Chapter 12

1376 Words

CASSY Paggising ko kinabukasan, naramdaman ko na parang may mabigat na nakadagan sa katawan ko. Napamulat agad ako at napalingon sa tabi ko. Dun ko napansin na nakayakap pa rin sakin si Michelle. Agad naman akong napatayo. “Aray ko naman!” reklamo nito. Napasubsob kasi sya sa sahig nang tumayo ako. Pupungas-pungas na tumingin sya sakin. “Sumobra kasi yung pagiging close mo sakin Michelle! Paggising ko nakayakap ka pa rin sakin” inis na sabi ko dito. Aba hindi naman porke pinayagan ko syang yakapin ako kagabi eh aabuso na sya. OA mo Cassy, malamang natutulog yung tao, hindi nya alam na kayakap sya sayo. Asus, alam nya yon. Gusto lang nyang makachansing! Eh diba humilig ka rin naman sa kanya kagabi? So nagchansing ka din? “Ang cute mo” natatawang sabi nito. “Ano?” pinagsasabi nito?

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD