Treinta y uno

2161 Words
Makalipas ng ilang araw, hindi pa rin nagigising si Amire kaya pinuntahan ko ang kaibigan nito kung okay lang ba ang kaibigan nito hindi ko naisip na ang hinahanap pala ni Amire na ang ama niya si doc Leo dahil ang sabi niya hindi nito maiisip na mag-tratrabaho ito sa organisasyon na kung saan magkakasama ang iba't-ibang nilalang. Tatanungin ko rin kay Eireen kung nahanap nila kung sino ang nagpasimula nang virus sa buong mundo. Nagpunta ako sa training room wala pang inuutos na iba si Erika kina David, Drake, Eireen dahil sa nangyari kay Amire, at palaging mainit ang ulo dahil kay doc Harold. "Nasaan si E, nakita nyo ba siya?" tanong ko sa mga nasasalubong kong agent. "Hindi pa namin siya nakikita." sagot naman ng napag-tanungan ko. Gusto kong puntahan sa secret room si Amire para dun tignan kung nandun si Eireen kaso, ramdam ko na may matang nakamasid sa akin. Nagpunta na lang ako sa hospital ayokong tawagan si Eireen sa cellphone niya mula nang malaman ng ibang agent na may nangyari kay Amire gusto nila ito puntahan kaso, sinabihan kaming lahat ni Erika na huwag pupuntahan si Amire. Paniguradong maraming curious kung anong nangyari kay Amire lalo na kalat sa buong association na nakausap lang nito si Sheena nagka-ganito na kaagad. Kung alam lang nila ang nangyayari hindi sila magiging ganito iniiwasan lang ni Erika na lumala ang mga kwentong hindi totoo. Nang makarating ako sa itaas binati ako ng mga staff na katulad ko at ibang nilalang nagtanong kaagad ako kung nandito ba si Eireen. "Kanina, Zas nandito siya." sabi ng nurse napag-tanungan ko pinuntahan ko ang madalas kung saan naka-duty si Eireen. Iniwan ko na lang kaagad ang nakausap ko nang magpunta ako sa ward nakita ko siya na ginagamot ang mga pasyenteng hindi naman malala ang nangyari. "E!" tawag ko sa kanya dahilan para lahat sila tumingin sa akin at kasama na siya. Nagpaalam siya sa pasyente niya at sa kasama niyang nurse at nilapitan kaagad ako. "Bakit, Zas?" pagtatakang tanong naman niya sa akin pagkalapit naman niya. Tinuro ko ang tagong pwesto kung saan kami makakapag-usap ng maayos at magka-sabay kami naglakad. "Kamusta na siya?" tanong ko habang naglalakad kaming dalawa. Nakita kong tumingin siya sa akin bago siya nagsalita. "Hindi pa rin siya nagigising matindi kasi ang dumikit sa kanya, Zas kahit malapit si Drake kay Amire pansin mo hindi siya tumatabi kay Amire lason sa kanya ang kauri ni Drake," tugon ni Eireen sa akin iniisip ko lang, paano naging lason ang kauri ni Drake kay Amire ang hirap kapag malapit sa'yo ang ganito. "Curious lang ako ah, hindi katulad ng allergic ito kay Amire, tama ba?" banggit ko sa kanya huminto ito sa paglalakad. "Related ang kaibahan lang matindi kumapit ito kay Amire kasi ang allergic kapag naamoy, nahawakan, o nakain ang bawal may gamot at madaling gumaling sa kanya kasi walang gamot na magpapagaling sa kanya," pahayag sa akin ni E at nakinig lang ako sa kanya para malaman ko ang lahat. "Si Heiley Vladimir, siya ba ang ina ni Amire Vladimir? 'Yong Heiley nakilala ko dito noon." tanong ko sa kanya hindi kaagad siya nakapagsalita sa akin. Nang makarating kami sa tatambayan namin nakita kong may nakatayo pero kaagad na umalis nang palapit kami napansin kong tinignan 'yon ni Eireen at nagulat ako nang hawakan niya ako at napapikit nang may pwersa akong naramdaman. Dumilat ako at napapikit ulit nang malakas na hangin na dumapo sa mukha ko. "Umalis lang tayo dahil may mga matang nakamasid sa atin, Zas, ano ba ang dahilan at gusto mo ako makausap?" tanong niya sa akin dumilat lang ako nang marinig ko ang sinabi niya. "Nasaan tayo?" tanong ko bigla wala kami sa rooftop. "Sa ibang dimensyon tayo nagpunta," sagot niya sa akin natigilan naman ako sa sinabi niya hinanap ko kung saang dimensyon kami ngayon. Umayos naman siya nang upo at humarap sa akin nakipag-titigan lang at nailang ako sa titig niya. "Kaya gusto kita kausapin dahil gusto ko malaman ang tunay na relasyon ni doc Leo at Amire curious ako dahil ang alam ko single si Sheena noong mag-kakilala silang dalawa." sabi ko na lang. "Mapagkaka-tiwalaan ba kita? Gusto mong uminom ng binigay na tablet ni Harold kay Leo para maka-sigurado lang ako?" tukoy ni E sa akin sang-ayon ako sa gusto nito kaso nahihiya akong magsabi sa kanya kumunot ang noo ko nang matawa siya sa harap ko. "Binasa mo ang nasa isip ko! Waaa..." tili ko na lang bigla nang ma-process ang pagtawa niya kausap ko pala isang mangkukulam. Napayuko ako bigla sa harap niya dahil para akong nakaramdam ng hiya. "Bukas na bukas at ang lakas kaya maririnig ko alam kong may powers si Sheena nakadikit sa'yo kaya feeling mo may nakasunod sa'yo napansin ko na kanina pa at may sumusunod sa atin, ang katawan natin naiwan sa pwesto kung saan tayo uupo pero hindi na tayo 'yon kundi ibang tao na." kwento pa niya napa-wow ako hindi lang siya mangkukulam na kilala ko may kakaiba na sa kanya. Tinapik niya ako at nabaling ang tingin ko sa kanya may inabot na tablet na gamot. "Hindi na malalaman ni Sheena ang lahat ng sasabihin ko sa'yo o sasabihin mo sa akin kapag ininom mo 'yan mamaya na ako mag-kwento," sagot niya at inabot niya sa akin ang gamot nabaling pa ako hindi naman ako nag-aalinlangan kundi natatakot ako sa magiging epekto nito sa katawan ko. "Subok na 'yan ni Harold sa taong katulad mo kahit may allergic ka pa," sabi niya sa akin bumuntong-hininga na lang ako at ininom ko na hindi na kailangan ng tubig. Nang malunok ko wala naman akong nararamdaman na kakaiba. "Hm, ang magulang ni Leo ang may ayaw kay Heiley noong nasa Pilipinas pa sila at dun pa nakatira," kwento niya sa akin makalipas ng isang oras. "Ito lang ang hinala ko at hindi ako sure, dahil ba hindi tao si Heiley at ayaw nila para kay Leo." banggit ko na lang sa kanya nakita ko ang pag-iling naman niya. Humiga siya sa tabi ko hindi naman kami naka-lutang pero kulay itim ang inuupuan namin. "Kalahi ang dahilan kung bakit ng magulang nila kay Heiley," bulalas niya kumunot ang noo ko sa sinabi niya sa akin. Hindi ko na-gets ang ibig niyang sabihin. "Kalahi? Hm, ang kalahi ni Heiley ang dahilan kung bakit namatay ang kapamilya ni Leo 'yon ba?" tukoy ko naman dahil 'yon ang magiging dahilan kung aayawan nila ang kalahi ni Heiley hindi dahil hindi tao si Heiley. "Ang galing mo!!! Tumpak! Kaso, wala silang choice nahulog ang loob ng anak nila kay Heiley naging sila nang ilang taon dapat magpapakasal na silang dalawa after graduation namin nilayo nila si Leo kay Heiley at dinala nila dito." sabi naman niya sa akin natahimik naman ako sa sinabi nito. "Ahh..." nasabi ko na lang sa kanya. "Curious lang ako..." sabi niya. "Saan?" tanong ko naman sa kanya nang hindi ako tumitingin sa kanya napatingin ako sa buong paligid. "Paano na-aksidente si Leo?" pagtatanong niya sa akin hindi ko rin alam ang sagot. "Wala akong alam sa aksidente ni Leo dahil nung nakilala ko siya at una siyang nag-trabaho sa Association may amnesia that time," sagot ko naman dahil totoo naman sa kanya. Tumango na lang siya sa akin at nagtanong siya. "Paano siya nakapasok sa association?" tanong niya napatingala naman ako bigla. "Nirekomenda ng isang scientist at ayon natanggap." sabi ko kaagad sa kanya. "Wait..." sabi naman nabaling ang tingin ko sa kanya. Tinanong niya kung anong taon pumasok sa association si doc Leo kaya kaagad akong sumagot. "20 years o 19 years ago? Nung nandito pa yata si Heiley kaso may amnesia na siya." sagot ko iniisip ang binanggit biglang sumagi sa akin ang tinanong. ...wait... "Nagkita ba sina Heiley at Leo sa hospital na 'yon o sa ibaba?" pagtatanong niya magsasalita sana ako. Inisip ko naman ang sinabi niya sa akin kung nagkita na ba noon sina Heiley at doc Leo. "Hindi ko na matandaan, E pwede mo ba ako gamitan ng powers mo para makita mo kung nagka-tagpo ba sila? Huwag lang 'yong private life ko idamay mo at iba pang convo namin ni Erika maliban kay Sheena may tiwala ako sa'yo." banggit ko naman alam ko ang sinasabi ko huwag lang 'yong nag-uusap kami ni Erika. "Sure ka?" paninigurado naman niya sa akin. "Oo," sagot ko na lang ayoko naman magtago sa kanya. "Sige," sabi na lang niya sa akin. Humarap siya sa akin nang maayos at tumitig ako sa kanya nang kunin niya ang dalawang kamay ko. Tahimik lang ako habang nakatingin sa kanya na pumikit sa harap ko bago dumilat nakita ko na nagbago ang kulay ng mata niya. Nakaramdam ako ng kakaibang enerhiya sa buong katawan ko at pumikit na lang ako sa kirot na dumaloy sa akin. "Okay na, hindi ko nakita na nagkita sila pero nagka-salisihan sa tuwing nasa hospital o sa ibaba," pahayag niya sa akin. "Talaga?" nasabi ko na lang sa kanya nagkaka-tagpo pero hindi nagkikitaan. Muntik na pala mag-tagpo ang kanilang landas noon. "Buntis na ba si Heiley noon? Hindi kasi halatang buntis siya." sabi ko bigla kung 20 years old si Amire sa edad ng bampira 200 years old naman. "Oo, sila pala ni Sheena noong panahon na 'yon?!" banggit naman niya sa akin umiling naman ako sa sinabi niya. "Nililigawan niya noon si Sheena ang kwento mag-kakilala nung mga bata pa sila hindi naman tinukoy nung panahong nandito o nasa Pilipinas." sagot ko. "Ah..." sagot na lang niya sa akin. "May iba ka pa ba nalaman tungkol kay Heiley nung buhay pa siya?" tanong ko sa kanya mas madalas kami magkalasama nung doctor pa si Heiley dito. "Wala na gaano normal na routine ang nakikita ko tapos nung buntis si Heiley kay Amire..." tugon naman niya. Hindi na siya nagsalita pa at nagtanong naman ako sa kanya. "Kung kaibigan nyo si doc Leo ibig sabihin si Heiley kaibigan nyo din noon?" tanong ko. "Una kong naging kaibigan si Heiley, Zas mahiyain pa siya nung panahon na 'yon dahil hindi kami normal tanggap na kami ng mga mortal sa Pilipinas pero hindi pa lahat katulad ng magulang ni Leo malaya kami nakaka-gala tumutulong sa mga mortal as in tinuring kami na parang katulad nila." kwento naman niya nakikita kong totoo ang sinasabi niya sa akin. Tumatango lang ako sa kanya at sa mga sinasabi nito sa akin. Mabuti pa sa Pilipinas tanggap na ang mga katulad nila sa mga kauri kong mortal hindi katulad dito hindi pa bukas ang kaisipan ng iba na may ibang nilalang sila nakakasama. "Ah, kaya nagka-developan ang dalawa..." sabi ko na lang sa kanya. Nangalumbaba naman siya sa harap ko nagsalita bigla siya sa akin. "Huwag mo sasabihin kahit kanino ang nalalaman mo tungkol sa magulang ni Amire, Zas kung pwede?" sagot niya sa akin "Oo ba, may powers mo ako kaya malalaman mo ang posibleng mangyayari," sagot ko sa kanya at humiga ako sa tabi niya. "Ayaw ni Amire mapa-lapit ang loob niya kay Leo at sa pamilya nito kaya siya lumalayo at kung nalaman mo na tinanggihan ni Amire ang alok ni Leo dahil sa pamilya nito at sa taong dahilan at nakaratay siya ngayon." bulalas na lang niya natahimik naman ako sa sinabi niya. Hinawakan niya ang hita ko dahilan para tumingin ako sa kanya. "Kilala nyo na ba kung sino ang mastermind ng gumawa ng virus?" pagtatanong nito sa akin na may seryosong mukha at bumangon naman ako. Umupo ako nang maayos at napa-titig ako sa kanya bumuntong-hininga na lang ako at umayos lang ako ng upo. "Ang mga masasamang bampira ang pinag-hihinalaan namin ni Erika hindi pa siguro dahil alam naman nating sa iba't-ibang lahi may masasama kaya hindi pa namin matukoy-" putol ko nang sumabat siya sa pagsasalita ko. "Kung sino ang mastermind?" tanong niya at tumango ako hindi namin masigurado kung sino sa kanila ang gumawa ng virus. Dahil ang mga bampira ang pag-iisipan masama kaagad dahil sa kanila nagsimula ang digmaan ng bawat lahi sa panahon ngayon marami na ang masasama at hindi lang sila. "Oo." sagot ko na lang sa kanya at tinanguan na lang niya ako. Pumikit na lang ako may malakas na hangin na tumama sa mukha namin humawak ako sa kanya nang mahigpit dahil feeling ko masasama ako ng hangin sa lakas. Nang dumilat na ako nakaupo na ako sa pwesto kung saan kami dapat nag-uusap pero nagtaka ako na hindi naman gumagalaw si Eireen. "E?" bulong na tawag ko sa kanya hinawakan ko ang binti niya at inalog. Nakita ko na gumalaw ang ulo niya at nakahinga ako tumitig ang mata niya sa akin at tumango lang ako sa kanya dahan-dahan kami tumayo at lumakad pabalik sa duty niya dumeretso naman ako sa opisina ko para balikan ang ginagawa ko kanina bago ko siya hanapin. Huminto ako sa pagpasok sa loob nang makita ko ang taong hindi inaasahang makikita.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD