Diecinueve

1196 Words
Naghanap na ako ng mga bampirang nagkakalat ng virus kasama ko ang lalaking may gusto sa anak ng babaeng mahal ko. "May naamoy ka bang kakaiba sa paligid?" tanong ko nang mapansin kong sumisinghot siya sa paligid namin. "Wala," sagot niya sa akin nakita ko naman ang pagtingin niya sa paligid sinundan ko siya nang tingin. Naglakad na kami tumalon ako sa itaas nang puno at sumunod siya sa akin. "Wait, Drake!" tukoy niya sa akin at huminto ako bigla at tinignan ang dahilan ng pagtigil niya. Hinila naman niya ako patago sa kabilang side nang puno bago kami sumilip nakita namin ang dalawang nilalang na nag-uusap. Napatingin ako sa kanya nang gumalaw ang tenga niya at ang kakaibang aura na bumalot sa buong katawan nito. Nagtago kami ulit nang mapansin namin na titingala ang dalawang nilalang na nag-uusap. "May narinig ka ba sa pinag-uusapan nila?" tanong ko naman sa kanya nang umayos ako ng pwesto. "Mahina ang kanilang boses kaya hindi malinaw ang pagkakarinig ko halatang hininaan nila dahil naramdaman nilang nandito tayo," bulong nito sa akin napamura ako nang mahina sa nalaman ko. Umalis na siya sa tabi ko kaya sumunod ako pumunta siya sa kinatatayuan ng dalawang nilalang na nag-usap. "Kalahi mo, at isang nilalang na hindi ko katulad hindi naman—" putol ko nang may pana na dadaplis sa akin. "s**t!" pagmumura ko kaya nagbago ako nang anyo. Isa akong mabangis na bernadine isang nilalang na may pagka-demonyo. Naging asul ang kulay ng mata ko at nagbago ang buong katawan ko umangil siya sa akin kaaway nila ang kalahi namin. "Hindi mo ako kalaban," panimula ko sa kanya at hindi ko na siya hinawakan nang tuluyan na siyang magbago ng anyo katulad ko. Gumalaw kaming dalawa nang may naramdaman at kaagad akong kumilos at ginamit ko ang lakas ko para ibalik sa nilalang ang pana na muling tatama sa amin. Ngumisi ako nang matukoy ko kung saan nanggaling ang pana kaagad akong naglaho para puntahan ang nilalang na 'yon. Hinawakan ko ang leeg niya at ginamitan nang pampatulog gamit ang kapangyarihan ko. Noon ang powers ko ginagamit namin sa masama pero mula nang umupo anak ni Señor Matt at ang ibang nakakatanda sa amin nagbago ang lahat sa amin. "Sino ka?" sigaw ko sa hawak kong nilalang na nagising kaagad nang dalhin namin sa kweba. Dumura na siya nang dugo at natalsikan ako sa damit. "Wala pang dumudura sa akin!" sigaw ko at naglabas ako ng powers sa kamay ko. "Awat na," sabat niya sa akin at inalis ko kaagad ang powers ko nang humarang siya sa harapan ko. "Bernadine at isang lobo? Nagsama!?" sigaw ng nilalang at tumawa naman nang malakas sa harap namin. Nang-gigil ako sa reaksyon niya at sumigaw ako kahit nasa harap ko si David. "Anong pakialam mo? Dahil BALITANG MAGKA-AWAY ANG LAHI NAMIN? Hindi na ngayon isaksak mo sa kokote mo!" sigaw ko at padabog na umupo ako sa batong malaki. Natahimik sila sa sinabi ko at nilaro-laro ko ang powers ko sa kamay ko. "Sabihin mo sa mga kaibigan mo nakakita tayo ng kalaban at dadalhin natin sa HQ," sabi ko. Umungol ito nang umungol dahil hindi pa nagbabago ang anyo niya kinontak ko gamit ang powers ko si Erika napangiti ako nang makita ko ang mukha nito. "May nakita kaming nilalang na nag-uusap at isa sa dalawang 'yon nahuli namin," sabi ko na lang napansin kong tumingin sa akin ang nilalang 'yon. Mapagkakamalan akong baliw dahil ako lang ang nakakakita kay Erika mula sa powers ko nag-uusap kami sa isipan. "Katulad mo siya, Drake pero mahinang nilalang hindi rin siya tao," sabi ni Erika sa akin napatingin ako sa nilalang na nahuli namin. "Paano mo natukoy na katulad ko siya wala siyang enerhiya ng pagka-demonyo," sabi ko at pinapakiramdaman ko ang nilalang kung totoo ang hinala ni Erika. "Sa tattoo niyang maliit alam mo naman ako kahit maliit na tattoo nakikita ko," sabi ni Erika. "Nakita namin siyang may kausap," sabi ko tumingin pa sa akin ang nilalang na 'yon at sinamaan ako nang tingin. "Dalhin nyo siya dito!" sabi ni Erika sa akin at ginamitan ko nang powers ang paligid nito para hindi makatakas sa kweba kung mahina pa ang kakayahan nito hindi siya makakawala. "Baliw! Nagsasalita mag-isa!" sigaw ng nilalang sa akin at nawala sa isipan ko si Erika kababata ko ito kaya first name ang binabanggit. "Baliw na kung baliw sa paningin mo sayang ka, boy sa masama ka pumanig!" sabi ko na lang at umilaw ang mga mata ko sa harapan niya bago ko pinagdikit ang kamay ko. Nilayo ko kaagad at gumawa ako ng proteksyon sa harap ng nilalang. "An—" putol na bungad niya kasama ang mga kaibigan niya. "Bukas na lang tayo bumalik para makapag-pahinga pa tayo at baka salubungin tayo ng mga kakampi nito sa kagubatan mas magandang handa tayo at oo nga pala, nakausap ko ang headmaster at gusto niya makaharap ang nilalang na 'to," sabi ko at nakita naming tumingin sa amin ang nilalang. Nabaling ang tingin sa nilalang na nilagyan ko ng proteksyon nang magsalita ito. "Nagsasalita ka mag-isa, paano—" putol ng nilalang na 'to nang pumitik ang kamay ko at natawa na lang nang malakas sa kanilang harapan. "Ang pinagkamalan mong baliw kanina ang kausap ang boss namin! Akala mo lang nagsasalita ako ng walang kausap? Ang hina pa ang senses mo, boy nakakapanghinayang na sumapi kayo ng lahi mo sa masama." sabi ko na lang at muli akong humarap sa nilalang na mukhang katulad ng mga kasama ko ngayon. "David," tawag ng kaibigan nito nang sugurin bigla ang nilalang pero tumilapon ito dahil protektado ito ng kapangyarihan ko kahit ang kasama naming mangkukulam hindi kayang sirain. "Drake," tawag niya sa akin nang umubo ito nang alalayan nilang tumayo. "Kapag nakawala ang nilalang na 'yan mas delikado tayo sa mga kasamahan niya at sa headmaster nyo humingi nang tulong sa akin para gabayan kayo hindi nyo siya kakayahin kahit umabot na kayo sa huling level ng powers nyo." seryoso kong sabi sa kanila at lumabas ako ng kweba at nagbago ako ng anyo para bantayan ang buong paligid ng kweba. May tumabi sa akin at nakita ko siya nang lumingon ako. "Kalaban ko ang lahi mo pero bakit hindi ka nag-aalinlangan na tumulong sa amin kahit hindi na bilang isang team?" tanong niya. "Dahil sa isang tao," sagot ko. "Kay Amire?" tanong niya sa akin napalingon ako. "Lalaki ako, David itago mo man sa mga kaibigan mo ang damdamin mo sa isang babae pero sana huwag kang magmadali manligaw katulad mo ako noong kabataan ko hindi lovelife ang pinunta dito ni Amire dito," seryoso kong sabi sa kanya at tinaas ko ang kamay ko gumuhit ako ng buwan sa langit. "...." "Hindi lang si Amire ang tinutukoy ko, David anak, kapatid at kaibigan ang turing ko sa batang 'yon," natatawa kong sabi at naalala ko ang babaeng gusto ko si Heiley. "Mahal mo?" tanong naman niya sa akin. "Sobrang mahal kaso hindi ako ang pinili kaya nagparaya na lang ako," sabi ko. Hindi ako pwedeng matulog sa lugar na ito dahil nandito ang mga kalaban sa paligid ng kagubatan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD