MICHELLE So hindi pala talaga panaginip yung nangyari kagabi. Kasama ko talaga ngayon si Cassandra Reyes. Hindi pa rin ako makapaniwala na pinuntahan nya talaga ko kagabi. Akala ko mag-iisa lang talaga ko dito. Natuwa ako nung sinabi nya sakin na habang nagdidinner sila, nandito yung isip nya. Pero alam kong hindi dahil gusto nya talaga kong makasama. Alam kong naguguilty lang sya dahil idea nya tong island cheverness na to. Pero at least hindi nya ko pinagtatabuyan at pinandidirihan tulad ng ginagawa nya sa ibang katulad ko. Masaya din ako dahil pumayag syang maging magkaibigan kaming dalawa. I’m so stupid na isipin na pwede ko syang gamitin para makalimutan si Sam. Hindi pang rebound ang isang Cassandra Reyes. Kahit alam kong walang pag-asa na mahalin nya ko, sya pa rin yung pinakamagan