Isabel Bago pa makalapit sa akin ang security team, mabilis na tinadyakan ni Javier ang harap ng isa, sunod ang gilid ng isa pa. At ginamit na niya ang kamao niya sa huli. Kinuha niya ang kamay ko at hinila palabas habang iniiwasan namin ang mga sumasalubong sa amin na security team. Isa-isang niyang tinumba ang bumubuo sa security team. Pero hindi pa kami nakakagitna sa hallway, may mga pumasok ng mga kalalakihan mula sa elevator. Napa-atras ako. Pero si Javier, patuloy parin at hindi umatras. Aatakihin na ako ng isa nang may humarang sa kanya at dumapo ang siko ng kung sino sa gilid ng leeg ng lalake. Gulat na gulat naman akong tumingin sa tao. "Jea."nanlalaki ang mga mata ko habang nakatingin kay Jea. Nakasuot siya ng black mask pero kilalang-kilala ko ang tindig niya. Kin