Dieciocho

1436 Words
Nagpunta muna kaming dalawa sa malawak na library nagtanong pa ako sa agent na dumaan sa tabi namin. "Parang katulad lang nang library sa Baguio,"sabi ko na lang nang makapasok kami sa loob hinanap namin ang tungkol sa lahi ni David at nang girlfriend ni Leo. Gamit ang bilis namin at powers ko marami kami nakita tungkol sa lahi ng mga bampira, mangkukulam, at iba maliban sa lobo. "Bakit wala silang libro tungkol sa lobo?" nasabi ko na lang sa kanya naupo ako sa lapag. Tumingin ako sa kanya at nakita kong may tinitignan pa rin siya bumuntong-hininga na lang ako at tumulong na rin ako sa paghahanap. "Nahanap ko na," sabi naman niya sa akin at bumaba siya mula sa itaas gamit ang hagdanan. Lumapit naman ako sa kanya kinuha ko sa kamay niya at binuklat ko tumingin na rin siya. Binasa naming dalawa ang nakasulat sa libro kahit nakalutang sa ere pero nang makarinig kami nang ingay tinago namin kaagad. "AA! E? Ano ang ginagawa nyo dito?" tanong ni Zas sa amin nang makilala ang boses mula sa likod namin. "Naghahanap ng libro tungkol sa medicine ayaw namin istorbohin ang mga doctors gusto rin namin makatulong sa paggamot," sabat niya kay Zas nang lumingon kaming dalawa sa taong lumapit sa amin. "Ano ba ang tinapos nyo?" tanong ni Zas sa aming dalawa nang tumingin siya sa amin. "Management ako, at siya naman criminology kahit ang lahi namin magaling sa herbal at panggagamot hindi ko nakuha ang galing ng lahi ko kahit may nalalaman ako." sabi ko na lang kay Zas at tinago ko ang librong hawak namin kanina. Sinamahan niya kami sa hilerang nadaanan na namin kanina at ang nakita naming dalawa. "Sa dulo ng hilera ng mga libro nandyan ang hinahanap nyo tungkol sa gamot para sa katulad nyo at katulad namin lahat mababasa nyo dyan," sagot naman ni Zas at tumingala kaming dalawa sa tinuro nito. Tinaas ko ang kamay ko at kinuha ang mga libro sa hilera nang tinuro ni Zas nilapag ko ito sa mesa na malapit lang sa aming tatlo. "Nasa ligtas na lugar ang naka-ligtas sa virus," bulalas ni Zas sa amin at umupo kaming tatlo sa upuan pagkatapos ko ilapag sa mesa ang mga libro. Napalingon naman ako sa kanilang dalawa nang magtanong siya kay Zas. "Matagal na bang magka-relasyon si Doc Leo at nung Shenna?" tanong naman niya napatingin ako sa kanya sumesenyas na tumahimik. "Oo, matagal na, bakit mo naitanong?" tanong ni Zas sa kanya nang balingan niya nang tingin si AA. "Wala naman, Zas curious ako nabanggit ni E na magkaibigan sila noon sa Pilipinas kaya naitanong ko," nasabi naman niya nakita ko pa tumingin siya sa akin sinungaling ka talaga! "E?" tawag ni Zas sa akin nang tignan niya ako. "Pagkatapos ko kausapin si Leo nun nagtanong siya sa akin kung paano kami nagkakilala nito sinabi ko ang totoo dahil naging kaibigan ni Leo ang ina ni AA at may picture ang dalawa hindi ko itatago sa kanya ang totoo." sabi ko na lang kay Zas. Binuklat ko ang isang libro at bumulaga sa akin ang seal nang taong matagal ng wala sa mundo. "Kay Doc Heiley Vladimir ang seal na 'to, paano napunta sa libro?" bulalas ko sa kanila at tumingin sila sa akin lalo na si AA. "Kilala mo si doc Heiley?" tanong ni Zas sa akin at tumingin siya sa librong hawak ko hinaplos ko ang seal kung saan ang marka ng dugo nang kaibigan ko. "Oo, kilalang-kilala ko." sabi ko na lang tumingin ako sa anak nito na si AA. "Si doc Heiley ang gumawa ng gamot na nakalagay dyan sa libro, E patunay nandyan ang seal na mula sa kanya noon pa man 'yan bago siya maging doctor noon at bumalik sa Pilipinas dalaga pa siya noon," sabi ni Zas at napansin niya ako nakatingin ako kay AA. Para silang kambal kung parehas sila nabubuhay mapagkakamalan silang magkapatid. "Hindi ko alam na naka-gawa siya nang gamot noong pinadala siya dito," sagot ko walang nabanggit sa amin ang kaibigan ko noong maayos pa ang lahat. "Dahil isang secret doctor ng hospital noon si doc Heiley dito, E hindi pwedeng manggamot ang mga katulad nyo noon sa ibabaw dahil pinag-babawal pa 'yon ang mga sugatang bampira namamatay sa Australia nililibing sa ilalim pa nitong hospital." sagot ni Zas sa akin. Nabanggit 'yon sa akin nang kaibigan ko nang bumalik siya sa ibang bansa pagkatapos nang pagbabalik niyang nagdadalatang-tao na siya sa kanilang anak ni Leo. Sa ibang bansa nag-OJT ang kaibigan ko nung pagkatapos namin mag-graduate. Nabaling naman ang tingin ko sa kanilang dalawa nakita ko na gusto niyang magtanong kay Zas tungkol sa Mama niya. "Pwede mo na kami iwanan, Zas salamat sa kaunting impormasyon tungkol sa kaibigan ko pwede ba namin ito dalhin sa kwarto namin?" tanong ko naman nang tumingin ako kay Zas. "Pwede naman, E basta ibabalik nyo dito sa library," sabi ni Zas sa akin nakita kong bumaling ang tingin niya kay AA. "Nahanap mo na ba ang Papa mo?" tanong ni Zas sa kanya dahilan para tumingin siya. "No, malawak ang hospital at ayoko munang gambalain ang mga agents para hanapin ang ama ko mas uunahin kong isipin ang sitwasyon na meron tayo ngayon," sabi niya kay Zas hinawakan ko ang kamay niya dahilan para tumingin sila sa ginawa ko. Iniwan na kaming dalawa sa library walang katao-katao sa loob kaya kaagad kong nilabas ang hinahanap naming libro kaagad kong kinuha ang buong kopya nang libro bago ko binalik sa pinag-lagyan. "Miss Erika!" parehas naming sabi nang makita namin siya bigla sa harap namin. "Kilala kita, Amire mula nang isilang ka alam kong anak ka ni Heiley kaya ikaw ang kinuha ko dahil parehas kayo ng kakayahan itago mo kung sino ka sa buhay niya delikado rin ang pagkatao mo pwede nilang kunin at gamitin sa masama." pag-bungad ni miss Erika nabigla kaming dalawa sa nalaman nabaling ang tingin niya sa kaharap namin. "Pwede ba akong magpanggap as Heiley Vladimir? Para malaman natin kung sino ang gumawa ng gulong 'to sa Australia?" tanong niya. "Kaya mo bang gampanan ang pagkatao ng Mama mo?" seryosong tanong ni miss Erika sa kanya alam kong hologram lang ang kausap namin dahil sa enerhiyang nararamdaman ko. "Kakayanin ko para sa inyong bansa at sa Papa ko, miss Erika lalaban ko ang tatangka sa aking buhay," seryosong sabi niya kay miss Erika napa-hanga ako sa sinabi niya. "Ang kilala nilang Amire Athanasia mawawala na sa kanilang alaala mula ngayon maliban kina David, Drake, at sa mga kaibigan nito kung sakaling sasabihin mong ikaw si Heiley at hindi si Amire Athanasia." seryosong sabi ni miss Erika sa aming dalawa nakita ko na nilingon ang librong gawa ng kaibigan ko. "Mapagkaka-tiwalaan ba sila?" sabat ko naman duda pa rin ako sa magkakaibigan 'yon. Napalingon ako sa kanya nang sabihin nito ang nasa isip ko napatingin tuloy ako kay miss Erika. "Miss Erika, pwede na kunin ko ang nilalaman ng libro 'to? Mga impormasyon na gawa nang Mama ko para kung sakaling magtanong sila sa akin alam ko ang sagot," sabi naman niya kay miss Erika nakita ko tumingin ito sa tinuro niya Nagulat kaming dalawa nang hilahin nito ang kamay niya at hiwain nakita kong may lumabas na dugo at tinapat ito sa seal na nakadikit sa libro. Umilaw ito nang tuluan ito nang dugo mula kay AA. "Ano ito?!" tanong ko. "Ikaw nga ang anak ni Heiley may ibang nilalaman ang libro 'yan maliban sa nabasa nyo kanina at siya lang ang makakabasa nito at makapag-bukas nang malaman ko noon na ikaw ang pinili noon ni Señor Matt at Maria Irene na pumunta dito masaya ako kaagad akong pumayag." bulalas ni miss Erika sa amin. Hindi kaagad kami nakapagsalita ni AA at pumunta ang libro sa kanya. "Ikaw na ang bagong may-ari nyan pwede mo 'yan kunin, Amire—Heiley." ngiting sagot ni miss Erika at naglaho na ito sa harap namin. "AA!" tawag ko at nabaling ang tingin niya sa akin nakita ko ang luha sa mata niya. Niyakap ko na lang siya nang mahigpit pagkalapit at naglaho na kaagad kami sa library para pumunta sa kwarto namin. Nang wala na ang mga kasama namin naiwan kaming dalawa ni AA sa kwarto namin pinabalik kaming dalawa nang sabihan kami ni miss Erika kanina dahil kada batch ang grupong ginawa ni Zas sa mga team namin. "Kasama si Drake sa naunang nabigyan ng misyon," kwento niya sa akin. "Oo, sasabihin mo ba kaagad ang nalaman natin?" tanong ko sa kanya hawak pa rin niya ang libro nakapatong sa hita niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD