Dieciseis

1346 Words
Nang malaman namin na nagising si AA pinuntahan namin siya ni Drake. "AA!" sigaw ni Drake nang makapasok kami sa loob ng ward. Nang-gigil ako sa ka-OA nito at nang makalapit kaming dalawa nagulat ako nang yakapin niya ng mahigpit si AA. "Okay na ako, Drake," sabi niya kay Drake at bumitaw sila sa isa't-isa. "Masyado kang OA," sabat ko na lang. "OA ba na mag-alala? Matutulad siya sa Mama niya kung hindi nyo naagapan," sagot nito sa amin. Nakita namin na tumingin sa amin ang mga tao at dumadaan alam ko ang sinasabi niya. "Naagapan naman ako," sagot niya nakita ko na hinawakan niya ang kamay ni Drake. "We know, Drake kaya inagapan ko-naming dalawa siya mismo ang gumamot sa sarili niya," sagot ko at dahilan para tignan ni Drake si AA. "Delikado 'yon! Hindi mo pa kontrolado ang ability mo," nasagot nito kay AA. "Nagawa ko, Drake," nasagot niya at tinulungan ko siyang umupo nang maayos. "AA..." tawag nito. "Okay na ako, E at Drake kailangan ko lang ang tulong nyo para mahuli ang pinaka-pinuno nila," sabi niya sa amin. "Mag-pahinga ka muna, AA mahina ka pa," sabi ko. "Mabuti at nagising ka na, Amire." bungad ng taong hindi ko inaasahan pupunta pa sa anak niya. Lumingon kaming tatlo nakita ko ang pagsama ng tingin ni Drake kay Leo ang karibal niya noon kay Heiley. "..." "Okay na ako," sabi niya lumingon ito sa amin at napansin niya ang itsura ni Drake. "Long time no see, Leonardo dekada na rin mula nang huli tayo nagkita." pagsasalita nito dahilan para tumingin sa amin si Leo na nagtataka ang mukha. "Sino ka?" tanong ni Leo bumaling pa ang tingin sa akin at hindi ko na iniwas ang mata ko. "Ito ba-" putol nito nang kurutin ko ang tagiliran nito at sinamaan ko siya nang tingin. "Kilala ba kita at nasabi mo 'yan?" nasabi ni Leo at tumingin siya sa anak niya. "May amnesia siya at ang dahilan ng hindi niya pagbalik kay Heiley," bulong ko sa katabi ko. Bumaling ang tingin namin kay Leo na kausap si AA. "Hindi pa rin nagbabago ang itsura niya tumanda lang ang edad niya at ang feature," sagot nito sa akin nakatingin na rin siya kay Leo. "Galit ka pa rin ba sa kanya?" tanong ko naman nakatayo lang kami sa likod ng mag-ama. Bumaling ang tingin ko sa kanya at ganun din siya sa akin. "Oo, nandito pa rin ang galit ko para sa kanya, E ako na lang sana ang ama ni AA at asawa ni Heiley ayokong nakitang naghihinagpis si Heiley nang mawala at namatay sa panganganak," sabi nito sa akin. Hindi naman ako nakasagot sa sinabi niya at bumuntong-hininga na lang ako. "Past is past pero alam kong hindi madaling maghilom ang sugat na matagal nang nakabaon sa puso mo, Drake wala din siyang kasalanan ang magulang niya ang dapat sisisihin dito maka-sarili sila noon para sa kasiyahanan ng kanilang anak," sabi ko. "Kaya bumabawi ako gamit si AA, E nandito na ako hindi na siya mapapahamak kung mangyayari ulit 'to, ako muna bago siya ang mapahamak ayokong matulad siya sa Mama niya noon." sagot nito natahimik naman ako. Mahal ni Drake ang kaibigan ko-ang ina ni AA maswerte ka, Heiley na may lalaking nagmamahal sa'yo ng ganito. Humarap sa amin si Leo na may pagtatanong ang mukha. "Paano mo ako nakilala?" tanong ni Leo kay Drake nang balingan niya ito. "Karibal kita sa isang babae noon, Leo at ma-swerte ka sa'yo siya nahulog kaso...wala na siya ngayon," sabi nito at nagulat ako sa sinabi niya hinawakan ko ang braso niya para patigilin ito sa pagsasalita. "Karibal?" sabat ni Leo sumeryoso ang mukha nang banggitin ni Drake ang tungkol sa nakaraan. "Drake!" sabi ko. "Sabi mo nga, E past is past kung ano man ang kasalukuyan hahayaan ko na saka alam kong maayos na ang buhay ng babaeng mahal ko sa langit." sabi nito sa harap namin nabaling ang tingin ko kay AA na nagbago ang mukha. "Ano ang ibig mong sabihin?" tanong ni Leo nang makita kong tinignan niya si Drake. "Honey!" tawag ng babaeng nang-agaw sa buhay ni Leo at dahilan kung bakit hindi ito bumalik sa Pilipinas. Lumingon pa siya sa akin at tumitig napangiti na lang ako. "Leo," tawag ko at umiling na lang ako sa dati kong kaibigan. "Bakit?" tanong ni Leo sa akin nang hindi pinapansin ang palapit na babae. "Kontakin mo lang kami kapag kailangan mo ng tulong," sagot ko bago ko siya iniwan. Nilapitan ko ang dalawa at umupo ako sa upuan. Narinig ko pa na tinawag ito ng babae hindi na ako lumingon sa kanila. "Bakit mo 'yon sinabi sa kanya, Drake?" tanong niya sumang-ayon naman ako sa sinabi niya Nilapitan ni Drake si AA na may seryosong mukha at alam kong narinig niya ang sinabi nito. "Ako muna ang makakasama nyo ni E sa lahat ng haharapin nyong misyon, AA at kasama nyo ako sa bagong team na meron kayo dito." sagot nito sa amin. "Hindi mo sinagot ang sinabi ko, Drake, alam mo ang balak ko pero inunahan mo ako," sabi niya natahimik naman ako. "Bakit, AA? Hindi ba kaya ka nandito para bigyan mo siya ng leksyon sa pag-iwan niya sa inyo ng Mama mo?" tanong nito kay AA. "Wala akong sinabing ganyan, Drake gusto ko lang malaman kung bakit..pero, ngayon unti-unti ko nang natutuklasan gusto kong bumalik siya sa dati kahit hindi niya ako makilala as his daughter," sagot niya. "Gusto namin tumulong sa kinakaharap nilang problema, Drake tukoy namin na ang pamilya ni David ang dahilan kung bakit kumalat ang virus sa Australia at karatig-bansa," sagot ko naman sa kanila tumingin ito kay David na dumaan sa tabi namin. "Pamilya ni David?" tanong nito sa amin kinurot ko naman ang tagiliran nito marinig ng mga katabi namin ang pinag-uusapan namin. "Wala siyang alam sa ginagawa ng pamilya niya, Drake natukoy namin 'to dahil nang hawakan ko ang kasamang babae ni Papa ang isa sa kalahi niya-may binabalak silang kaguluhan," sabi niya. "Katulad ng dating nangyayari kay Señior Matt at sa kanang kamay ng uncle niya noon 'yon ang naiisip ko dahilan at ganito ang lugar nila, Drake at AA gusto nila mag-hari sa ating lahi," sagot ko naman hindi naman 'yon mawawala lalo na malakas ang pwersa ng lahi namin sa ibang lahi. "Tulungan natin ang kanilang bansa na bumangon sa kanilang pinag-dadaanan ngayon kailangan nila tayo lalo na dawit ang ama ko at tingin ko hindi din niya nalalaman ang ginagawa ng girlfriend niya," sagot niya sa amin natahimik kaming tatlo sa sinabi niya. "May tiwala si miss Erika sa babaeng 'yon at alanganin tayo kay Zas dahil malapit din siya," sabi ko ayoko man hindi pagkatiwalaan ang kaibigan namin ni Heiley na doctor pero kailangan namin ang tulong ng kilala namin. Nang may lumapit na nurse kay AA umatras kaming dalawa ni Drake nakita ko na tumingin ito sa akin. Nang umalis ang nurse sinabi ko sa kanila ang nasa isip ko. "Baka nagbago siya hindi na natin siya lubos na kilala," sabi ko naman. "Anong gagawin natin kung ganun?" tanong niya sa akin nang tignan niya ako. "Siguraduhin muna natin na hindi siya naka-panig sa masama, AA dahil delikado din tayo kung malalaman niya ang tingkol sa natuklasan natin." sagot ko. "Drake, lihim mong matyagan ang kasamang babae ni Papa kapag hindi sila magkasama," sabi niya sa amin nabaling ang tingin namin sa kanya. "Paano kung may training tayo, AA hindi siya-"putol ko nang magsalita siya sa amin na hindi ko kaagad naisip ang nabanggit niya. "Gamit ang powers mo, E i-clone mo si Drake as in magiging twin sila para ang isa magbabantay at ang isa kasama natin," sagot niya sa amin. "Ang talino mo nga ang bobo mo lang pagdating sa on the spot padalos-dalos ka sige gagawin ko hindi para sa Leo na 'yon kundi para sa'yo at sa misyon natin," sabi nito sa amin. "Kailan natin 'yan gagawin?" tanong ko naman sa kanila. "Kapag huminahon na ang mga nagkakalat ng virus," sabi niya sa amin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD