tinatanggalan niya ako ng karapatan magdesisyon at laya, sa ginagawa niya. Dinadaan niya ako sa paspasan at pagiging mapagsamantala niya. Para bang naipon na lahat ng sama ng loob ko sa kanya. Hindi ko alam kung bakit ako, bakit niya ako ayaw tigilan. Hindi siya nagsalita at nanatiling nakapa1ling ang ulo niya sa kaliwang direksyon