Quince

1382 Words
Nagbago ako ng itsura naging lobo uli nang babalik na kami sa siyudad nakarinig ako ng mga ungol sa paligid. Tumaas ang balahibo at ang tenga ko sa narinig at napansin ko na tumingin sila sa akin inungulan ko lang sila. "Mukhang may paparating na kalaban," sabi ng kaibigan ko at binuhat niya bigla si AA nagulat sa ginawa nagbago ang kulay ng mata niya. "Bakit mo binuhat!!!" sigaw ni E sa kaibigan ko at inayos ang pwesto ng kaibigan niya. "Eh?" sabi ng kaibigan ko at ngumisi ako ng makaramdam nang pag-kirot sa buong katawan ko. "Nahihigop niya ang kakayahan nyo! Kaya nga sabi ko magbago si David ng itsura, ikaw-" putol ni E nang sumabat ang kaibigan niya. "Wag ka ng maingay, E wala na tayong magagawa-ughh.." ungol niya. Dumapa siya sa likod ko at nakarinig na kami nang ungol sa likod umungol ako ng umungol hudyat na umalis na kaming apat sa lugar. Itinali nilang dalawa si AA sa likod ko gamit ang kanilang powers kaagad na sila sumakay at umalis na kami. Nang makarating sa siyudad dumeretso kaming apat sa secret place at bumungad sa amin ang mga agents na nagbabantay sa hallway. "Kami lang 'to," sabi nina E at nang kaibigan ko tumingin ako sa mga kapwa ko agent. Bumaba naman sa likod ko ang kaibigan ko at si E pumuwesto sila sa magkabilaang side ko ine-escort kami papunta sa lagusan ng pagamutan. Binuksan ng kasamahan namin ang malaking pintuan at nakita namin na naghihintay ang mga namumuno sa aming pagbabalik. "Anong nangyari sa kanya?" tanong ni Zas sa amin umungol lang ako sa kanila dahil hindi ako nakakapagsalita kapag isa akong lobo. "Nakagat siya ng isa sa mga nahawa, Zas pero naagapan namin at humihilom na ang kagat kailangan niya lang magpahinga para bumalik ang lakas niya," sabi ni E. "How?" pagtatakang tanong ni Zas tinignan ang walang malay na si AA. "Maliban sa amin ng damuhong 'to tinulungan niya rin ang sarili na pagalingin ang sarili," sagot ni E. "Bampira lang s-" sabi ni Zas nang sumabat si E sa kanya. "Hindi lang bampira si AA, Zas may kapangyarihan siya na nakuha niya sa mommy niya at kami lang nakakaalam nito kung ano ito dahil delikado ito para sa sarili niya at sa mga kalaban natin." sabi ni E hindi sila naka-imik. Lumakad na ako nang inutusan sila ni miss Erika na ihiga si AA sa hospital bed hinanap ng paningin ko si doc Leo at ang magulang nito. Napansin ko na sumeryoso ang mukha ni miss Erika nang balingan niya nang tingin si AA at nakita ko ang kakaibang emosyon sa mata nito. "Magpahinga na rin kayo," sabi ni miss Erika sa aming dalawa ng kaibigan ko. Tumango ang kaibigan ko at tinapik niya ang balikat ko umungol lang ako sa pag-payag umalis na kami nilingon ko pa si AA at ang kaibigan nito. Bumuntong-hininga na lang ako at nagpunta kami sa restroom kung saan ako magpapalit ng itsura nang bumalik ako sa dating anyo hinagisan ako ng kaibigan ako ng kaibigan ko ng damit. "May hindi ordinaryong powers si Amire, pre humihigop siya ng enerhiya ng mga katulad natin at nagagamit niya ito sa kalaban o sa sarili niya delikado nga kapag ginamit ito sa masama kaya pala ng maglaban kayo naging pantay ang laban nyo." sabi ng kaibigan ko naisip ko rin ang sinabi ng kaibigan ko. Kaya siguro nagawa niyang gamutin ang sarili kasabay ng kaibigan ko at kaibigan niya. "Kaya siguro pinadala sila ng head ng vampires dito sa Australia dahil tutulungan niya tayo sa ganitong sitwasyon." sagot ng kaibigan ko sa akin tumalikod na ako at lumabas ng restroom. Hinanap ko ng paningin ko ang dalawang magkaibigan at ang kaibigan namin. "Hahanapin ko lang ang tropa," sabi naman ng kaibigan ko sa akin at umalis na siya kaagad sa tabi ko. Hindi ko na siya pinigilan pa at nang makita ko ang magkaibigan pinuntahan ko kaagad sila lumingon sa akin si E at nagpaalam na may gagawin pa siya. "Nagising ka na kaagad," sabi ko sa kanya at tumingin ako sa mga mata niya nagbago na ang kulay ng mata. "Bumalik na ang lakas