"Paanong nangyaring ama ni Amire si doc Leo?" nagtatakang tanong ni David sa akin nilingon niya sina Leo at si Eireen.
Tumingin ulit siya sa akin at kumukunot ang noo dahil sa pagtataka. Wala sa kanilang mukha na mag-ama sina AA at Leo.
"Ako, si Leo, si Eireen, si Harold, at Heiley magkakaibigan at magkasama sa school noong kabataan namin alam mo kung sino ang kakaiba sa amin hindi ko na ipapaliwanag sa'yo ayaw ng pamilya ni Leo kay Heiley dahil kalahi nito ang dahilan kung bakit namatay ang pamilya nila noon...hm, ninuno rin ni Amire sa father side, sinisi nila si Heiley dahil kalahi nito ang pumatay at baka, patayin daw sila ni Heiley kapag nagtagal ang relasyon nito kay Leo at alam mo naman ang panahon noon kahit walang malay pa si Heiley noon sa ginagawa ng lahi niya sa mga tao kapag nalaman ng mga mortal na bampira ka magiging katulad ka rin nila pagdating ng panahon alam mo na ang nangyari ang kaibahan lang hindi alam ni Leo nabuntis niya noon si Heiley sa lahi nila kapag nabuntis ang bampira ng tao five percent lang kung ang sanggol magiging tao dahil mas malakas ang lahi ng bampira kapag kumalat..so on." mahabang kwento ko na lang ayoko maubusan ng hininga.
"Siya ba ang hinahanap ni Amire sa Australia at maliban sa inutusan kayo ng Maria nyo?" tanong ni David sa akin.
"Plano ni Amire na hanapin si Leo para pag-higantihan sa ginawa ng magulang nito kay Heiley sa Mama niya nagkataon lang ang lokasyon kung saan kami bibigyan ng misyon dun siya pupunta." sabi ko.
"Revenge?" tanong ni David sa akin nakita kong tumingin siya kay AA at kay Leo.
"Oo, palpak ang ginawa niyang plano dahil sa dumating na sakuna sa mundo natin hindi ko na alam ang plan B niya kaya nagulat kami sa nangyari sa kanya ngayon." tugon ko na lang.
Tinapik ko ang balikat ni David at sumeryoso ang mukha ko.
"Huwag na huwag mo sasabihin kay Sheena ang nakita at narinig mo ngayon dahil kapag naulit ang pangyayaring 'to ako ang makaka-laban mo," sabi ko at iniwan ko kaagad siya para lapitan si Zas nakatingin kay AA.
"Karapatan ni ate Sheena dahil boyfriend niya si doc Leo kaso, kung siya ang may gawa kay Amire ng paghina nito o aksidente lang talaga dahil sabi nga ng mga nurse kanina nagkita sila at nagkausap—" putol ni David nang magsasalita na ako.
"Da—" putol ko sa kanya nang may magsalita sa likod namin.
"Dahil magiging kaaway ni AA si Sheena hindi nito kasundo ang bagong babae sa buhay ng ama niya at hindi siya plastic na tao siya rin ang dahilan kung bakit ganyan ang nangyari kay AA." bungad ni Eireen sa amin nabaling ang tingin namin sa tinutukoy niya nakita namin na nakahiga sa tabi nito si Leo at sinasalinan nito ng dugo si AA.
"Hindi pa rin ba naniniwala si Leo na siya ang ama ni AA?" tanong ni David nabaling naman ang tingin ko sa kaibigan ko.
"Oo, kaya ipapa-DNA niya ang dugo ni AA at dugo niya sa laboratory mamaya at ikaw, David alam kong malapit ka sa girlfriend ni Leo pero ilihim mo sa kanya at sa mga kaibigan mo ang natuklasan mo magkakagulo dito panigurado saka, ayaw ni Amire na makalapit pa siya sa ama at pamilya nito dahil sa ginawa nila sa kaibigan ko tatapusin lang ni AA ang misyon niya dito at babalik na kami sa pinas at ikaw, Drake ang dating plano na sa pamilya ng ama niya burado na kaya alisin mo na sa isip mo ang lahat kailangang gumaling ni AA alas siya sa nangyayari sa lugar na 'to," tugon ni Eireen sa aming dalawa ni David.
