Christine’s POV Hinawakan ako sa kamay ni Clayton at mabilis kong winaksi ang kamay niya. Narinig ko ang pagbuntong hininga niya at hindi na nagpumilit pa. Nauna siyang naglakad at nakasunod lang ako sa kaniya hanggang sa nakarating kami sa bahay kubo at maraming pananim na gulay sa paligid ng bakuran. “Nanay Esme?” Tawag ni Clayton at nakita namin ang pagsindi ng lampara at lumabas roon ang medyo may katandaan ng babae at nagulat ako nang makilala siya. “Ikaw?” hindi ako makapaniwala dahil itong matanda ang babaeng nag-asikaso sa akin noong dinugo ako dahil sa pangagahasa sa akin ng hayop na Clayton na ‘to. “Ikinagagalak kong muli kang makita, hija. Nakakatuwa naman at para kayong magkasintahan na nagtanan eh.” Inikotan ko siya ng mata kahit na mas matanda pa siya sa akin ay wa