Tatlong sasakyan ang makikita sa lubak-lubak na kalsada sa barangay ng Makiling kung saan ay paluwas ng syudad ang mga ito. Sakay ang dalaga na ngayon ay nagising dahil sa masukal na daan kaya nagkabunggo-bunggo ang kaniyang ulo sa mga katabi na permanente lang nakatitig sa labas ng bintana at hawak ang mga naghahabaang mga armas. “Sino kayo? ano ang kailangan ninyo sa akin?” tanong agad ng dalaga at ang isang binata na nakatalikod sa kaniya ang sumagot. “Malalaman mo rin kapag nakarating na tayo ng Manila. Pero huwag kang mag-alala ligtas ka na sa mga masasamang tao.” Paliwanag sa kaniya ng lalaki ni hindi manlang magawang humarap sa kaniya at naka-suot pa ito ng itim na sombrero at itim na jacket at may baril rin ito sa kamay habang katabi nito ang nagmamaneho. Bagaman ay nagtataka