Inabot na kami ng gabi sa labas dahil inaya niya akong mamasyal kung saan-saan para daw maibsan ang stress na ibinigay sa akin ni Demir. Ipinamili nya rin ng pasalubong sina Inay at ang kapatid ko kahit anong giit ko na h'wag na dahil nakakahiya na sa kanya pero sa huli, siya pa rin ang nanalo, binilhan niya pa rin sila ng kung anu-ano. "Sinabi ko naman Sir na h'wag na. Nakakahiya na sa iyo," hiya kong sinabi. Iniisip ko na tanggapin naman kaya ng Inay ko ito? Ayaw ko itong mapahiya pero mapilit siya. "Wala pa iyan, Amanda. Ayos lang iyan hindi iyan kabawasan sa yaman ko," pabiro niya namang sinabi. May yabang din. Inirapan ko siya. "Yabang mo naman, este ang yaman mo naman." Natawa siya. "Dahil may maipagyayabang naman ako. Ang masama eh iyung wala? Hindi ba mas nakakahiya iyun?"