Veintiuno

1302 Words
Nakatingin lang ako kay Drake hindi ako makatulog dahil hindi ako komportable sa lugar kung nasaan kami. Kalaban namin ang angkan nila mula pa noong buhay pa ang ninuno ko. Nagbago lang nang pumalit sa trono ang apo ng hari na si Señior Matt nagbago lang ang ugali nito dahil sa stress na nararamdaman nito. Mabigat ang tungkulin nasa kamay niya dahil siya na ang namumuno sa buong lahi ng iba't-ibang nilalang sa buong mundo. Umupo na lang ako at umayos sa tabi ng isa kong kaibigan. "Hindi ka makatulog?" bungad niya mula sa bukana nang kweba kung saan kami nagtatago kasama ang nahuli namin. Nabaling ang tingin ko sa kanya at tumango nag-sindi ako ng apoy sa kahoy na namatay kanina tumingin ako sa bihag namin bago ako tumingin kay Drake. "Ano ang dahilan at gusto makita ni miss Erika at ang lalaking 'yan?" pagtatanong ko naman sa kanya. "Sasabihin ko bang hindi ko alam maniniwala ka ba sa akin?" pilosopo niyang sagot sa akin hindi ako naka-imik sa sinabi nito. "Depende sa sagot mo, at hindi pa rin ako nagkakaroon ng tiwala sa'yo katulad nina Eireen at Amire ang pinagkaka-tiwalaan ko lang ang mga taong malalapit sa akin at ang sarili ko." nasabi ko na lang sa kanya at tumayo para kumuha ng maiinom namin. "Halata naman sa'yo na hindi ka nag-titiwala sa amin hindi dahil ngayon mo lang kami nakilala," sagot naman niya hindi naman ako nakasagot binalewala ko na lang ang napansin nito sa akin. Hindi na kami natulog hanggang sa sumapit na ang umaga nagtanong pa sa amin ang mga kaibigan ko kung nakatulog kami nang maayos parehas na hindi namin sila sinagot. Ginising namin ang bihag nang magising hinawakan kaagad ito ng mga kaibigan ko. "Makiramdam muna tayo sa paligid bago tayo bumalik sa—s**t!" pagmumura niya nang may bala ang lumilipad sa ere at umilag kaming lahat pati ang bihag namin nagulat. "May kalaban sa paligid mukhang natunton nila tayo," sabat ng kaibigan ko sa amin hindi ako nagsalita. Naglakad na kaming lahat palabas ng kweba umiilag kaming lahat kapag may mga baril na lumilipad sa amin nagbago ako ng anyo para madala namin sa headquarters ang bihag namin. Nakipag-laban kami sa mga nilalang na biglang sumugod sa amin kahit kalahi nila si Drake nakipag-laban sila pati ang mga kaibigan ko humaharang sa akin dahil nasa likod ko ang bihag na nagwawala para makatakas. Umalulong ako para tawagin ang buong lahi ko nasa kagubatan na naninirahan. Sumugod bigla sa amin ang mga kalaban at kahit may bihag sa likod ko nakipag-laban ako. May bumungad sa amin na lobo at lahat nakipag-laban hindi kaagad naka-galaw ang mga kalaban sa kabiglaan. Umalis kaagad ako sa pwesto ko nang makakita ako nang pagkakataon tumalon ako sa ibabaw ng kapwa ko lobo na humarang sa harapan ko. "They're going to run away!" sigaw ng mga kapwang bernadine na kalaban ko mabilis ako kumaripas ng takbo kahit may nagwawala sa likod ko. Umungol ako nang may tinurok na bagay ang bernadine sa likod at natumba kami pero dinaganan ko ito nang buong katawan ko bago ako tumayo para tumakbo nang lumingon ako nawalan ng malay ang bernadine nasa likod ko at nakita ko pa ang mga dugo sa katawan nito. Nang makarating ako sa may bukana ng kagubatan may biglang bumungad sa harap ko. Umatras ako at nakiramdam nang makita ko ang tatlong lahi na nag-aabang sa amin. "You can't get away!" pang-aasar ng bernadine nasa likod ko nagwawala pa rin para makatakas. "Shut up!" sigaw ko na lang nang magbago ako ng anyo sa harap nila wala na akong pakialam kung nakikita ng lahat ang hubad kong katawan. Kaagad kong binalik sa anyong lobo ang katawan ko at tumakas dumaan ako sa gilid naramdaman kong may sumunod sa amin nakarinig kami nang sigaw mula sa likod. Hindi na ako lumingon kung sino sa mga nilalang ang sumigaw dahil gusto ko nang umalis sa kagubatan. Natumba kaming dalawa nang may dumagan sa likod ko at nang lilingon na ako may sumipa sa tabi ko bumungad sa akin si Drake at ang kaibigan ko na may inaalis sa likod ko. "Aahh!!" sigaw ng bihag namin at natumba kaming dalawa sa lupa. Inalis ko na lang ang bihag namin sa likod ko at nang hahawakan ko hindi na humihinga ang bernadine napalingon ako sa mga kasama ko na nakikipag-laban sa bampira at bernadine. "Tumakas na kayo!" sigaw ni Drake sa akin at sumunod ako nagbago ako ng anyo bago tumakbo ng mabilis kasabay ko sa pag-takas ang kapwa kong lobo na tumulong sa amin. "s**t!" sabi ko nang makaramdam ako ng pag-kirot sa tagiliran ko hindi namalayan na nadaplisan ako ng baril. "Ikaw na ang magdala sa hospital! Susunod na lang ako ayokong mang-hina," nasabi ko na lang sa kasama kong lobo na tumulong sa akin at kinuha ng katabi nito ang bihag sa likuran ko. Napasandal na lang ako sa puno ngumiwi ako nang makaramdam ng pag-kirot. Huminga ako nang malalim bago tumayo at umalis na kami para makabalik sa headquarters. Nakita ko ang mga agents na nakatingin sa amin nang dumating kami sa bukana sinabi ko kung bakit kasama ko ang mga nag-rebeldeng lobo at nag-tawag sila nang tulong. "Saglit!" sigaw ng kaibigan ko mula sa likod ko napalingon kaming lahat. Bumungad sa amin ang duguan nilang katawan at nakita kong pagewang-gewang na lumapit sa wala nang malay na bernadine si Drake at hinawakan nito ang noo ng kapwa nitong bernadine bago nawalan nang malay si Drake at ganun din ako. Huminga na lang ako ng malalim nang muntik mamatay ang bihag namin bago kami nakarating dito sa headquarters. "Okay na ang mga sugat niya?" tanong ni Zas sa doctor na gumagamot sa akin nabaling naman ang tingin ko sa kanya. "Gagaling din 'yan, Zas iba ang balat ng mga katulad niyang may dugong alpha." sabat naman niya sinamaan ko na lang siya nang tingin hinampas siya ni Eireen nang tumawa siya at muling dumugo ang sugat. "Ayan tuloy, Drake maayos ang pag-benda ko tapos sa paggawa mo 'yan ang nangyari magpigil ka muna!" pananaway ni Eireen umiwas lang ako nang tingin nang mapansin ko si Amire na papunta kay Drake. "You like her?" pagtatanong ng kaibigan ko nang mapansin kong inakbayan niya ako. "Gusto mo si Amire?" pagtatanong ni Zas sinundan niya nang tingin ang tatlong magkakaibigan na nagtatalo sa harapan namin. "Wala akong gusto sa kanya mapag-hinala ka talaga!" pananaway ko sa kaibigan ko at humiga na lang ako ulit sa hospital bed. Iniwan na ako ng kaibigan ko at kinausap ako ni Zas. "Na-coma ang dala nyong bernadine, David kahit inalis na ang poison sa katawan niya naiwan naman ang effect nun kaya na-comatose siya." pahayag ni Zas nabaling naman ang tingin ko sa kaharap ko. "Wala na tayong ebidensiya na magpapatunay na may kinalaman sila sa kumalat na virus," nasabi ko na lang sa kanya. "Meron, David bago pa na-comatose ang bernadine hinigop ni Drake ang alaala niya para maibigay kay miss Erika, hawak na ang buong impormasyon tungkol sa kumakalat na virus." sagot ni Zas sa akin bumangon ako at tumingin kay Drake. "Malakas ang kanilang enerhiya hindi lang sila bampira, mangkukulam at bernadine," puna ko na lang. "Katulad lang natin sila, David talagang iba lang ang kanilang powers at tinataglay nilang lakas dahil nanggaling sila sa Pilipinas kung saan advance ang high technology nila parehas sa atin pero mas advance pa ang gamit nila." nasagot ni Zas hindi naman ako nakasagot. Hindi ko na lang pinansin ang tatlong magkakaibigan nag-hilom na ang sugat ko. "Iwan muna kita, Drake umayos ka!" narinig kong bilin ni Eireen kay Drake. "Oo na!" sigaw naman niya sa dalawang kaibigan niya. Nagtanong ako sa mga lobo nang kontakin sila sa cellphone hindi ko pinapansin ang pag-tawag ni Drake.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD