Treinta y tres

2134 Words
Muntik ko na masabi ang lahat sa kanya bumuntong-hininga na lang ako. Pumunta ako sa maliit na ref para kumuha nang makakain bigla ako nagutom. Makalipas ng ilang araw, naging busy na ang lahat binigyan ng misyon ni Erika ang mga agent at ang mga bagong agent sa association. Wala pa rin malay si Amire mula nang masalinan ng dugo ni doc Leo kaya nagtataka na ang tumitingin na doctor sa kanya. Pagkatapos ko kumain lumabas na ako sa opisina at ginawa ko ang duty ko tahimik ang ibang agent nasasalubong ko. Tinatanguan nila ako nang makikita nila bumuntong-hininga na lang ako. "Doc Harold," tawag ko naman bigla nang makita ko itong masasalubong ko. Nabaling ang tingin nito sa akin at ngumiti pagkatapos may bumatok sa kanya nagtaka naman ako ng may sinamaan siya nang tingin. Lumapit naman ako at nagtanong kung maayos na ba ang kalagayan ni Amire. "Doc," tawag ko na lang ulit para tumingin ito sa akin nang humarap ito na naka-simangot. "Bakit, Zas?" tanong ni doc Harold sa akin nang magka-titigan kami na-gets ko kaagad na may kasama siyang hindi nakikita kaya ganito ang mukha nito. Sino naman kaya? "Kamusta na si Amire?" pagtatanong ko naman dahil worried na ako sa batang 'yon. Ilang araw nang walang malay si Amire mula nang mahawakan siya ni Sheena. "Gising na si Amire, Zas kasama ni Drake lalabas na sila mamaya." sagot naman ni doc Harold at tinanguan ko na lang siya. Napangiti na lang ako sa nalaman ko at nagpaalam na ako para puntahan si Eireen sa training room. "E!" tawag ko nang makita ko siyang nagtuturo ng powers sa mga kalahi niyang baguhan sa association. Wala pang binibigay na misyon sa kanya mula nang magka-sakit si Amire ang secret mission lang nila ang kanilang ginagawa. Lumingon ito sa akin at kumaway na lang ako tumingin sa akin ang ibang agent bago bumalik sa kanilang ginagawa. Nakita kong may tinawag si Eireen na ibang agent bago ako tumabi tumingin pa sa akin kung papayag ako. "Ikaw muna ang bahala dyan kakausapin ko lang si Eireen," sabi ko sa agent na kinausap ni Eireen. Hinila ko si Eireen palayo sa kanila at sumandal kami sa dulo nang training room. "Muntik na ako madulas kay Sheena," bulong ko sa kanya at tinanguan ako kaagad. "Naramdaman namin ni Harold mabuti gumawa ng paraan si Harold na hindi niya malaman ang totoo," bulalas nito sa akin nakahinga naman ako ng maluwag sa narinig. "Sorry talaga," hingi kong paumanhin sa kanya, at tinapik ako sa balikat naalala ko ang paggising ni Amire. Sinabi ko sa kanya nagising na si Amire at nalaman na rin niya siya ang unang nagpunta sa pribadong silid. "Hindi mo ako sinabihan?" banggit ko na lang sa kanya nang magka-titigan kami ng tingin. "Ayaw ipaalam ni Amire pati kay Leo," bulong niya sa akin natahimik naman ako sa sinabi niya umiiwas talaga si Amire sa estranghero niyang ama. Maliban sa ina niya ang reason, ano pa? "Kahit kay Erika hindi pa pinapaalam?" tanong ko naalala ko naman ang nakita ko kay doc Harold. Nakita ko naman ang pag-irap ni Eireen bago tumawa sa harap ko. "Imposibleng hindi kaagad malalaman ni Erika, Zas alam mo 'yan," tugon ni Eireen sa akin sumang-ayon na lang ako dahil totoo naman. "Lalabas na daw siya sa private room, E kasama ni Drake hindi ba ma-dedelikado nyan?" tanong ko bigla dahil bernadine si Drake at lason ito para kay Amire. "Hindi naman siya hahawak kay Amire susunod lang siya like bodyguard, anak at kaibigan ang turing niya kay Amire kaya galit siya kay Sheena," sagot ni Eireen sa akin hindi naman ako sumagot. Nagpunta kami sa opisina ni Erika at naabutan namin siya na binabatukan si doc Harold. "Lovebird! May tao oh..." sigaw ni Eireen sa kanila nakita ko ang parehas nilang itsura nagulat ako sa kanilang sinabi. "Ex!" sabay nasigaw nina Erika at doc Harold napa-oh.. na lang kami ni Eireen wala akong nalalaman sa love life ni Erika. Pinag-tawanan sila ni Eireen na hindi pa rin tumitigil sa pagtawa. Hindi naman ako sumabay dahil sa gulat umiling na lang ako at umupo ako sa couch. Gusto kong magpa-hinga sa lahat ng stress na nararamdaman ko. Tumabi sa akin si Eireen at tumigil na sa pagtawa nang nilabasan siya ng powers ni Erika. "Ano ang kailangan nyo at nandito kayong dalawa?" pagtatanong ni Erika sa amin hindi ko rin alam ang isasagot kaya tumahimik na lang ako. "Ngayong gising na si Amire, miss Erika itutuloy pa rin ba namin ang secret mission namin ang alamin kung sino ang nagpakalat ng virus at...sino ang gumagawa na naman ng gulo?" tanong ni Eireen nakatingin siya kay Erika na kaagad hindi nagsalita. Nakita ko na sinamaan ng tingin ni doc Harold si Erika at hindi kaagad ito nakapagsalita sa harap namin. "Tuloy nyo pa rin ni Amire pero, mag-iingat na kayo dahil nasa paligid natin ang kalaban hindi natin alam kung sino ang nagpapanggap o hindi huwag nyo ito sabihin kay David dahil isa sa mga kaibigan niya ang pinag-hihinalaan kong spy ng kalaban." kwento ni Erika sa amin kumunot naman ang noo ko sa narinig mula sa kanya. "Sino dun?" tanong ni Eireen bigla at sumeryoso ang mukha hindi ako nakisali sa tensyon sa pagitan nilang tatlo kahit dama ko. "Ang katulad ni David na isang alpha anak ng tito niya narinig ko na may kausap siya sa phone niya habang nag-uusap kayong dalawa ni Zas pero hindi ako pamilyar sa boses dahil malayo ako sa kanya hindi ko naman pwede gamitan ng powers dahil malalaman ito ng kausap kung pareho kami ng powers kung hindi man isang babae ang narinig kong boses ang narinig ko...nasa opisina mo ito, Zas, at hinihintay ka 'yon lang dahil umalis kaagad ito pagkatapos ng mag-usap sila nung—" putol ko nang matandaan ang taong tinutukoy niya pero imposible din. "Kung tama ang hinala ko gusto ko lang kumpirmahin sa CCTV—" putol kong sasabihin nang sumabat si Eireen sa amin. "Wala kang makikita panigurado dun dahil aalisin nila ang ebidensiya," bulalas niya sa tabi ko natahimik naman ako dahil may punto siya sa sinabi niya. "Sino naman ang babaeng 'yon?!" sabat na pagtatanong ni Harold at humalukipkip ito sa harap namin. Iniisip ko kung siya ba o ibang nilalang ang babaeng 'yon nakita ko na tumingin silang tatlo sa akin napa-simangot ako dahil binasa nila ang nasa isip ko. Sinabi ko naman kung sino ang naabutan ko nung araw na matapos kami mag-usap ni Eireen. "Isa sa suspect natin ang kamag-anak at kaibigan ni David, ano ang pangalan ng lalaking 'yon?" tanong ni doc Harold kay Erika nang tinignan namin siya. Tatlo sa kaibigan ni David katulad nilang tatlo at dalawa kalahi mismo nito sinabi ni Erika ang pangalan. "Magmasid kayo sa kanya na hindi nila mahahalatang sila ang minamatyagan nyo, at Zas si Sheena ang naabutan mo sa opisina mo that time, hindi ba?" tanong ni doc Harold sa akin at tumango kaagad ako hindi ko 'yon tinatanggi. "Siya ang naabutan ko sa office ko wala naman akong napansin na may ginalaw siya o may gumulo sa gamit sa loob ng opisina ko," banggit ko naman sa kanilang tatlo at lumapit sa akin si Erika. Hinawakan niya ang kamay ko alam ko na ang gagawin niya kaya hinayaan ko na lang siya. Ano ang binabalak mo sa mundong 'to? Inayos na ito ni Señior Matt bago man siya pumanaw. "May namumuno sa kanilang ginagawa hindi ko lang matukoy kung anong nilalang ito," tugon ni Erika sa aming tatlo nang bitawan niya ako. Umiling siya kay doc Harold nang hahawakan niya ako at sinabihan nila akong lumayo kay Sheena. "Si doc Leo, hindi ba natin siya ilalayo sa kanya?" tanong ko sa kanilang tatlo dahil boyfriend nito ang ama ni Amire. Tinignan nila ako at nakita ko ang pag-pitik ng kamay ni doc Harold sa sinabi ko. "Ako na ang bahala sa lalaking 'yon," sagot naman ni doc Harold. Nakita ko ang itsura nilang tatlo hindi ko alam kung ano ang kanilang iniisip ngayon dahil hindi naman ako katulad nila. "Huwag kang nagpa-halata na may hinala ka na sa kanila, Zas babantayan ka ng palihim ni Eireen para maka-sigurado lang tayo na ligtas ka sa kanila," bulalas ni Erika sa akin hindi naman kaagad ako umangal sa sinabi nito. "Okay," bumuntong-hiningang sabi ko na lang sa kanilang tatlo para sa akin naman ang kanilang sinasabi. Gumawa sina Erika at Harold ng plano huwag na daw doc ang itawag ko sa kanya dahil halos magkaka-edad lang kami "Matanda ka sa amin uy.." bulalas ni Erika sa kanya at biniro naman siya ni Harold. Wala sa kanila ang may relasyon ngayon o noon dahil marunong sila magtago ng feelings. "Kaya nga nahulog ka sa akin eh noon 'yon," sabi ni Harold nang hahagisan siya ng vase inawat naman siya. "Hindi pa yata nakaka-move on," bulong ni Eireen nang umilag bigla nang may lumilipad na vase sa kanya. Umatras naman ako sa gulat akala ko pati ako matatamaan dahil magkatabi ni Eireen. Humawak ako sa dibdib ang bilis ng t***k nang puso dahil sa kaba. "Anong sabi mo?!" sigaw ni Erika sa kanya may nalalaman si Eireen sa nakaraan ni Harold. "Totoo naman may anak si Harold sa ex-bestfriend mo na inagaw naman sa'yo parehas lang kayo na hindi maka-move on dahil mabait ito noon bago naging masama inako niya ang bata hindi naman sila nagka-tuluyan nung babaeng 'yon dahil masama ang ugali!" bulalas ni Eireen at biglang natahimik nakita ko ang zipper sa bibig nito. "Ang daldal mo! Gumagawa tayo ng plano hindi ang personal kong buhay ang dapat topic natin ngayon!" sabat ni Harold sa kanilang dalawa nakamasid lang ako sa kanila. Umirap lang si Erika sa dalawang kalahi niya magkaka-edad sila pero kung umasta parang hindi. Nagsimula na ulit sila sa kanilang plano. "May sample ba kayong nakuha sa virus?" tanong ni Erika sa dalawang katabi niya nakikinig lang ako. "Meron, miss Erika nasa laboratory bina-bantayan ng mga scientist at inoobserbahan nila," sagot ni Eireen tumango na lang sa kanya si Erika. "Akala ko tapos na ang war sa pagitan ng iba't-ibang lahi hind pa rin natatapos gahaman sa kapangyarihan ang gusto nila palaging gusto mamuno sa mundo ang kanilang ginagawa wala nang bago." banggit ni Harold totoo naman ang sinabi niya sa amin. 'Yon ang dahilan kung bakit ganitong pangyayari may nakukutento sa ngayon pero ang iba hindi makuntento. "Hindi nakukuntento ang isang tao o kung sino man 'yon gumagawa ng masama," sabi ko bigla sa kanilang tatlo nabaling ang tingin nila sa akin. "Sinabi mo pa, Zas kaya huwag kang aanib sa masama kundi mamatay ka sa kamay nila," sagot kaagad ni Eireen na tinapik ako sa balikat ko napatingin na lang ako sa kanya dahil sa sinabi naman niya. Parang may meaning ang sinabi niya sa akin. "Mula nang maging bahagi ako ng association nagbago ang pananaw ko sa katulad nyo, E dahil hindi lahat ng nilalang na katulad nyo o ibang creature hindi masama nagiging masama ang mga paningin ng tao sa mababait dahil sa kalahi nyo na may masamang balak," sagot ko sa kanilang tatlo totoo 'yon noong unang maging parte ako ng organisasyon akala ko mga katulad ko lang ang mga makakasama ko pero, hindi unang nag-rekomenda sa akin ang tiya ni Erika katulong ako ng kanilang angkan hindi ko pa alam na hindi sila normal. Nalaman ko na lang isama nila ako sa isang silid na kakaiba pa sa akin noon at 'yon ipakilala nila ang kanilang totoong pagkatao sa akin noong una natakot ako dahil ang alam ko ang katulad nila gumagawa ng masama pero, nung binalikan ko ang lahat at nagsimula ako mag-trabaho sa kanila hindi iba ang trato nila sa akin. Ang turing nila sa akin noon isa ako sa kanila noong panahon na 'yon kaya binuksan ko ang pananaw ko sa lahat ng iba't-ibang uri ng nilalang na hindi lahat masasama. May gumagawa ng mabuti sa kapwa o sa katulad ko. May gumagawa ng masama naman kaya huwag tayo kaagad humusga sa kung ano ang nakikita natin. "Nakitaan ka ni tiya na kabutihan sa puso, Zas kaya sa atin pinagka-tiwala ang association at hindi sa mga anak niya," sagot ni Erika at ngumiti ako sa kanila. "Kahit bilugin ako ni Sheena at ng supremo niya hindi nila ako mabubuyo para maging masama ako namatay man sa kauri nyo ang magulang ko noon at kamag-anak ko bukas ang isipan ko na hindi lahat katulad ng masasama sabi nila, hindi lahat masasamang nilalang." sagot ko at hindi sila nagsalita binalikan namin ang ginagawa namin. Nang matapos ang pag-uusap namin bumalik na si Eireen sa training room habang ako babalik sa opisina ko, ano ang motibo nyo at ginagawa nyo ang ganito?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD