XIV: Pakawalan mo na ako

1126 Words

Isabel Heto na naman siya! At kilala ko rin ang sarili ko, alam ko na sa simpleng haplos niya sa akin, bibigay ako at tutugon. Siguro'y ganito ako dahil ngayon ko lang maranasan ang ganito. Pero dapat at kailangan kong pigilan ang sarili ko. Hindi na dapat ako magpadala sa bugso ng pagnanas. Hindi makakabuti sa akin. Naramdaman ko pa ang paggapang ng palad niya kaya madilim na tingin ang pinukol ko sa kanya. "Binabalaan kita, Axel. Wala akong panahon sa mga ganyan mo ngayon."wika ko. "Ako rin, Isabel. Kung alam mo lang na tambak ang trabaho ko ngayon. Pero kailangan kong pumunta dito dahil sa katigasan ng ulo mo."turan niya. Mas lalong tumalim ang paningin ko sa kanya. "Sinabi ko ba na pumunta ka dito? At hindi pagiging matigas ng ulo ang ginagawa ko. Hinahanap ko 'yung nakapatay

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD