Dinala ako ni Damian sa isang resto na hindi naman ganoon kagara pero masasabi kong class, kakain lang kami ng lunch pero dito niya pa ako dinala. Nakakahiya parang hindi ata ako bagay rito pang karinderya o hindi kaya fast food lang ako eh. "Mukang mahal dito, nakakahiyang dito mo ako dinala p'wede naman fast food na lang," kimi kong sinabi nang ipinaghila niya ako ng silya at naupo na ganoon din siya sa tapat ko sa kabilang bahagi naman ng lamesa. "Ano ka ba, ayos lang iyan. Last time kita unang inaya, sa coffee shop tayo, ngayon gusto naman kita maka-lunch ng maayos. And don't worry sagot ko naman hindi kita paghuhugasin ng pinggan," saad niya na may biro kaya bigla na lang ako natawa ganoon din siya. "Lokoloko." Pabiro ko rin siyang sinamaan ng tingin at pareho na lang kami nagtawa