Hinihingal pa ang binata nang matapos siyang magparaos sa babaeng dinala sa kaniya ng kanang kamay na si Angelo. Inabutan siya nito ng towel at agad niyang pinunas sa pawis niyang katawan. Samantalang ang babae ay tumayo at paika-ika itong pumasok ng banyo. “How is she?” tanong ng binata sa tauhan na ang tinutukoy ay si Christine. “She’s sleeping,” sagot ng binata at agad din yumuko at lumabas at pinuntahan ang dalaga sa itaas kung saan doon ito dinala ni Clayton nang makarating sila sa mansyon niya. Gamit ang susi ay nabuksan ng lalaki ang kuwarto at naabutan niya ang dalaga na mahimbing na natutulog. Muli niyang sinarado ang kuwarto at bumalik kay Clayton. “She’s fine.” Wika ng lalaki sa amo at hindi lang sumagot si Clayton bagkus ay kumuha ito ng wine at nakapamulsa itong tumayo