Christine’s POV Dalawang linggo na akong naninilbihan kay Clayton at magmula nang sabihin niya sa akin ang good news niya ay hindi na niya ako masyado kinakausap. Kung may habilin siya ay kay Rey at sasabihin naman sa akin ni Rey. Madalas rin siyang wala sa bahay. Aalis siya nang madaling araw at darating naman siya gabing-gabi na. Ramdam kong iniiwasan niya ako at mas okay na rin atleast hindi ako naalibadbaran sa pagmumukha niya. “Hindi ka pa ba tapos magluto kanina pa ako nagugutom!” Napahigpit ang hawak ko sa sandok dahil kay Rey. Hindi na nga umiinit ang ulo ko sa amo niya ay pinalitan naman niya. Pakiramdam ko tuloy ay siya talaga ang pinagsisilbihan ko dahil kung maka-utos akala mo siya ang nagpapa-suweldo sa akin. “Malapit na po, maluto Sir!” inis kong saad. “Ipagsandok m