Nanatiling nakakapit ang dalaga kay Clayton at dumaan na lang ang dalawang oras nang maramdaman ng binata ang pangangalay at pagpihit niya kay Christine ay nakapikit ito. Ginising niya ito ngunit tulog mantika ang dalaga kaya naman ay kinuha iyon na pagkakataon ng binata na mapagmasdan pa ang maamo nitong mukha. Itinukod niya ang kaniyang dalawang tuhod upang mapasandal niya doon si Christine. Mas lalong aninag ang kagandahan nito at kahit saang angulo ay walang kapintas-pintas sa perpektong mukha ng dalaga. Napatingin siya sa mapupulang labi nito at agad niyang hinaplos iyon hanggang sa nag-init ang kaniyang pakiramdam at dahan-dahan niyang nilapat ang kaniyang labi sa labi ni Christine. Ang sana’y dampi lang na gusto niya ay napunta sa malalim na halik dahil hindi niya kayang pigilan ang