Veintinueve

1285 Words
Hindi ako makapaniwalang may anak ako sa pagka-binata noong nag-aaral ako gusto ko rin malaman noon pa kung bakit nawala ang alaala ko. Sabi nila sa akin may iniwan akong girlfriend sa Pilipinas at nabuntis ko ito ang pagkakaalam ko dito na ako sa Australia nagtapos ng pag-aaral pero sinabi ni Harold ang lahat maliban sa nagkaroon ako ng girlfriend. "Eireen," tawag ko sa kanya nang makita ko siyang pinupunasan niya ng bimpo si Amire na hindi pa rin nagigising. "Ikaw pala," banggit niya sa akin nang lingunin niya ako nilapitan ko kaagad siya. Minasdan ko ng maigi si Amire may mukha sa kanya na parang nakita ko na noon pa. Bumuntong-hininga na lang ako at nagtanong kay Eireen. "Paanong nagkakilala tayo sa Pilipinas kung nasabi nyo na tago pa ang pagkatao nyo sa publiko?" tanong ko sa kanya. "Hindi naman talaga tago sa mga mortal kung anong nilalang kami hindi pa kasi sila sanay noong panahon na 'yon na nakakasama na kami sa mundo nyo," sagot naman niya sa akin. Nangalumbaba na lang ako ng kamay sa ibaba ng baba ko. Totoo naman ang sinabi niya na hanggang ngayon kakaunti pa lang ang nakakatanggap sa kanila. "Si Amire, sino ang nag-alaga sa kanya?" tanong ko bigla inisip ko kung sino ang nagpalaki kay Amire. Bumalik sa alaala ko noong nakaraang araw na nangyari sa pagitan namin ni Sheena tinabihan ko ang anak ko umupo ako sa upuan. Mabilis ang proseso ng pag-test sa aming dugo nang makuha ko 'yon habang sinasalinan ko siya ng dugo nakaraang araw mula nang mawalan siya ng malay. Hinintay ko 'yon kaya naiwan ako sa secret room nang ibigay sa akin ang resulta hindi kaagad nag-sink in sa akin na may anak ako at si Amire 'yon. Kaya siguro nilalayo niya ang sarili niya sa pamilya ko at sa akin dahil hindi niya kami gusto makasama o makalapit sa buhay niya. Gusto ko siya makilala ngayon lalo nang malaman ko ang koneksyon niya sa buhay ko. Alam kong lason sa kanya ang powers ni Sheena kaya hindi ko sasabihin dito kung sino siya sa buhay ko. Nang kausapin ako ni Sheena nang magkita kami sa kwarto ko napansin niyang may benda ang braso ko. Tinanong niya ako kung saan ko nakuha ang sugat. "May sinalinan akong dugo ko na kaparehas ng blood type ko hindi naman ako madamot sa dugo ko." bulalas ko na lang at nahiga ako sa kama ko. "Kaya ba ngayon ka lang nakabalik?" tanong ni Sheena sa akin noon. "Oo, hindi mo na ako kailangan gamitan ng powers mo kung nagsisinungaling man ako sa'yo." sabi ko na lang alam kong ginagamitan niya ako ng powers niya para malaman ang nangyayari sa akin. "Okay? Hm, 'yong naririnig mo na ako dahilan at nagka-sakit si miss Vladimir hindi ko 'yon kasalanan ah? Hindi ko alam na allergic siya sa katulad ko kahit bampira siya." sabi ni Sheena sa akin nabaling ang tingin ko sa kanya nang marinig ko ang sinabi niya. "Half si Amire, kaya ganyan siya kahit balik-baliktarin man ang mundo mabubuhay siyang half hindi rin niya kasalanan na mabuhay siyang ganun maski si Drake na kaibigan nila hindi lumalapit kay Amire dahil ayaw niyang mangyari 'yong nagka-sakit ang kaibigan niya siya na ang umiiwas." sabi ko na lang. "'Yong kasama nilang Drake katulad ko?" tanong ni Sheena at kaagad akong sumagot. "Oo, 'yon ang kwento nila nung nahuli namin ang batang bernadine sa gubat at dinala dito pero namatay din." sagot ko na lang nakita ko ang pagka-gulat. Nakita ko na umiwas nang tingin sa akin si Sheena nagsasama na kaming dalawa kahit hindi pa kami kasal. "Matulog na lang tayo huwag ka munang lalapit kay Amire kasama natin siya dito dahil kailangan siya kung dahil sa nangyari sa kanya hihina ang lakas natin," sabi ko sa kanya bumuntong-hininga na lang ako nang maisip na kaya nanghina si Amire dahil nahigop nito ang powers ni Sheena. Lason sa kanya si Sheena at kalahi nito ayoko rin na mapahamak si Amire dahil sa kanya gusto ko pa makilala ang anak kong estranghero sa akin may gusto din akong alamin sa pamilya ko. Bakit nila ako nilayo sa babaeng nangangalang Heiley? Napangiwi na lang nang nakaramdam ako nang pag-kirot sa ulo ko. May alaala akong nakikita sa tuwing pipikit ako hindi lang malinaw ang imahe. "Leo," narinig kong tawag ni Eireen naka-titig lang ako sa anak ko. Hinawakan ko ang kamay ni Amire hindi ko man lang siya nakitang lumalaki o nag-dadalaga. "Bakit hindi nyo ako hinanap noon?" pagtatanong ko na lang sa kanya nang hindi tumitingin. "Bakit ka pa namin hahanapin kung alam namin na ayaw ng magulang mo sa katulad namin? Kami na ang lumayo at gusto ng magulang ni Heiley ng katahimikan para sa kanilang apo." pahayag naman ni Eireen tumingin ako nang sabihin nito na may magulang pa si Heiley. "Sila ang nag-alaga sa anak ko?" tanong ko. "Sa palagay mo? Kahit ampon lang nila si Heiley, tinanggap nila ito na parang tunay nilang anak kaya pati si Amire inangkin nila as real granddaughter kayo lang naman ang hindi pa tanggap ang mga katulad namin noon kaya nilayo ka ng magulang mo kay Heiley." sagot ni Eireen sa akin bumuntong-hininga na lang ako. "Minahal ko ba ang tinutukoy mong babae?" curious kong tanong sa kanya. "Sobra, Leo kasal kayo ng patago ni Heiley sa huwes bago kayo umamin sa magulang mo noon at umalis kahit gustuhin ni Heiley sundan at sabihin na magkakaroon kayo ng anak nagkataon dun ang digmaan sa pagitan ng labo, bampira kaya hindi na siya umalis mas priority niya ang magulang niya at ang lahi namin kaysa sa pan-sariling kaligayahan," pahayag sa akin ni Eireen kumunot ang noo ko sa sinabi niyang kasal ako sa nangangalang Heiley. "May patunay bang kasal ako sa kanya?" tanong ko naman ayokong magduda sa sinabi niya. Lalo na ang totoong relasyon ko kay Amire sinabi nila sa akin na may anak ako sa pagka-binata. "Umuwi ka sa Pilipinas dun mo malalaman ang totoo," sagot na lang ni Eireen sa akin natahimik naman ako. "Ano ang ginagawa ni Amire noong bata pa siya?" tanong ko na lang sa kanya dahil siya ang nakasama ng anak ko. "Pinaramdam namin sa kanya ang normal na pamumuhay niya kahit isa siyang bampira mas matimbang sa kanya kasi ang pagka-bampira niya." banggit ni Eireen sa akin. "Pwede ko bang makilala ng lubos si Amire?" tanong ko sa kanya nang tignan ko. "Oo naman, huwag mo lang siya pilitin na kilalanin ka niya lalo na sa magulang mo," sabi naman niya sa akin na kaagad kong tinanguan. Naintindihan ko naman ang sinabi niya at nag-kwento naman siya sa akin tungkol kay Amire mula noong pagkabata niya. Nanghihinayang ako na hindi ko nakasama ang anak ko. Mga tanong ko sa isip ko sana masagot ng magulang ko. *** Napalingon sila nang bumukas ang pintuan at nakita ako na papasok. "Tawag ka ni Zas, Leo tapos parang may naghahanap sa'yong dalawang matanda kasama ang mga bata," sabi ko. "Okay? Sige, babalik din naman ako," sabi niya at tumayo na para umalis pinuntahan na niya ang magulang niya. "Anong meron sa kanya?" tanong ko na lang kay Eireen ng sundan ko siya "Gusto niyang makilala si Amire," sagot na lang ni Eireen sa akin. "Ah..." sagot ko na lang sa kanya normal naman 'yon sa ama na hindi nakilala ang anak niya. Umalis din kaagad ako sa kwarto kung nasaan si Amire at pumunta ako sa training room kung kailangan ako ng mga bagong agent na kinuha ni miss Erika. Nandun din ang mga kaibigan ni David at binati ako umalis si David sa organisasyon dahil kailangan niyang bumalik sa kanilang tirahan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD