Veintidos

1841 Words
Makalipas ng ilang araw, pumunta na ako sa training room kasama ng mga kaibigan ko iniwan nila ako kaagad para puntahan ang kanilang team hinanap ko naman ang mga ka-team ko. "Hey!" narinig kong boses mula sa gilid ko. Nabaling naman ang tingin ko sa taong nagsalita nakita ko si Drake na kasama ang dalawang kaibigan niya. "Nandito kami!" tawag ni Eireen sa akin at tinaas ang kamay. Pumunta na lang ako sa kanila at nakita kong may kausap si Amire sa cellphone nito. Nang makalapit ako sumeryoso ang mukha nilang tatlo may nakalagay pa rin sa braso ni Drake. "Anong balita sa bihag natin, Drake?" tanong ko naman nang tumingin ako. "Comatose pa rin ang bata, at ang poison nasa katawan niya masyadong dangerous para mabuhay siya nang matagal," bulalas ni Drake sa akin hindi naman ako nakasagot. "Nasaan na ang bata?" tanong ko na lang sa kanila at nakita kong umalis sina Amire at Eireen. "Nasa facility pinag-aaralan ng mga scientist ang poison nasa katawan ng bata dahil bago lang sa kanila ang klase ng poison," pahayag ni Drake sa akin sumandal kaming dalawa sa pader hindi kami makakapag-ensayo dahil may injury pa ang katawan namin. "Ibig mo bang sabihin makabago ang poison na pinasok sa loob ng katawan ng bata?" tanong ko naman sa katabi ko at sumagot kaagad si Drake. "Oo, kinalkal na ang maka-lumang libro hanggang sa maka-bagong libro wala silang matagpuan gumawa sila ng bagong poison na walang makakaalam," sabi naman ni Drake sa akin dahilan para mabaling ang tingin ko sa kanila. "Kahit ang mga mangkukulam walang nalalaman sa poison na 'yon?" tanong ko at napatingin sa mga mangkukulam na kasama namin sa loob ng training room. "Wala, David kahit isa sa mga agents at mga naka-ligtas sa virus walang matuklasan kundi blangko mahirap hanapan ng sagot kung hindi ka naniniwala tanungin mo pa si doc Leo, si Zas, at si miss Erika," pahayag ni Drake sa akin at tumingin sa dalawang kaibigan niya na palapit sa amin. "Ano ang pinag-uusapan nyo?" pag-bungad ni Eireen sa aming dalawa nabaling pa ang tingin nito kay Drake. "Naiinggit kami sa mga nag-training at napag-usapan ang tungkol sa bata sinabi ko na imposibleng mabuhay pa ang bata na binigyan ng poison ng kalahi namin sa totoo lang nag-iimproved na ang bernadine sa pakikipag-laban." sabi ni Drake sa akin at parehas kami na hindi nakasagot dahil sa sinabi nito. "Hindi habangbuhay nasa maka-luma ang lahat, Drake nasa modernong henerasyon na tayo at marami talagang magbabago," sabat ni Eireen sa kaibigan niya. "Oo na, alam ko naman 'yon," sabi ni Drake sa kaibigan niya. "We all know, E, saka hindi naman ako katulad ng iba eh," sagot ko sa kaibigan niya. Pinanood lang namin sina Amire at Eireen na nag-training kasama ng ibang agents. "Paano mo sila naging team kung mas matanda ka sa kanila, Señior ka na, Drake." banggit ko na lang sa katabi ko habang pinapanood namin sila mag-ensayo. "Si Eireen at Heiley ang tunay kong ka-team ka-edad ko halos sabi ko nga sa'yo, anak, kaibigan ang turing ko kay Amire—si Eireen kaibigan niya talaga hindi nito matanggap ni Eireen na Auntie siya ni Amire." tawang sagot ni Drake nabaling lalo ang tingin ko sa dalawang babae. "Ano ang kakayahan ni Amire?" pagtatanong ko na lang kay Drake curious ako kung, ano ang kakayahan ni Amire? "Hindi ko pwedeng sabihin kung ano dahil magagalit sa akin si Amire at katulad mo wala siyang tiwala sa inyo o sa amin ni Eireen sarili na lang niya ang pinagkaka-tiwalaan niya," banggit ni Drake hindi na lang ako sumagot sa kanya. Sarili lang niya ang pinagkaka-tiwalaan niya kung ganun kahit may mga taong naka-paligid sa kanya nakita ko ang seryoso nilang pag-training hindi halata sa kanya na nagkaroon siya ng injury dahil sa pakikipag-laban sa nahawaang nilalang at mortal. "Drake, may naramdaman ka bang kakaiba sa bata?" bungad ni E sa kaibigan niya nang lapitan kaming dalawa nabaling naman ang tingin ko sa kanila. "Wala, hindi pa malakas ang pagiging bernadine niya ginamit siya nang namumuno sa kanila ngayon." sagot ni Drake sa kaibigan niya nang tumingin sila sa isa't-isa. "Ah okay," narinig kong sagot ni E at nakatanggap ako nang text mula sa kaibigan ko. Nag-reply na lang ako sa text at napatingala naman ako sa taong tumapik sa balikat ko. Nakita kong nakatayo si Amire nailang ako sa titig ng kakaiba niyang mata. "Busy?" banggit ni Amire sa akin at tumango na lang ako sa kanya bumitaw kaagad siya nang makaramdam ako ng kuryente. "No, tapos na kayo mag-ensayo?" pagtatanong ko kumaway sa akin ang isang babaeng lobo at tumango na lang ako muling humarap kay Amire. "Bukas na lang daw ang susunod na i-ensayo namin," sagot naman ni Amire at sumandal siya sa tabi ni Drake at nakipag-usap na rin siya. Nagpaalam ako sa kanila na may pupuntahan at tumango naman sila sa akin. Pumunta ako sa library ng hospital at nang naghahanap ako natanaw ko si doc Leo na nakaupo sa sahig. "Doc?" tawag ko na lang at nakita kong lumingon siya nagtataka ako na hindi siya pinapansin ng mga bampira, lobo, at iba pang lahi si doc Leo. Kaagad akong lumapit kay doc Leo at nagtaka talaga ako na walang pumapansin sa kanya. Inalalayan ko na lang siyang tumayo at napalingon sa akin ang mga naglalakad. Umiwas sila nang tingin sa akin at bumulong sa akin si doc Leo. "Hindi nila ako nakikita naka invisible ako sa kanilang paningin," sabi naman ni doc Leo umayos ako ng pwesto at umupo kami nang maayos sa sahig. Sinabi ni doc Leo na gumawa ito nang experiment na hindi nlalaman ng kapwang scientist. "Bakit hindi nila pwedeng malaman makakat—" putol kong sasabihin nang takpan nito ang bibig ko. Tumitig ako sa paligid ko kung may nakatingin sa akin umiwas na lang ako at kumuha ng libro at kunwari may tinitignan ako. "Dahil nasa loob ng hospital ang kalaban at hindi posibleng naging spy ito saka, huwag kang mag-kwento sa team mo tungkol sa nakita mo, David umalis ka na." sagot ni doc Leo may gusto pa akong malaman pa pero kaagad akong umalis para bumalik sa training room. Sino ang tinutukoy niyang spy sa loob ng hospital at hideouts? Nangako ako kay doc Leo na walang makakaalam ng nakita ko sa library gumagawa siya ng human invisible, kahit si ate Sheena hindi niya pwedeng malaman si doc Leo na lang ang magsasabi nito sa kanya ayoko nang makialam sa ganitong sitwasyon. Bumungad sa akin sina Amire, Eireen, Drake na nagtataka ang mukha. "Pinapa-tawag tayo ni Zas sa opisina niya," pahayag ni Eireen sa akin bago kami naglakad palayo sa training room. Lumingon pa ako sa pinang-galingan ko at nakita ko pa na kasama ni doc Leo ang kanang kamay niyang doctor. Bumuntong-hininga na lang ako bago sumunod sa tatlong magkakaibigan. "Bakit tayo pinapa-tawag?" tanong ko muna sa kanila nang mabaling ang tingin ko sa kanila. "Baka sa batang kasama natin, David 'yon lang ang naiisip kong dahilan," banggit ni Drake sa akin at hindi na lang ako nagsalita. Pwede rin... Naiisip ko tuloy kung sino ang traidor sa agency, ang mababang agents na katulad namin? Ang mga nakaka-taas katulad nina Zas, doc Leo, miss Erika, ate Sheena, at ang mga hukom. Hindi ko rin pwedeng sabihin sa mga kaibigan ko. Nang pupunta na kami sa opisina ni Zas para magtanong tungkol sa misyon nasalubong namin si doc Leo kasama ang mga kapwa niyang doctor. "Doc Leo," tawag nina Eireen at Amire bago gumalang napansin kong naka-titig lang si Drake. "Hi, agents! Saan ang punta nyo?" pagtatanong sa amin nang isang doctor na kasama ni doc Leo. "Kay Zas, doc may kailangan kaming kumpirmahin." sabat ko naman hindi pwedeng sabihin sa iba ang tungkol sa misyon namin. "Ah," nasabi na lang ng doctor sa amin at napansin ko na sinundan nila nang tingin ang papalayong dalawang doctor. "Tumanda lang si Leo pero ang ugali nandun pa rin," narinig kong sabi ni Drake kay Eireen at nakita kong siniko nito ang kaibigan. "Tumahimik ka kaya!" narinig kong pananaway ni Eireen sa kaibigan niya nasa likuran lang nila ako at hindi ko maiwasan makinig sa kanila. "Totoo naman, saka kung hindi namatay ng maaga si Heiley noon mamatay naman siya sa ibang paraan." pahayag naman ni Drake sa kaibigan niya, sino si Heiley sa buhay nila at konektado kay doc Leo? "Wala na si Heiley sa mundo, Drake move on ka na at umibig sa ibang babae isang dekada ka nang tigang," sagot ni Eireen sa kanya at nakita kong tumingin sa kanila si Amire. "Ang daldal nyo, ano?" sabat naman ni Amire sa kanila. "Ito kasi si Drake binabanggit niya si Heiley," sagot naman ni E sa kaibigan at kaagad niyang inakbayan sa balikat. "Hayaan mo na, E oo nga pala, susunod ba si doc sa atin? Ilang buwan na pero wala pa rin siya dito." sagot ni Amire sa kaibigan niya nang mapansin kong tumingin siya. Bumaling ang tingin nila kay Drake kaya napansin ko na umiling kaagad ito sa kanila. "Nang dumating ako dito hindi ko pa siya natatawagan mamaya i-video call natin baka busy 'yon," sagot ni Drake sa kanila tumingin sila sa akin na pinag-taka ko naman. "Ang layo mo naman sa amin, David, tara!" tawag ni E nang tumingin ito sa akin kaya lumapit ako hindi kasi ako nakiki-chismis sa kanilang pinag-uusapan. "Hindi kasi ako nakiki-sali sa ganyan kaya lumayo muna ako," sagot ko na lang sa kanilang tatlo nang makalapit ako sa kanila. Inakbayan ako ni Drake pero inalis ko kaagad dahil nailang ako sa ginawa niya at hindi ako sanay na may taong uma-akbay sa akin na hindi ko close. Nakita ko na tumingin sila sa akin at kaagad na bumtaw si Drake sa akin. Nang makarating kami sa opisina may taong nakatayo sa gilid kasama ng head doctor. "Harold! Uncle!" sabay nilang tawag sa lalaking nakatayo lumingon ito sa kanila. "Long time no see," seryosong bati ng lalaki sa tatlong kasama ko natigilan sila sa pagsasalita nito. "May nangyari ba sa Pilipinas at matagal kang sumunod?" pagtatanong ni Eireen sa lalaki nang magbago ang tono nito. "Wala naman, maayos ang pamamahala ni Señior sa Baguio nabalitaan namin ang nangyari dito kaya hindi kaagad ako nakasunod dahil inimbestigahan din namin kung may kumalat na virus sa Pilipinas at walang kumalat." bulalas ng lalaki nakamasid lang ako sa kanila. "Walang maniniwala sa'yo, Harold kilala ka namin," sagot ni Drake sa lalaki na nagbago ang tono at itsura. "Sa Manila kumalat ang virus naagapan namin kaagad sa tulong ni Maria Irene at ng asawa niya." sagot ng lalaki—nangangalang Harold. "Si Señior Dracula, parehas ang lakas nyo, hindi ba?" sagot ni Eireen sa lalaki. "Magkaiba ang lakas namin ni Dracula, Eireen," sagot ni Harold nakikiramdam lang ako sa kanila. Umupo ako sa bakanteng upuan at hinayaan ko na silang mag-usap nakamasid lang ako. "Siya si David, isang lobo—alpha ng kanilang angkan," sabi ni Zas ng ituro ako bigla.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD