Christine’s POV Nagising ako nang marinig ko ang pagbusina ng sasakyan at iwan ko ba kung bakit agad akong bumalikwas ng bangon at lumapit sa bintana at hinawi ko ng bahagya ang kurtina kaya agad kong nakita ang pag-garahe ng sasakyan at lumabas roon si Clayton. Bumalik ako sa kama at nagtulakbong ng kumot hanggang sa narinig ko ang mga yapak ng sapatos na parang palakad-lakad lamang sa harap ng pinto ng kuwarto ko. Pinapakiramdam ko siya at napakagat ako sa ibabang labi nang bumukas ang pinto at alam kong si Clayton iyon. “Ano ba!” inis kong sigaw nang bigla niyang winaksi ang kumot sa aking mukha at pati ang buhok ko ay nahila niya pero imbes na humingi ng pasensya ay pinamulsahan niya lang ako. “Nagugutom ako.” “So what?” pagtataray ko kaya kumunot ang kaniyang kilay at tila hind