Hindi ako makapaniwalang nakasunod sa amin si Harold dahil alam kong marami siyang ginagawa sa laboratory. Tinapik ko na lang siya sa balikat magkasing-tangkad naman kaming dalawa pinakilala sa kanya ni Zas ang kasama namin na si David.
"Okay na ang mga tao sa Pilipinas naagapan kaya nakasunod ako sa inyo dito ang ibang doctor na ang bahala sa nahawaan ng virus nakagawa ng matinding antidote si Señior Matt na namana ng anak niya," pahayag ni Harold sa amin kilala namin ang anak ni Señor siya ang pumalit sa pwesto ng ama niya.
"Safe na nga ang tao kaso ang katulad natin wala bang nahawa sa kanila?" tanong naman ni Amire kay Harold kaya nabaling ang tingin namin sa kanya.
"Oo nga, kahit malakas tayo at may kakayahan manghihina tayo nang dahil sa virus ang mga katulad natin dito nahawa, Harold maraming namatay nang dahil para silang zombie nang mahawa sila," kwento ko sa kanya at bumitaw ako sa pagkaka-hawak sa balikat nito.
Nang matapos ako magsalita sumandal na lang ako sa pader nakaramdam ako nang pangangalay sa pagkakatayo at napansin kong sinundan ako ng tingin ni David kumaway na lang ako alam kong nakakaramdam na ito ng out of place sa buong paligid.
"Negative, Drake dahil bago pa kumalat ang virus sa Pilipinas sinabihan na kami ng anak ni Señior na magpa-turok ng antidote para hindi mahawa ang mga katulad natin lahat pinapunta nito sa Baguio at ang ibang nasa malalayong probinsiya pinuntahan ng mga agents para turukan kaya walang nahawa ng virus." pahayag ni Harold sa aming lahat nabaling naman ang tingin ko kay Eireen nakatingin lang at nakikinig sa sinasabi ni Harold.
"Kailangan ng katulad mo dito ngayon nagkulang na kami dahil namatay ang dalawa sa doctor na nahawa ng virus, pwede ka bang manatili dito ng mahigit isang buwan?" pagtatanong ni Zas tumingin ako sa kaibigan at doctor namij sa Pilipinas.
"Kakausapin ko muna ang supremo dahil baka kailanganin nila din ako sa Pilipinas," sagot kaagad ni Harold kay Zas pinuntahan ko si David para may makausap man lang.
"Zas, bakit mo pala kami pinatawag maliban sa nandito si Harold sa Australia?" tanong ni Eireen sumang-ayon ako sa sinabi ng lukaret sa isip ko, oo nga naman, bakit mo kami pinatawag?
"Namatay na ang batang dinala nyo dito, guys kaninang madaling araw hindi nakayanan ng katawan niya ang poison na pinasok sa katawan niya," sagot ni Zas at lahat kami natigolan sa narinig.
"Nasa lahi namin ang mamatay kahit nanalaytay sa amin ang ka-demonyohan kami pa rin ang magpapasya kung mabubuhay ba kami sa mundong 'to o hindi, Zas sa palagay ko lang mabubuhay ang batang 'yon pero sa ibang pagkatao na iba ang aura niya nang magka-harap kami sa kweba," sabi ko naman sa kanila nakita kong tumingin sila sa akin nang sabihin ko 'yon.
Sumang-ayon ang iba sa sinabi ko at kinausap din kami tungkol ni Zas sa misyon na ginawa namin nang magpunta kami sa kagubatan babalik ako at team na ang namin sa kagubatan kung saan namin natagpuan ang bata kasama namin ang ibang team para mag-imbestiga.
"Kailan naman kami babalik sa kagubatan?" tanong ni Amire kay Zas nang mapansin ko na tumingin ito.
"Kakausapin kayong lahat ni miss Erika sa susunod na araw, lahat nang team papupuntahin sa hall kung saan may sasabihin siyang importante sa inyo nag-remind lang ako dahil sasabihin ko rin naman ang nangyari sa bata isinama nyo dito." bulalas ni Zas sa amin.
Nagsalita naman si David nang magtanong si Zas sa amin. Lumayo na lang ako nang bahagya nang maglakad si David sa tabi ni Zas.
"Ano ulit ang misyon namin sa kagubatan, Zas?" tanong ni David kay Zas nabaling ang tingin ko kay Amire na tahimik lang.
"Kay miss Erika nyo malalaman ang sagot na gusto mong malaman, David magpahinga na kayong lahat dahil may ibibigay pa akong gagawin nyo sa susunod na araw bago tayo mag-titipon sa hall may gagawin kayo sa hospital," sagot ni Zas at lahat kami lumabas ng opisina nito.
***
Nang matapos ang conversation hinila ko si Harold sumenyas ako kina AA, David, at Drake na umalis na sila.
"Hindi ako bulag sa totoong sitwasyon sa Pilipinas, Harold kahit malayo ako ang enerhiya ng nangyayari dun hindi normal katulad lang 'to, tama ba?" sabi ko sa kanya dinala ko siya sa rooftop kung saan makakapag-usap kami ng maayos.
"Malakas talaga ang radar mo ah? Oo, lahat ng tao sa Pilipinas affected ng virus na kumalat sa buong mundo naulit ang pandemic nang dahil sa virus na mula sa bansang 'to, mabuti naagapan namin at iba pang scientist naka-detect kaagad nito pina-ban ng presidente ang bawat bansa kung saan nanggaling ang virus kaya hindi kaagad ako nakasunod sa inyo dito." sagot ni Harold.
"Kahit kasi malayo ako sa Pilipinas ngayon nararamdam ko ang enerhiya ng mga tao dun kung mahina, malakas, o iba pa." sagot ko na lang at kinuha ang sigarilyong hawak nito.
"Bawat pamilya nyo may misyon mula pagka-panganak nyo sa mundo na dapat ikalat ang powers nyo sa Pilipinas para malaman nyo ang mangyayari, at nangyari na," pahayag naman ni Harold sa akin at hindi naman ako nagsalita.
"Tama ka, Harold dahil hawak namin ang kaligtasan nila sa mga masasamang nilalang na katulad natin na hindi pa rin nagtitino at tumitigil sa kasamaan." bulalas ko na lang sa kanya humalukipkip naman ako ng kamay ko.
Tinignan niya ako nang maigi at bigla siyang nagsalita.
"Nandito ba siya?" pagtatanong ni Harold sa akin at parehas na nagka-titigan kaming dalawa bago ako magsalita.
"Oo, nandito siya at hindi ka niya matatandaan fo—" putol ko nang may magsalita sa likuran namin nabaling kaagad ang tingin namin.
"Harold?" narinig namin na tawag ng taong hindi ko inaasahan pupunta sa rooftop.
Kumunot ang noo ko sa reaksyon na nakita ko sa mukha ni Harold at Leo magkakilala silang dalawa?
"Leo?" tawag ni Harold siniko ko bigla ang katabi ko nang marinig ko ang pag-tawag nila sa isa't-isa.
"Kailan ka pa dito? Long time no see?" bungad ni Leo sa amin nang makalapit sa amin.
"Kilala mo ako?!" bulalas ni Harold sa taong kaharap namin nagtataka din ako dahil, bakit ito kilala ni Leo?
"Oo, schoolmate kita, right?" sagot ni Leo na may ngiti sa labi nito nagka-tinginan kami dahil kung may naalala ito sabi niya sa amin dito daw siya nag-aral.
"Hindi dito nag-aral si Harold nung college, Leo sa Pilipinas kaya imposibleng magkakilala kayo sabi mo nga dito ka nag-aral." sabat ko naman nag-isip tuloy ako ng plano sa sinabi nito sa amin.
"Tama si Eireen, Leo hindi ako nag-aral dito sa Australia kaya impos—paano mo nakilala?! May amnesia ka ba? H..." putol ko na lang sa sasabihin ni Harold nang magsalita ako.
"Siya lang ba ang nakilala mo?" tanong ko bigla at inikutan ko si Leo inawat naman ako ni Harold.
"Oo—nagulat ako ng makita kong nag-uusap kayong dalawa, magkakilala kayo?" tanong ni Leo sa amin at nagka-tinginan pa kaming dalawa ni Harold.
"Oo, magkakilala kaming dalawa kaya nang magkita tayo nagulat ako na hindi mo ako kilala at si Drake dahil mag-schoolmate tayo noon sa Baguio kung saan kayo nakatira ng pamilya mo noon bago kayo umalis ng bansa," pag-amin ko kay Leo at sumagot si Harold.
"At ako lang ang kilala mo? Sa aming tatlo—si—" putol ni Harold nang sikuhin ko ang katabi ko.
"Mamaya na tayo mag-usap, Harold, Leo
wala ka na bang gagawin?" tanong ko naman sa kaharap namin.
"Wala, nagpapa-hangin lang ako dito nang makita ko kayo," sagot ni Leo at nagpaalam na ako sa kanila narinig ni Harold ang sinabi ko sa isip niya at tumango na lang sa akin.
Nakita ko si Drake na nakatayo at sumenyas sa akin na tinuro ang iniwan ko ang dalawang lalaki. Sinabi ko ang kaunting nangyari at pumunta na kami sa kwarto mag-uusap kaming apat tungkol sa nalaman ko.