ko," sagot niya sa akin. Tumango na lang ako ayoko siyang tanungin tungkol sa kulay ng mata niya. "Ginamot ka na rin ba nila?" tanong niya sa akin napansin ko na tumingin siya sa tagiliran ko. "Naghihilom ang sugat na natatamo ko pero kung malalim ang sugat ko dun nila ako ginagamot, ikaw?" pagtatanong ko sa kanya bilang leader ng team. "Okay na ako hindi na ganoong kasakit," nasabi na lang niya sa akin gusto kong magtanong pero naiilang ako. "Si doc Leo at ang magulang niya?" tanong niya sa akin at tinawag ko si Zas na dumaan sa harap namin. "Zas!" pagtawag ko naman dahilan para tumingin ito sa amin saka lumapit ngumiti pa ito sa amin. "Anong kailangan nyo sa akin?" tanong ni Zas sa amin. "Nasaan si doc Leo at ang magulang niya?" tanong ko curious din ako kung nasaan na ang mga kasama namin. "Nasa quarter's room ang buong pamilya niya kasama ng pamilya ng ibang agents ligtas sila, David alam ko na ligtas sa kapahamakan ang pamilya mo dahil sa tribe clan nag-bilin ang uncle mo na huwag ka muna babalik sa inyong lugar," pahayag ni Zas sa akin tatawagan ko na lang sila gamit ang internet. "Si doc Leo?" pagtatanong naman niya kay Zas bumaling naman ang tingin niya sa amin. "Okay naman siya, Amire kasama na niya ang girlfriend niya," sagot ni Zas, nakabalik na si ate Sheena? "Bumalik na si ate Sheena?" tanong ko naman kay Zas at tumango ito sa akin. "Ah, naitanong ko lang naman dahil kasama namin sila kanina mabuti naman kung ganun, Zas," sabi naman niya kay Zas. "Magkikita kayo mamaya, Amire kasama niya ang head doctor," sabi ni Zas nakita ko ang pagtingin niya sa amin. "Ah, okay hinanap ba ako ng head doctor?" tanong niya kay Zas, bakit naman tinatanong? "Mukhang alam mo na hahanapin ka niya matagal na ba kayong magkakilala?" tanong ni Zas humarap siya kay Amire. "She's my ninang, Zas ngayon lang kami nagkita noong pinapunta mo kami sa office niya," nasagot niya na parang wala lang sa kanya. Ninang niya ang head doctor? "Kaya, Amire magpahinga ka muna may darating na bagong agent mula sa Pilipinas na manggagaling sa ibang bansa," sabi ni Zas nakita ko na tinititigan niya si Amire. Nakita ko ang pagkunot ng noo niya nang pag-masdan ko siya umiwas naman ako ng tingin nang tumingin siya sa akin. "Sige," sagot niya at kinuha ang wine na may laman na dugo. Naiwan ako sa tabi niya nang umalis si Zas sa harapan namin para asikasuhin ang inuutos sa kanya ni miss Erika. Bumalik naman sa office si miss Erika pagkatapos malaman na maayos ang kalagayan ng mga pasyente. "Magpahinga ka rin matindi ang naging kasugapan natin sa mga nahawa, David minsan kailangan mo rin magpahinga." nasabi na lang niya napalingon ako sa kanya hindi ako umimik sa sinabi. Ilang linggo pa lang kami nagkakakilala at nagkakasama ganito ang nangyayari hindi ko pa rin maka-sundo ang dalawang magkaibigan kung ano man ang meron ngayon hindi ko alam. Umupo ako sa bakanteng upuan na katabi ng kama niya natulog ulit siya at sinandal ko na lang ang ulo ko sa upuan. Hindi ko namalayan nakatulog na ako dahil naramdaman ko ang pagod. Nagising na lang ako sa sigaw ng isang boses lalaki nakita ko na hinahatak ito ni Eireen. "AA!" tawag ng lalaki napa-aray ito nang batukan ni Eireen nasa likod nila ang mga kaibigan ko na nagtataka naman. "Nakikita mo naman ang itsura, ano? Saka, mahiya ka nga wala tayo sa lugar natin!" paninita ni E sa lalaki nasa tingin ko kilala nila. "Ang brutal mo talaga! Anong nangyari sa kanya?" pagtatanong ng lalaki nakamasid lang ako at lumingon ako kay Amire na natutulog pa rin. "Okay na siya ayusin mo na lang ang gamit mo kausapin mo na lang siya kapag nagising siya," sagot ni E at piningot ang lalaki na umaaray sinundan namin sila ng tingin. "Siya ang bagong agent na mula sa ibang bansa magkakilala sila sigurado," sabat naman ng kaibigan ko may sense ako sa lalaking 'yon ng hindi ko mapaliwanag.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD