Nang matapos ang training namin ni Eireen nagpaalam siyang pupunta sa itaas para mag-assist ng mga pasyente dumadating. Naglakad naman ako papunta sa ward kung saan marami pang sugatan nandun mula ng mahawa sila ng virus.
Paunti-unti nang umaalis sa ward ang mga naka-survived na kalahi namin nasa panganga-alaga sila ng mga agents ngayon. Nag-assist ako sa mga kalahi namin na nagkakasakit o kaya'y sugatan dahil sa labanan normal na nangyayari ito sa buhay namin.
"Amire?" tawag ng taong hindi ko inaasahang nandito kaya napalingon na lang ako.
"P-doc?" banggit ko muntik na akong magkamali ng pag-tawag hawak ko ang checklist.
Kinausap ni Papa ang kasama kong doctor na magpalit kami ng nurse assistant niya nagtaka naman ako. Lumayo sila sa amin kaya sinundan ko na lang nang tingin ang dalawang doctor.
"Bakit tayo pinagpalit?" pagtataka kong tanong sa nurse na kasama ni Papa.
"Hindi ko nga rin alam eh, alam mo ba?" tanong nito sa akin at kaagad akong sumagot.
Nagkibit-balikat din ako sa harap nito at sumagot.
"Hindi ko rin alam nagtataka nga ako," bulalas ko na lang sa kausap kong nurse.
"Nag-usap ba kayo ni doc kahapon o kanina? Baka 'yon ang dahilan, AA." sagot ng nurse sa akin nagsinungaling naman ako sa kausap ko.
"Nagkita kami sa lab kanina dahil sinamahan ko si doc Harold dun para makilala nila ito at wala naman binanggit sa akin na may gagawin kami o ano! Kaya nagtataka din ako sa gusto niyang mangyari." sabi ko.
"May relasyon ba kayo ni doc? May girlfriend na siya at kalahating lobo, kalahating bernadine si Sheena." sagot ng nurse at umiling kaagad ako sa sinabi nito.
"Walang namamagitan sa amin at lalong hindi ko papatulan si doc Leo nirerespeto ko sila, advance ka talaga mag-isip hindi ko rin kailangan ng sugar daddy dahil wala sa isipan ko ang pakikipag-relasyon," sabi ko kaagad sa nurse na kausap ko at napailing na lang ako kinilabutan ako.
Natawa naman ang nurse sa akin napansin nito na hindi ako sumabay sa ginagawa niyang pagtawa.
"Ang seryoso mo talaga, AA pero habulin ka pa rin ng boys...oy, siya balik na ako sa duty ko." sabi nito nang tawagin ng doctor na ina-assist ko nabaling naman ang tingin ko sa Papa ko.
"Doc?" tawag ko na lang muna nang makalapit siya sa akin.
"Samahan mo ang magulang at pamangkin ko sa kanilang tinutuluyan kailangan ko ang magbabantay sa kanila na kilala nila," sagot ni Papa hindi naman ako nakapagsalita hindi niya pa rin makakalimutan.
"Hindi sa tumatanggi ako, doc pero may ibang agents naman dyan may gagawin ako dito sa ward sa totoo lang ako ang taong mainipin sa isang lugar at hindi ko naman kilala ng lubos sila twice ko lang sila niligtas dahil sa pangangailangan." sabi ko na lang dahil totoo naman.
Nakita kong umiwas siya nang tingin sa akin at sumenyas na lumabas kaming dalawa sa ward. Nagpunta kami sa tapat ng canteen at sumandal nabaling pa ang tingin ng mga agents na naglalakad at nasa loob ng canteen.
"Sinabi ko na sa kanila may iba pang agents na magbabantay sa kanila sa safe house kaso, hindi nila gusto kinausap ko na rin si Zas ang payo niya kausapin nga kita." sagot ni Papa bumuntong-hininga na lang ako at kaagad akong sumagot.
"Ayoko na pag-simulan ito ng hindi pagkaka-intindihan nyo ni miss Sheena gumagawa na ang agents ng kwento sa atin." pag-amin ko sa Papa ko kung alam lang nila ang tunay kong relasyon sa taong ito.
"Alam niya, Amire nagsabi muna ako sa kanya bago ako mag-desisyon na kausapin ka," sagot naman niya sa akin wala ba akong choice na tumanggi?
"Wala naman na akong magagawa, doc kaya anong magagawa ko? Hindi pa nila ako nabibigyan ng misyon." bulalas ko na lang sa kanya nakita kong tumitig siya sa akin.
"Ayaw mo ba?" tanong ni Papa sa akin nakita ko ang kakaibang kislap ng mata niya.
"Oo, doc ayoko," diin kong sabi sa Papa ko ayokong nakikipag-plastikan sa mga tao.
Bastos na kung bastos tumalikod na ako sa Papa ko kahit kilala ko na siya hindi malapit ang loob sa kanya at sa pamilya niya kinuha ko ang cellphone at nag-overseas call ako sa grandparents ko.
Napangiti na lang ako sa kanila nang makita ko ang mukha nila mula sa video call.
"Lolo! Lola!" tawag ko sa kanila at kumaway ako sa grandparents ko at nagpunta ako sa kwarto ko para makapag-usap kami ng maayos.
Umupo ako sa kama ko at nag-de kuwatro ng paa binuksan ko ang laptop ko at dun ako nagbukas ng messenger para buksan ang video call.
"Kamusta, grandpa?" pagtatanong ko sa grandparents ko miss na miss ko na sila nang sobra.
"Muntik na kami mahawa ng mga taong nahawa ng virus na kumalat dito, apo mabuti kaagad kami tinago ni Harold sa basement niya kasama ng mga naka-ligtas tinurukan niya kaagad kami ng bakuna na ginawa ni Señior Matt noon kasama niya si Maria Vero." sabi ni grandpa nakita ko na may ngiti si lola.
"Kamusta ka na, apo?" tanong ni lola sa akin at sinabi ko ang nangyayari dito sa Australia maliban sa pagkikita namin ni Papa.
"Noong unang dating namin dito, 'la muntik na kami mawalan ng gamit dahil kay Eireen mabuti na lang ang mga naka-pulot ang agents na pupuntahan naming lugar." kwento ko sa grandparents ko at sumagot kaagad sila sa akin.
"Marami bang nahawa sa Australia? Nahawa ka ba nila?" tanong ni lolo sa akin.
"Marami pero hindi nahawa nag-ligtas pa kami ng mga taong nahawa o iniligtas namin ang mga taong katulad nyo, lolo na muntik nang mahawa," amin ko sa grandparents ko at nakita kong lumuha sila.
"Miss na miss ka namin, apo sana makabalik ka na dito." sabi ng grandparents ko at sinabi ko rin sa kanila na namiss ko rin sila nang sobra.
"Hinanap mo ba ang Papa mo?" tanong ni lola kaagad akong sumagot sa tanong.
"Wala na sila sa address na binigay nyo sa akin hahanapin ko na lang sila sa ibang lugar dito, lola at habang nandito pa kami kaso, wala naman kami oras ngayon busy sa misyon na binibigay ng Maria Erika I mean si miss Erika." kaila ko na lang sa kanila ayokong mag-sinungaling sa kanilang dalawa pero kailangan kong gawin.
"Baka lumipat na sila ng bahay matagal na kasi 'yan binigay sa amin ng Papa mo noong binata pa siya at buntis ang Mama mo noon ayaw nito sabihin sa Papa mo na dinadala ka niya dahil may misyon siya noon kaso...namatay siya sa panganganak sa'yo." pahayag ni lola sa akin hindi naman ako nakapag-salita.
Sinabi ko ang nangyayari sa akin sa tuwing may misyon akong ginagawa mula ng dumating ako sa Australia lahat hanggang sa nangyari kanina lang at maliban sa alok sa akin ni Papa, hindi ko din sinabi na kung sino at saan nakatira si Papa. Nag-palit ako ng damit habang kausap ang grandparents ko.
"Pumayat ka na, apo." banggit ni lolo sa akin nabaling ang tingin ko sa kanilang dalawa.
"Kumakain ka pa ba?" tanong ni lola sa akin at kaagad akong sumagot sa kanila.
"Oo naman, 'la kumakain ako hindi ko ginugutom ang sarili ko talagang na-stress lang ako sa misyon namin, 'la si Auntie na bestfriend ni Mama nandito pala nagulat kami ni Eireen na makita namin siya dito at director ng hospital." kwento ko na lang para hindi namin mapag-usapan ang tungkol kay Papa.
"Talaga? Mabuti at may nakita kang kakilala natin hindi mahihirapan." sabi naman ng grandparents ko sa akin bumuntong-hininga na lang ako at nagpaalam nang may gagawin sa labas.
"Tawag ka ulit sa amin ah?" utos ni lolo sa akin at tumango ako sa kanila bago ako magsalita.
"Love you miss ko na kayo tatapusin ko lang ang misyon at paghahanap kay Papa babalik na kaagad ako dyan," kaila ko na lang sa grandparents ko at nagpaalam na sa kanila.
"Para ka pa ring bata, apo mag-iingat ka dyan hindi namin kakayanin na pati ikaw mawala sa amin." bilin ni lolo at sumabat si lola sa kanya nakita ko na may ngiti sila sa labi.
"Mag-iingat ka," sabi ni lola sa akin at gamit ang palad ko nilapit ang kamay ko saka nag-flying kiss sa kanila.
Hindi ko man sila tunay na grandparents tinuring nila akong tunay na apo.
Nang matapos ko kausap ang grandparents ko lumabas na ako ng kwarto nabigla pa ako nang bumungad sa akin ang magulang ng Papa ko at ito mismo kasama si Sheena na iba ang itsura ng mukha.
"Gusto ka nila kausapin ng personal, Amire," sabat ni Papa-ni doc Leo nabaling naman ang tingin ko kay Sheena na masama kung makatingin sa akin.
"May gagawin na akong iba, doc-" putol ko tinatawagan ako ni Eireen na kailangan nang kasama.
Hinawakan ako ng ina ni Papa para akong natigilan pero tumanggi ako sa gusto nilang mangyari.
"May ibang agents na pwede kayong bantayan hindi lang ako, madam hindi ko ito misyon nang magpunta ako sa Australia pasensiya na talaga may kailangan akong gawin," banggit ko sa kanila at ayokong mang-bastos ng tao tumingin ako kay Papa.
Umalis na ako at tinawagan si Eireen nagsalita kami nang ibang wika. Napalingon pa ako para magpaalam na lang sa kanila.
"Hindi siya 'yong agent na malapit sa client," narinig kong banggit ni Sheena.
"Ganyan siguro talaga siya saka, hindi naman malapit sina Mama at Papa sa kanya kahit dalawang beses na niyang iligtas sa kapahamakan trabaho niya kasi 'yon." bulalas ni Papa at umalis na kaagad ako.
***
Nang puntahan ko ang magulang ko sa secret room kasama ng mga pamangkin ko bumungad sa akin si Sheena at nilapitan niya kaagad ako para halikan sa labi sinalubong ko ito ng tugon.
"Anong sabi ni Amire?" tanong ni Mama nang mag-hiwalay ang labi namin ni Sheena nabaling ang tingin ko sa kanila.
Sinabi ko na tumanggi si Amire sa totoo lang pwede kong ipagka-tiwala sa ibang agents ang pamilya ko kaso ito ang gusto ng magulang ko. Mapagkaka-tiwalaan naman si Amire dahil dalawang beses pala niyang na-iligtas ang magulang ko.
"Kami kaya ang makipag-usap sa kanya baka, pumayag?" banggit ni Papa nagtataka ako kung bakit pilit na si Amire ang gusto nila makasama.
"Hindi na lang ako, Ma ang mag-babantay sa inyo?" sabat ni Sheena gusto nila ito sa akin kaso ang mga kapatid ko ang ayaw nila.
Hindi sila sumagot at lumabas sila ng kwarto nila naiwan ang mga pamangkin ko at sumunod na lang ako sa kanila sumama si Sheena. Nang kakatok na si Papa bumukas ang kwarto nina Amire at Eireen nagbago ang itsura nito nang makita ang magulang ko.
Sinabi ng magulang ko ang pakay nila kaso, harap-harapang tinanggihan sila ni Amire.
"Parang ang lamig ng trato niya sa amin at parang nakita ko na noon ang mukha niya o nag-kakilala na kami noon." narinig kong sabi ni Papa nang sundan nila ng tingin ang papalayo na si Amire.
"Parang nga, kaso lamig niya makipag-usap sa atin ganyan din ba siya sa inyo?" tanong ni Mama at sumagot ako sa kanila.
"Oo, ang lamig niya makipag-usap wala naman tayong ginawa sa kanya ika-galit niya." sagot ko.
Bumalik na kami sa kwarto nagpunta naman ako sa laboratory kasama si Sheena para asikasuhin ang gamot para sa katulad namin at mortals.