Nakita ko na kasama ni Harold si Papa nang bumaba mula sa rooftop naalala ko ang sinabi Eireen sa amin ni Drake. Natatandaan ni Papa si Harold na kakilala nila noong nag-aaral sila ibig sabihin malapit nang maka-alaala si Papa.
Nakita ko na tumingin sila sa akin at tumango lang ako sa kanila. Naglakad naman ako palayo sa kanila nang maamoy ko ang pabango ni Harold.
"Hey!" narinig kong tawag sa akin ni Harold hindi na lang ako lumingon sa likuran ko.
"Kamusta, Harold?" pagtatanong ko na lang nang sumabay na siya sa paglalakad ko lumingon pa ako kung saan papunta si Papa.
Nakita ko na nagbago ang mukha ni Harold nang kinamusta ko siya bago siya magsalita ngumisi siya sa akin.
"Ako ba ang kinakamusta mo o ang pag-uusap namin ng Papa mo?" tanong naman niya sa akin napailing na lang ako.
"Ikaw, Harold ang tinutukoy ko hindi ba, dapat sumunod ka kaagad sa amin ni Eireen, bakit hindi ka kaagad nakasunod sa amin?" pagtataka kong tanong sa kanya hindi sa nag-iisip ako ng ibang dahilan dahil mismong si Maria Vero ang nag-utos sa amin na magkakasama kaming magpunta ng Australia.
Humarap siya sa akin at alam kong nagtataka siya sa sinasabi ko. Bago siya humarap sa akin naglalakad siya nang patalikod kahit gurang na ganito pa rin siya umasta pero bilib ako sa kakayahan niya.
"Iniisip mo ba na hindi totoo ang sinabi ko sa inyo kanina?" tanong niya sa akin umiling naman ako kaagad sa kanya at humalukipkip ako ng kamay ko.
"No, syempre iniisip ko, kung bakit nahuli ka ng pag-sunod sa amin, ngayong buwan lang kumalat ang virus." tukoy ko naman sa kanya at nagpunta kami sa ward ng mga ginagamot pang nahawa ng virus.
Tinuro ko ang mga tao at katulad namin na matinding nahawa ng virus na hindi pa rin gumagaling hanggang ngayon.
"Parang nag-dududa ka sa nangyari at sa sinabi ko sa inyo, Amire hindi ako ang spy sa Baguio ganyan pa rin ba ang iniisip mo sa akin mula ng malaman mo na ako ang nakasama noon ng Mama mo nang ipanganak ka kung mamatay tao ako ng mga kalahi natin dapat pinatay na kita noon pang sanggol ka." bulalas ni Harold totoo naman ang sinabi niya sa akin.
Bumuntong-hininga na lang ako kahit malapit ako sa kanya may hindi mapaliwanag akong nararamdaman sa tuwing nangyayari ang ganito.
"Hindi ko na iniisip na spy ka ng masamang bampira, Harold hindi ka man lang kasi nag-text o tumawag sa amin kaya nagsalita ako ng ganito sa'yo." sagot ko na lang.
Napapailing ako at siya sa sinabi ko para akong girlfriend niya kung umasta.
"Parehas na parehas talaga kayo," nasabi ni Harold sa akin.
Nabaling naman ang tingin ko sa kanya at hindi kaagad ako nag-react. Nabaling ang tingin ko sa mga pasyenteng nasa harap naming dalawa.
"Ang iba sa kanila gumaling na, Harold ang iba sa kanila hindi pa nag-kulang kami sa gamot at pag-gawa ng gamot," sabi ko sa kanya kaagad dinala ko siya sa lab kung nasaan ang mga ginagawang gamot pinakilala ko si Harold sa mga scientist.
"Katulad ka talaga ng Mama mo, ano ba ang nakita ng Papa mo sa Mama mo, ano? Parehas na parehas kayo ng ugali." umiiling sagot ni Harold sa akin hindi na lang ako sumagot sa sinabi niya.
"Doc Leo!" tawag ng isa sa scientist na nakausap namin kanina.
"Naayos nyo na ba ang mga gamit sa box?" bungad ni Papa sa kausap niya hindi kami napapansin dahil may kausap.
"Kulang tayo sa gamot, doc na ituturok sa mga naka-ligtas na tao at katulad nila, malayo ang mapag-kukuhanan ng sangkap ng gamot at kung tayo ang gagawa nito aabutin tayo ng isang taon bago makabuo." narinig naming sabi ng kausap ni Papa nakita ko na nabaling ang tingin ni Harold sa kanila.
"Hindi ka ba magtatagal sa Australia?" tanong ko naman sa kanya nang marinig namin ang sinabi ng kausap ni Papa.
Lumingon ako sa kanya nang marinig kaming ingay sa labas ng laboratory nagka-tinginan kaming dalawa.
"Kakausapin ko si Maria Vero, Amire dahil kailangan din nila ako dun para sa bakuna na sinimulan ng ama niya ako at si Señior Dracula lang ang makaka-gawa ng gamot at nang kumalat ang virus sa Pilipinas kami lang din naka-gawa," sagot ni Harold hindi naman ako nakapagsalita dahil totoo naman ang sinabi nito sa akin.
"Tama ka naman, Harold at kausapin mo din si miss Erika siya ang head ng buong agency at hospital na 'to," sagot ko naman namiss ko tuloy ang grandparets ko na naiwan sa Pilipinas.
Twice a month ko pa lang sila nakakausap mula ng dumating ako sa Australia.
Nang magsasalita na ako kay Harold biglang nagsalita ang mga kasama naming scientist kaya napatingin ako sa malaking pinto ng laboratory.
"Miss Erika," tawag ng mga scientist dahilan para mabaling ang tingin namin sa bagong dating.
"Miss Erika," bati ko na rin napatingin sa amin si Papa na may ngiti sa labi nito.
Lumakad naman kaming dalawa ni Harold para makausap si miss Erika at hindi pa nag-tatagpo ang landas nilang dalawa dahil busy si miss Erika. Tumango ako kay Papa nang magka-tinginan kaming dalawa at tinanguan ko rin ang kasama nitong scientist.
"Erika," tawag ni Harold na nagka-titigan at may napansin ako sa kanilang mga mata.
Huminga na lang ako nang malalim bago ako magsalita sa harap nila umalis naman ang kausap ni Papa.
"Pwede ba ikaw ang mag-bantay sa magulang ko at sa mga pamangkin ko, Amire? Bumalik na sa bahay ang mga kapatid ko kasama ang kanilang asawa." bulong ni Papa nagtaka naman ako sa sinabi nito hindi ako malapit kanila.
"Si ate Sheena, doc? O ibang agents, doc Leo? Kilala ko lang sila pero hindi ako malapit sa kanila agent lang ako." bulong ko ayoko malapit ang loob ko sa mga taong dahilan kaya hindi ko nakilala si Papa.
Hindi pinagkait sa akin ni lolo at lola na makilala ko si Papa kahit sa picture na kasama si Mama.
"Miss Erika, siya ang dapat isa pa naming kasama na pupunta dito kaso, hindi kaagad siya nakasunod." sabi ko na lang para ang tensyon na kumalat sa paligid namin kumalma.
"Siya ba? Bakit ngayon lang siya nagpunta?!" taas-kilay nasabi ni miss Erika at binalingan niya nang tingin si Harold.
"Doctor at scientist ako ng Baguio at ng Vampires Organization kaya na-delay ang pagsunod ko sa kanila, Erika saka, kumalat din sa bansa namin ang virus na kumalat sa inyong bansa mas uunahin ko pang iligtas ang kababayan ko kaysa sa bansa nyo," sagot ni Harold nagka-tinginan ang mga kasama namin dahil may laman ang lumabas sa bibig nito.
"Hm? Miss Erika, ano ang pinunta nyo dito, hindi tapos ang ginagawa naming gamot," sabat ng kasama ni Papa na doctor.
"May dadalhin akong scientist na dadalhin sa Pilipinas mamimili ako kaya umayos ka, Harold isa ka sa pinili ko at sa kaibigan mong manyakis." sagot ni miss Erika bago kami nilagpasan para pumili ng scientist na ipapadala sa Pilipinas.
Nakita ko naman ang pag-simangot ni Harold dahilan para matawa ako sa harap ng mga kasama namin.
"Nakakatawa? Grabe talaga siya! Kung hindi ko lang—kakausapin ko si Maria Vero tutulong ako sa inyo sa paggawa ng gamot pero ayokong magtagal dito ng isang buwan mahigit o isang taon." sagot ni Harold napa-atras naman ako sa tabi niya nang bagay na papunta sa amin tinulak ko si Papa at ang katabi nitong doctor.
Umaray si Harold nang tamaan siya ng bakal sa ulo at sinamaan niya nang tingin ang bumato sa kanya nabigla kaming lahat dahil si miss Erika ang gumawa sa kanya.
"Erika Austria! Demonyo ka talaga!!!!" sigaw ni Harold nagbago ang kulay ng mata nito.
Inawat ito ng mga kalahi nilang mangkukulam dahil iba na ang kulay ng mata ni Harold hindi ko rin siya ma-aawat malakas siya kapag nagbago ang kulay ng mata niya. Bumuntong-hininga na lang ako sa kanilang pikunan at asaran sa palagay ko magkakabata silang dalawa at may malalim na lamat sa kanila.
"Harold, kalma nasa ibang bansa ka wala kang kalaban dito." narinig naming sabi ng kalahi niya sa kanya.
"Ganyan ba siya kung magalit?" tanong ni Papa sa akin nang lapitan niya ako nabaling naman ang tingin ko.
"Oo, hindi ko siya kayang awatin ang nakaka-awat sa kanya ang katulad niya pati si Drake hindi siya kayang awatin." sagot ko na lang ayoko mag-daldal ng sobra sa kanya.
"Hindi ko na kasi matandaan kung paano siya magalit," bulalas ni Papa bago niya ako tinalikuran hindi na niya binanggit ang sinabi niya sa akin kanina.
Sinundan ko na lang nang tingin si Papa bago ako tumingin kay Harold na kumalma na sa pagwawala. Lumapit sa amin si miss Erika at hinila niya ang kamay ni Harold sumunod na lang ako sa kanila napapailing na lang ako habang nakikinig sa kanilang argumento habang naglalakad kasama namin ang ibang agents.
Nagpunta ako sa traning room naiwan sa opisina ni miss Erika si Harold. Nang makapasok ako muntik na ako masugatan ng armas mabuti mabilis ako umilag at hindi ako natamaan.
Nilampasan ko ang agent na nag-eensayo na sa tabi ko at muntik ding matamaan maliban sa akin. Nilapitan ko si Eireen nang matanaw ko siya nauna silang umalis ni Drake kanina sa kwarto nito bago kami magkita ni Harold.
"Tapos ka na mag-ensayo?" bungad ko naman sa kanya dahilan para lumingon siya sa akin.
"Oo, nawala ka? Akala ko susunod ka dito?" tanong niya sa akin.
"Naharang ako ni Harold eh, at nagpunta kaming dalawa sa ward at sa lab para makita niya ang ibang facility ng hospital alam naman ni Zas ito at saka, nakita ko rin silang magkasama ni doc Leo kanina." sabi ko na lang at inabot niya ang gwantes sinuot ko naman kaagad sa kamay ko.
"Nakarinig ako ng argumento kanina, Amire at boses ni Harold ang narinig ko," sagot ni E sa akin tinapik ko na lang ang kamay niya.
Nag-usap kaming dalawa sa isip na walang makakabasa kahit sino pa sila at sinabi ko ang nangyari mapagkaka-malang baliw ang kasama ko dahil sa ginagawa niya napapailing na lang ako at kumilos na ako iniwan ko na lang si Eireen.