Dumeretso lang ako sa pagpasok sa opisina ni Zas, nasaan kaya ang babaeng 'yon?
Kailangan ko ang sagot sa mga tanong na naririnig ko mula sa kapwa ko agents.Hindi ko naman makausap ang ka-close kong agent dahil busy sa misyon ako naman nagpapahinga ngayon mula sa huling binigay na misyon sa akin.Sinisingit ko ang madilim kong misyon sa ginagawa ko para walang maka-halata sa akin.
Umupo ako sa couch at kinuha ang cellphone ko at tinawagan ang boss ko habang wala si Zas.
Calling...
Boss: Oh? how is what I ordered you?
Sheena: They can't figure out what we did, boss, they're still looking for who spread the virus.
Nag-de kuwatro ako ng pagkakaupo at sumandal ako sa upuan para akong naka-liyad.
Boss: Fortunately, we killed the two couples immediately so they had no evidence.
Hindi naman ako nakasagot sa sinabi ng boss ko isang alpha ang boss ko ang Uncle ni David.Nakipag-sanib sa Bernadine ang Uncle ni David dahil sa kapangyarihan. Gusto nito maging pinuno sa kanilang angkan kahit may karapatan siya pero hindi sa ngayon ang kapatid niya na ina ni David ang namumuno ngayon.
Hindi niya kaya ang lakas nito kahit parehas ang lakas nila sa pakikipag-laban.Dating tauhan ang magulang ko ng pinatay ni Señior Dracula, Maria Irene at Señior Matt gustong gumanti pero hindi ko pa magawa.
Kaya ginamit ko ang dating agent nila na si Heiley na alas nila sa kanilang ginagawa.Kaso, ang target ko ang taong dahilan kung bakit umiibig ako ngayon sa taong 'yon.
Oo, tinarget ko si Leo nang malaman kong boyfriend nito si Heiley nung bumalik ako sa Pilipinas para gumanti sa anak ni Señior Matt na si Maria Vero kaso malakas ito at hindi ko magawang kalabanin dahil ang dugo nito—isang royal. Kaya ang ace nito ang pinuntirya ko at ang kahinaan nito natawa pa ako na hindi pabor ang magulang ni Leo sa karelasyon nito. Naging malapit ako sa magulang ni Leo at hindi ko napansin na nahuhulog na ako sa kanya.
Sheena: They are good but weak in gathering evidence they can't find even if Erika is a high witch.
Boss: You are right, if that woman is in a high position she is still weak, it is funny that the agents are unaware that the enemy is around them.
Sheena: Yeah, what will my beautiful do?
Tumayo ako para maghanap ng mga confidential documents sa loob ng opisina ni Zas habang hindi pa siya dumadating. Napapa-isip na rin ako sa dalawang babaeng bagong salta sa association maliban sa lalaking nangangalang Drake isa itong bernadine kaya hindi ko pwede itong kalabanin.
Amire Vladimir ang pangalan ng isa at kaibigan nito si Eireen Foster...Vladimir....Vladimir...
Kinuha ko ang files tungkol sa dalawang babaeng 'yon at kung bakit sila nandito.
Boss: Sheena, what are you doing?
Sheena: Nothing,boss,I am looking for documents if they have obtained any evidence.
Boss: Where are you?
Sheena: I'm here in Zas's office, boss I'll talk to her if I still have a mission in this organization.
Hinanap ko sa mga drawer ang files ng dalawang babaeng 'yon ang pagkaka-alam ko sa opisina niya nakalagay ang listahan ng mga agents baguhan man o luma na nanggagaling sa ibang bansa.
Boss: We have a copy of their document, and why do you need to talk to her?
Nasa opisina kaya ni Erika ang files?
Ibig sabihin kaya nandito sila may misyon sila dapat gawin ang pagkaka-alam ko nanggaling sila sa pinas. Hawak ni Erika ang kanilang files...
Vladimir...
Napa-isip din ako sa reaksyon niya nung hinawakan ko siya.
Nagkaroon siya ng sakit nun ang sabi nila nagkaroon ng side effect ang pagka-hawak ko sa kanya mas matimbang ang pagka-human ng dugo nito kumpara sa pagka-bampira kaya nagka-allergic ang babaeng 'yon.
Sinalinan na daw ng dugo ng normal na tao si Amire kaya ba umiiwas siya da akin?
Kakausapin ko lang siya tungkol sa pag-tanggi nito sa alok ni Leo pero may mangyayaring ganito sa kanya alam pa nang lahat na ako ang huling kasama ni Amire nung araw na 'yon.
Sabi nila hindi pa nagigising si Amire kaya mas nag-worried ako baka, maging suspect nila ako kung sakaling mamatay ang babaeng 'yon nang kausapin ko si Leo wala na daw itong balita kay Amire dahil naging busy na ito sa laboratory dun muna siya pinag-stay ni Erika.
Baka magka-apelyido lang ang dalawang pamilyar sa akin na apelyido.
Sheena: I'm looking for something else and it's connected to the virus evidence.
Alas si Amire sa digmaan 'yon ang narinig ko sa ibang agents na nag-kwentuhan naalala ko na masama kung makatingin sa akin ang nangangalang Drake nung nagkasama kami sa training room.
Shoot! Napangiti ako nang may mapansin akong papel at nabasa ang nakalagay.
Boss: Did you see anything there?
Sheena: I haven't been able to find any old documents, they are hiding their new documents here.
Hinanap ko din ang files ni Amire Vladimir pero wala sa cabinet kung saan ko na kita ang files ni Eireen Foster.
Nasaan kaya nakalagay 'yon?
Hawak kaya ni Erika ang information ni Erika?
Boss: Kung importante ang mga hinahanap mo kailangan ko din makita.
Sheena: Sige, boss.
Boss: Sige na, may gagawin pa akong trabaho at ingatan mo ang boyfriend mo dahil baka nasa paligid lang ang Heiley na 'yon.
Sheena: Oo.
Bantay-sarado talaga sa akin si Leo pero curious ako sa totoong pagkatao ni Amire at bakit alas siya nang organisasyon. Nang wala na akong mahanap umupo na lang ako sa couch at nakatanggap ako ng text mula sa kasama kong spy sa organisasyon sinabi niya sa akin na magkasama ngayon si Eireen at Zas.
Sinabi ko sa kasama ko na matyagan nito ang dalawang babae pinakita niya sa akin ang dalawang babae sa video na sine-send niya sa akin.
"Nag-uusap sila kung sino daw ang pinag-hihinalaan ni Erika na mastermind sa pagkalat ng virus sa buong mundo." sabi ng isa ko pang nag-spy sa buong organisasyon.
"Alamin mo pa ang pinag-uusapan nila huwag ka lang magpa-halata mahinang mangkukulam lang si Eireen." sabi ko habang nakatingin sa information na binabasa ko ngayon.
"Okay, roger, saan ka?" tanong naman ng kausap ko sa video call.
"Dito sa opisina ni Zas curious ako sa Amire na 'yon." bulalas ko na lang at inirapan ko na lang siya sa pang-aasar ng mukha niya.
"Aminin mo lang na nagseselos ka sa batang 'yon malapit kasi ang loob ng mag-asawa sa dayo eh, ikaw buwan pa umabot para mapalapit ka at siya ang pinili nilang mag-bantay sa kanila nandyan ka naman—" putol nito nang sumabat ako at nagmura ako ng malutong.
"Gago ka! Tang ina mo!" sabi ko sa kanya.
"Eh, tignan mo naman ang ginawa nung Amire tumatanggi sa alok sa kanya ni Leo at sa magulang nito ayaw niyang mag-bantay siya dahil hindi siya katulad ng ibang agent kailangan siya nang organisasyon para sa binubuo nating trahedya sa Australia mukhang malakas si Amire para humingi sila ng tulong sa Pilipinas." pahayag nito sa akin hindi naman ako nakapagsalita.
"Magseselos ako na walang motibo ganun ba ang tinutukoy mo?" tanong ko naman sa kanya.
"Parang ganun na nga, Sheena hindi naman niya nilalandi si Leo at siya na mismo ang lumayo sa boyfriend na lapit naman nang lapit kay Amire." sabi naman nito sa akin hindi naman ako nakapagsalita tama naman kasi siya.
"Saka, walang interes ang babaeng 'yon sa boyfriend mo." pahayag naman nito sa akin nabaling naman ang tingin ko sa vine-video niya.
Binasa ko ang information ni Eireen Foster natigilan naman ako sa pagbabasa at pakikipag-usap nang mabasa ko ang nakasulat.
Isang school lang nag-aral noon sina Leo at Eireen? Ito rin ang taon nagtapos si Leo nang pag-aaral sa Pilipinas taga-baguio ang Eireen na 'yon magkakilala sila for sure pero hindi niya matatandaan ang mangkukulam na 'yon dahil inalisan ng alaala si Leo ng kakilala naming masamang mangkukulam.
Magka-batch sila kaya posibleng kilala ni Eireen si Heiley ganun din si Drake at Amire?
"Ilan taon na ba si Amire?" tanong ko sa kausap ko nakita ko naman ang pagtataka nito dahil sa gulat kong reaksyon.
"Hindi ko alam ang sagot mo dyan kay Zas mo tanungin, bakit?" tanong nito at umiling lang ako sa camera.
"Wala naman dayo siya at gusto siyang kunin ni Leo at nang magulang nito as bodyguard ilang buwan pa lang nila nakikilala ang babaeng ito." pagkakaila ko na lang.
"Kung may dahilan para magselos ka pwede kang mag-react kaso wala nagkasakit pa siya nang dahil sa'yo, Sheena matanda ka na para magkaroon ng insecure sa sarili mo at saka si Amire hindi nga lumalapit kay Leo madalang lang kapag kailangan sa trabaho dun ka magselos sa mga kasama ni Leo 'yong isa sa pina-babantayan mo ngayon ilag nga ito kay Leo palaging masama ang tingin at si Drake." sagot nito natahimik naman ako hindi ko na matandaan kung sino ang mga kaibigan noon ni Leo sa Pilipinas.
Kailangan ko mangalap ng info tungkol sa nakaraan ni Leo.
Bakit feeling ko kabado ako sa malalaman ko tungkol sa nakaraan ni Leo?
Wala na siguro pakialam si Heiley sa ex niya dahil matagal ng hindi bumalik sa Pilipinas si Leo at kahit kailan hindi na ito babalik sa Pilipinas.
Bumuntong-hininga na lang ako bigla sa iniimagine ko kapag bumalik ako sa bansa.
Nang mapagod ako sa paghahanap at wala akong makita bumalik na lang ako sa pagkakaupo ko sa couch.
Imposible naman na si Erika ang nagtago ng files ni Amire nahanap ko ang files ni Eireen—Eireen Foster nang mapansin ko ang naka-lawit na papel sa isang cabinet sa opisina ni Zas.
May hindi ba sila sinasabi sa lahat at kung sino si Amire at ano ang identity nito?
Napatingin naman ako sa pintuan nang bumukas ito bumungad sa akin si Zas na hindi mabasa ang expression. Sa kanya ko kaya tanungin 'yon?
Wala din pala akong karapatan malaman dahil para sa kanila ordinaryong bernadine lang ako na malakas lang dahil sa powers ako na lang siguro gagawa ng paraan.
"Zas," tawag ko sa kanya magka-batch kami sa dating organisasyon na pinanggalingan namin noon bago lumipat sa association.
"Ano ang ginagawa mo dito, Sheena?" pagtatanong nito sa akin at dumeretso sa swivel chair.
Sumandal ako sa couch at humalukipkip ako nang kamay ko bago tumingin sa kanila.
"May gusto lang akong malaman." sabi ko sa kanya nang tumingin ako sa kanya tumayo siya para pumunta sa ref na katabi ng kabinet na kinuhanan ko nang info ni Eireen alam kong may CCTV kaya ginamit ko ang powers ko para hindi ako makita.
Bumalik siya sa pagkakaupo sa swivel chair at napatingin siya sa akin. Uminom muna siya nang tubig at binitawan niya hawak na bote bago pinatong sa mesa.
"Ano ang gusto mo malaman?" pagtatanong naman niya at tumingin sa akin tumitig naman ako gusto ko basahin ang isip niya pero wala akong mabasa kahit sinabi ng kasama ko mag-spy na nag-usap ito at si Eireen.
Ginamitan ba niya si Zas nang powers kaya hindi ko mabasa ang nasa isip nito at bakit naman?
"Sino si Amire Vladimir at kamusta na ba siya?" tanong ko na lang sa kanya ayoko magpa-halatang interesado ako sa babaeng 'yon.
"Si Amire ay si Amire at hindi pa rin siya nagigising inoobserbahan siya ngayon, ano ba ang ginawa mo at nagka-ganun 'yon at ano ba ang pinag-usapan nyo nun?" tanong niya sa akin nang tignan niya ako.
"Tungkol sa alok ni Leo sa kanya na bantayan ang magulang at pamangkin nito." sabi ko.
"Ang pagkakaalam ko tinanggihan ito ni Amire 'yon ang sabi ni E sa akin." sagot naman nito sa akin natahimik naman ako.
"Masaya nga ako na tinanggihan niya dahil kasama ako nung sinabi niya 'yon na-curious lang ako kung ano ang dahilan dahil hindi niya pinaliwanag basta na lang niya tinanggi at sinabing hindi niya misyon mag-bantay." banggit ko na lang sa kanya nakita ko naman ang pag-iling niya.
"Hindi niya misyon na sumunod sa utos ng ibang tao, Sheena kaya tumanggi siya sa alok ni doc Leo kahit pinagkaka-tiwalaan siya dahil siya ang naging dahilan naka-ligtas ang magulang niya noon sa kapahamakan misyon lang ni Amire na sumunod sa nakaka-taas at maging tagapag-ligtas ng mga tao at iba't-ibang nilalang." sabi niya kaya pala tumanggi siya ang gago ko pala.
Sinabi niya kung bakit inoobserbahan nila si Amire dahil sa matinding allergy nito sa katulad ko kaya nanghina ito.
"Bampira siya pero ang dumadaloy na dugo sa kanya ang dugo ng strange dad niyang tao kaya naka-ligtas siya." bulalas naman niya sa akin at tumango na lang ako.
Umalis na lang ako dahil walang sagot na matino mula sa kanya. Lumabas na ako sa opisina ni Zas nakita ko pa na tumingin siya sa akin. Pumunta na ako sa laboratory kung saan nandun si Leo nilipat siya dahil may namatay na doctor dahil sa virus naging busy tuloy lalo siya ngayon.
Tao?
Hindi purong bampira si Amire, sino ang magulang niya at ganito nila prino-protektahan ang babaeng 'to?