Christine's POV Napahawak ako sa aking labi at pakiramdam ko ay kumapal ito. Pilit kong tinutulak si Clayton pero mas lalo lang siyang lumapit sa akin at pinangko niya ang dalawa kong kamay at inangat sa itaas ng ulo ko. Dinikit pa niya ang kaniyang matitipunong dibdib sa akin at alam kong tsinatsansingan niya ang dede ko. Narinig ko ang malakas na pagkalabog ng pinto ni Rey at ang akala ko ay bibitawan na ako ni Clayton pero mas lalo niyang pinailalim pa ang paghahalik sa akin. Nanatiling mulat ang aking mata pero siya ay nakapikit ang parang sarap na sarap ang animal. “Uhhmm…” Kinilabotan ako nang mahina siyang umungol at sa aking bibig hanggang sa binitawan na niya ang aking kamay at hinawakan ako sa mukha habang ang isa niyang kamay ay hinihimas ang aking braso. Hindi ako makapa