"Oo na, E alam ko kaya lahat na katulad ko kakausapin ko para hindi sila lumapit kay AA hahanapin ko ang totoong naka-panig sa kabutihan at hindi sa kasamaan," sagot ko sa kanila at nagpaalam na si David sa amin nang tawagin ni miss Zas.
Umalis na si David sa tabi namin at sinundan ko na lang nang tingin sila nang makalayo sa secret room.
"Si Zas, hindi din makapaniwala sa nalaman?" tanong ko bigla sa kaibigan ko nang lumingon ako.
"50/50, Drake una pa lang nakaramdam na si Zas nang hindi pang-karaniwan kay Amire at para sa kanya, pamilyar ang mukha nito noon pa hindi niya lang maisip kung sinong tao ang kahawig ni Amire sa dami nang nasasalamuha niya at nang sabihin mo kung sino ang ina at ama nito dun niya nakumpirma ang lahat," sagot ni Eireen sa akin at natahimik ako sa sinabi nito.
"Sasabihin niya ba kay Erika ang natuklasan niya o pati sa girlfriend ni Leo awatin natin—" putol kong sasabihin nang magsalita siya.
"Wala na tayong magagawa dyan, Drake kung ano man ang kahihinatnan ng nangyari ngayon protektahan na lang natin si Amire sa mga tatangka na patayin siya." nasabi na lang ni Eireen napalingon ako nang may magsalita sa likuran namin.
"Sasamahan ko kayo sa inyong binabalak makaka-patay ako ng kalahi mo, Drake kung sakaling may gawing hindi maganda kay Amire," bungad ni Harold at hindi kami nakasagot dahil parehas kami nang iniisip.
"Hindi pa rin ba makapaniwala si Leo sa nalaman niya?" tanong ni Eireen kay Harold nabaling ang tingin namin sa kanya.
"Ewan ko, ang bilin ko lang sa kanya huwag niya ipagsasabi ang nalaman niya lalo na sa taong dahilan kung bakit nahihirapan ngayon si AA," pahayag ni Harold sa aming dalawa at si Eireen ang mag-babantay kay AA habang gumagawa kami ng misyon.
"Leo, bumalik na ba ang kulay ng balat ni AA?" tanong ni Eireen napatingin kami sa taong kinakausap niya.
"Hindi ko masabi, Eireen kaya ba hindi pumayag si Amire na bantayan ang magulang ko dahil sa ginawa nito sa sinasabi nyong ina at nabuntis ko?" tanong ni Leo sa amin tumingin ito sa amin alam kong gusto pa rin nito malaman ang totoo.
"Oo, ayaw niya mapalapit sa magulang mo—lolo at lola niya at sa'yo dahil sa kanila hindi mo siya nakilala at nawalan siya nang magulang bilang agent sinusunod niya ang tungkulin niya sa organisasyon pero hindi niya gusto na makasama pa ang magulang mo." sagot ni Eireen sa dating kaibigan namin.
"Sana tuparin mo ang sinabi mo sa akin na hinding-hindi mo sasabihin kay Sheena ang koneksyon mo kay Amire kahit gamitan ka nang powers dahil pipilitin kang sabihin ang nalalaman mo at para maka-sigurado kami, Leo inumin mo itong tablet na ibibigay ko sa'yo walang makaka-alis sa katawan mo nyan kundi ako lang at si Eireen," bulalas ni Harold at inabot ang tablet.
"Protection na rin 'to sa buhay ni Amire, Leo kahit nangulila siya sa pagmamahal mula sa'yo huwag mo siyang pilitin na maging malapit kayong dalawa kundi kusa 'yan mangyayari nang hindi mo namamalayan," pahayag ni Eireen at tumango kaming dalawa ni Harold.
"Tama siya, Leo magkaribal tayong dalawa kay Heiley noon pero ikaw ang pinili niya at naging bunga ang pagmamahalan nyo lason sa kanya ang katulad namin," sabat ko tumingin sila sa akin at inakbayan ako ni Harold sa balikat ko.
"Hindi pang-karaniwan ang powers ni Amire, ingatan mo siya, Leo," sabi naman ni Harold at nabaling ang tingin nito kay AA.
"Isang mahalagang armas si AA katulad ni Heiley isang alas na tatalo sa mga taong masasama ang hangarin." sabi ko na lang sa dating karibal ko kay Heiley.
"Huwag mo na pilitin siyang bantayan ang magulang mo maging civil lang trato mo sa kanya kahit alam mo kung sino siya sa buhay mo," sagot naman ni Eireen.
Nagpaalam na si Eireen at Harold sinama nila si Leo na dala ang ebidensiyang magpapatunay kung ano ang tunay nilang relasyon.
***
Nang makalayo kami ni Zas sa secret room nabaling ang tingin niya sa akin.
"Protektahan mo si Amire, David kay Sheena dahil lason ito sa buong sistema ni Amire at sa mga kalahi nito," bulalas ni Zas sa akin at nang magsasalita na ako tinapik niya ako sa balikat.
"Ano ang dapat nating gawin?" tanong ko na lang.
"Huwag mo ipaalam sa kanya o sa mga kaibigan mo ang natuklasan mo pati ako nabigla sa nalaman ang hinahanap ni Amire na ama sa Australia nandito pala at kasama niya sa isang organisasyon kaya siguro hindi siya malapit kay Leo o hindi niya hinayaang mapalapit ang loob niya sa mga taong dahilan at nangungulila siya sa ama, David kaya pala noong una ko siyang makita pamilyar siya sa akin dahil siya ang anak ni Heiley Vladimir ang isang magaling na doctor at paggawa ng iba't-ibang klase ng mahika, armas...pinagbabawal niya na hawakan siya ng kalahi niya o nang ibang lahi hindi ko lang alam kung bakit..." sabi ni Zas sa akin hindi ako nagsalita dahil kung alam nito ang totoo sasabihin nito kaagad sa akin pero hindi wala na rin akong tiwala sa kanya.
"Sige, mapagkaka-tiwalaan nyo ako, Zas sasabihin mo ba 'to kay miss Erika?" tanong ko na lang naalala ko ang namumuno sa amin.
"Sasabihin ko sa kanya ang nangyari kay Amire, isang alas sa sakuna si Amire," pahayag naman ni Zas sa akin at tumango na lang ako.
"Dahil kapag nalaman ni ate kung sino si Amire sa buhay ni doc, dalawang babae na malapit kay doc Leo ang magpapatayan," sagot ko naman sa kanya.
Lumakad na kami papunta sa hallway nang masalubong namin ang mga kaibigan ko.
"Nabalita na nagkaroon bigla ng sakit si Amire dahil ba 'to sa huling misyon natin? Hindi pa siya magaling?" bungad ng mga kaibigan ko.
"Hindi ko sigurado ang sinasabi nyo kasi, tinulungan ko lang sila dalhin sa ward si Amire tapos nag-usap na kami ni Zas sa opisina niya tungkol sa next mission natin." kaila ko sa mga kaibigan ko.
"Bakit ano ba ang nabalitaan nyo?" tanong ni Zas sa mga kaibigan ko tumingin na lang ako sa kanila.
Sumama na sila sa amin sa paglalakad at inakbayan nila ako sa balikat ko.
"May virus si Amire? 'Yon ang naririnig namin pero walang nagpapatunay sa mga sabi-sabi dahil nakita pa nilang okay si Amire sa itaas nakausap pa ng mga nurse napag-alaman namin na nagkausap si ate Sheena at Amire—hind—" sasabihin ng kaibigan ko nang magsalita ang isa pa naming kaibigan.
"Imposible naman na may gagawing hindi maganda si ate kay Amire," sabat ng kaibigan ko.
"Imposible nga, pre hindi 'yon ang tinutukoy ko okay naman kasi si Amire nakita pa sa CCTV lahat ng agents nagulat kanina nang makarinig ng sigaw mula sa kwarto nina E at Amire nakita pa nila si doc Harold na duguan, ano ang iisipin nila, hindi ba?" bulalas ng kaibigan ko.
"Kung ano man ang nasa isip mo hindi totoo hindi nahawa sa virus si Amire malakas ang powers niya at hindi rin iba ang turing ni doc Harold kay Amire dahil ama at tito turing nito hindi ko alam ang sagot sa nangyayari kay Amire," sabat ni Zas sa amin totoo naman ang sinabi nito maliban sa natuklasan namin kanina.
"Anong nangyari kay Amire?" bungad ni ate Sheena sa amin nabaling ang tingin namin sa kanya.
"Hindi namin sure, Sheena, ano ba ang ginawa mo sa kanya?" tanong ni Zas sa kanya at kaagad na tumingin sa amin.
Tumigil kami sa paglalakad at sumandal ako at ang mga kaibigan ko sa pader.
"Wala, as in wala akong ginawa kinausap ko lang naman siya tungkol sa inaalok sa kanya ng magulang ni Leo na tinanggihan niya, ano ba ang nangyari sa kanya?" tanong ni ate Sheena sa amin tinignan pa kaming lahat.
"Hinawakan mo ba siya o hinawakan ka ba niya?" tanong ni Zas sa kanya nakita ko ang pagtataka sa mukha nito.
"Nahawakan ko siya at pagkatapos nun bigla siyang umalis kahi—" putol ni ate Sheena nang magsalita si Zas sa kanya.
"Kahit sinong nilalang may kahinaan, Sheena at lahi nyo ang kahinaan niya may sakit si Amire kaya ganun at kahit malakas siya kung pagmanasdan kaya umiiwas siya sa inyo dahil dun limitado lang ang nilalapitan niyang tao at katulad nyong lahat." sabi na lang ni Zas napatingin ako dahil sinabi niyang kahinaan ni Amire.
"Kahinaan?" sabay nilang tanong kasama ang mga kaibigan ko tumingin pa sa akin.
Umiling din ako kunwari na wala akong nalalaman. May hindi dapat sinabi si Zas nakikiramdam ako sa buong paligid namin.
"Allergic siya sa bernadine, kahit bampira siya may kahinaan din," sagot ni Zas siniko ko na lang ang tagiliran nito.
"Kaya pala, Zas lumayo siya kaagad at parang nasasaktan siya." sagot ni Sheena minamasdan ko ang mukha dahil may kakaiba akong kutob.
"Zas," tawag ko na lang at huminga na lang ako.
Ginamitan ng powers ni ate Sheena si Zas nang hindi ko namamalayan may napansin lang akong kakaiba kaya tinawag ko ang pangalan ni Zas.
"Sana lesson na rin 'to, ate Sheena sa atin may mga bagay na dapat iwasan wala namang ginagawa sa atin si Amire kundi ang tumulong sa katulad natin saka, attitude niya 'yong nagpapakita ng angas kahit may kahinaan siya huwag nating gawin sangkap 'yon para magka-sakitan tayo." pahayag ko sa kanila nabaling naman ang tingin nila sa akin.
Pinalakpakan nila ako nang may pagka-gulat sa kanilang mukha.
"Wow!!! Tumatalino ka na, pre..." biro ng kaibigan ko sa akin sinamaan ko na lang ng tingin.
"Baliw, kailangan ko pang mag-training," sabi ko at nang aalis na ako tinawag naman ako ng mga kaibigan ko.
"Sama kami!!!" sigaw nila sa akin at sumama rin nakita kong tumingin pa sa akin si Zas.