Makalipas ng ilang araw, naging okay ang kalagayan ni AA kasama namin sa isang team si Drake na palaging nakadikit sa kanya.
"Magkamag-anak ba sila?" tanong ng kaibigan ni David sa akin nang iwanan namin ang kaibigan niya kasama sina AA at Drake.
"Hindi sila magkamag-anak pero si Drake ang naging ama at kuya ni AA noong bata," sabi ko na lang.
Hindi naman kaagad nakapagsalita ang kasama ko at umusog na kami para lumapit sa counter nang kami na ang bibili nang kakainin sinabi ko sa nasa harap ang bibilhin ko.
Kahit hindi pa maayos ang paligid ng lugar namin nang dahil sa kumalat na virus kailangan namin gumalaw para mawala na sila sa paligid at hindi na dumami mahihirapan kami patayin ang mga kalaban.
"Wala na ba ang mga nahawaan ng virus?" tanong ko na lang habang may ginagawa ang nasa harap ko.
"Sa paligid ng hospital, wala na pero sa ibang panig ng Australia meron pa rin virus hindi mawawala 'yan, at katulad siya ng covid 19 ang kaibahan lang may kakaiba sa virus—ang humawa sa kanila sa malalayong lugar naman na nahawaan nang virus marami pa rin, E nagpadala nang gamot si miss Erika sa iba't-ibang panig ng Australia para matulungan niyang gumaling," bulalas nito sa akin hindi naman ako nakapagsalita sa sinabi niya.
Nilapag ng babaeng bampira sa tray namin ang inorder naming pagkain at inumin. Binayaran niya ang inorder namin bago kami tumalikod para bumalik sa pwesto namin sa loob ng canteen.
"Drake, ikaw muna ang maghanap ng mga bampira na nagpa-kalat ng virus." sabi ko na lang nang kumakain kaming lahat.
Nilingon ko silang lahat nakita ko ang mga mata na utol bumuntong-hininga na lang ako sa harap nila.
"May tututol ba sa inyo?" tanong ko na lang sa kanilang lahat dahil ayoko na may magsasamaan ng tingin.
"Kami na lang ng mga kaibigan kong lobo ang maghahanap matalas ang pang-amoy namin sa ganitong sitwasyon," sabat naman ni David sa akin.
"Dalawa sa bampira ang sasama sa inyo, David makakatulong sila sa inyo," sabi ko naman kaagad.
"Oo nga, David maiiwan kaming dalawa ni E dito dahil kailangan kami nila Zas at miss Erika," sabat niya sa kanila at tumingin ako sa kanya nakikita ko na maayos ang kalagayan niya.
"Sino naman ang isa?" tanong ng kaibigan ni David sa akin nang bumaling siya ng tingin.
"Ang kaibigan nyong bampira at ikaw dahil may dugo kang mangkukulam sumama ka sa kanila." nasabi ko na lang.
"Maiiwan kayo ni AA dito? Hin—" putol ni Drake nang sumabat siya sa kanya.
"Drake, okay na ako naghihilom na ang sugat ko ginagamot ako ni E, saka kailangan nyong malaman kung saan nagsimula ang kumalat na virus." sabi naman niya sa aming lahat.
"Oo nga, Drake masyado kang nag-aalala para kay AA matapang siya katulad ng Mama niya saka, hindi ko pababayaan ang kaibigan ko kasama kami ni Zas sa pagkalap ng information inutusan kaming dalawa." sabi ko na lang dahil totoo naman ang sinabi ko binigyan kami nang gagawin habang may secret misyon pa kami inaasikaso.
"Hindi na ako nag-aalala para sa kanya, E may tiwala ako sa kanya kung ano man ang mangyari ang inaalala ko ang pag-kontrol niya sa powers niya hindi mo rin kakayanin," sabi ni Drake sa amin natahimik kaming lahat nabaling naman ako kay AA nang magsalita siya kay Drake.
"Masyado kang OA, Drake!" sigaw niya dahilan para tumingin sa kanya ang mga kumakain at nag-uusap din sa loob ng canteen.
"Uy, huwag kayo mag-sigawan dito!" sita ko na lang sa kanilang dalawa.
Piningot ko ang tenga ni Drake at umaray na siya tumawa naman ang mga kasama namin maliban kina David at AA.
"200 years old ka na, Drake para ka pa ring teenager kung umasta at umarte kaya hindi ka—" putol ko nang tumingin ito nang masama sa akin.
"Tumigil ka, Eireen!" pananaway ni Drake sa akin.
"Sino ba sa atin ang nauna, aber?" sagot ko na lang.
"Oo na! Kaya ka walang jowa eh gan—" putol ni Drake nang batukan ko siya nang malakas at natumba siya sa sahig.
"F*ck you!" pagmumura ko sa kanya nang harapan at padabog na umalis sa canteen.
Lumipad ako papunta sa malaking puno sa loob ng underground nagagalit ako sa sarili ko dahil ang manhid ni Drake.
Pinapunta ang buong team ng Vampires Association sa hall nagulat pa ako nang maabutan namin ang mga iba't-ibang nilalang na nakatayo sa malayo sa aming pwesto.
"Boys, will join the old team and newest team be a cooperation, what you will do is not to disagree, that's why I brought you together so that we can immediately find out where and who is the mastermind of the spread of the virus." bungad ni miss Erika sa amin nabaling ang tingin ko sa mga lalaking agent na nag-ingay.
"Shouldn't cooperation be equal?" sabi ng isa sa head napatingin sa kanya si miss Erika at tumahimik sila.
"It's better that this happens so that the old agent can guide the new agents in finding suspects in the spread of the virus." narinig naming sabat ni Zas sa head.
"Sa palagay ko, hindi sila nagka-intindihan sa meeting kaya ganyan," bulong ko sa mga kasama ko nakikinig kami sa kanila sa stage.
"Yes, this is my decision to all of you because it will be difficult for us to move now because we don't know who our opponent is." seryosong sagot ni miss Erika at muling humarap sa amin.
"Miss Erika made the right decision because the old team knows the strength and attitude of our opponents today more than the new team," sabat ni Zas sumang-ayon ang mga agent ang iba naman umapela pero nang sabihin ni miss Erika kung bakit ganito ang nangyari.
"Kailangan nyo lang magkaroon sa cooperation sa kasama nyo, huwag maging bato ang utak nyo sa mga puna, opinyon, at iba pa sa mga beterano at beterana na." sagot ni miss Erika sa aming lahat.
Hinati-hati kaming lahat nang maayos na ang paghahati ng grupo kada team may naka-assigned na sa amin kaagad.
"Sana magka-ayos sila kung ano man ang hindi nila pagkaka-unawaan," sagot naman ni Zas sa amin nang masalubong namin sila.
"Sumang-ayon lang ba sila sa desisyon ni miss Erika?" tanong ni Leo na katabi ng girlfriend niya na katabi ko.
"Oo," sagot ni Zas kay Leo.
"Next batch ako, honey sayang hindi kita makakasama." sabi ngangalang Shenna.
"Trabaho ang uunahin natin," sagot ni Leo sa girlfriend niya.
"Ate, tama si doc," sabat ni David nakikiramdam lang ako sa paligid ko.
"Ikaw, ano ang name mo?" tanong ni Shenna sa akin nang mapansin kong nakatingin siya.
"Eireen," sabi ko na lang sa kanya.
"And you?" tanong nito kay Drake.
"Drake," sagot ni Drake inakbayan niya si AA na hindi nagsasalita at napansin ko na nagbabago ang kulay ng mata niya kaya inalis ko ang braso ni Drake.
"Ate, si Amire kasama ni Eireen mula sa Pilipinas at kasama sa team namin ni David." sagot ng kaibigan ni David kay Sheena.
Tumingin ito kay AA at yumapos kay Leo tinawag kaagad ni miss Erika ang unang batch. Pina-alis naman nito ang mga katulad namin pumunta kaagad kami sa itaas kung saan kami naka-assigned.