Amilia's POV.
"Mia!" napalingon ako sa tumawag sakin. Mabilis ko namang pinunasan ang luha ko ng makita kong kumakaripas papalapit sakin si Kasper at Keisha.
Tumayo ako at mabilis na lumapit kay Kasper. Mabilis akong yumakap sa kanya at hindi ko na napigilang mapaiyak muli.
"Mia" he called me. Just hearing him call me, somehow gumagaan ang pakiramdam ko. "Ssssshhhh tahan na, magiging okay din si tito"
Bumitiw sya sa pagkakayakap sakin at tiningnan ako sa mata bago kumuha ng panyo at punasan ang mga luha ko.
"P-paano kung hindi? Kasper natatakot ako, ayokong mawala si papa sakin. Sya na lang ang meron ako. Hindi ko na alam ang gagawin ko" sabi ko na patuloy pa din ang pag iyak.
Bigla na lang bumagsak si papa kaninang tanghali. Walang pasok ngayon dahil linggo kaya sa bahay sya nawalan ng malay, sobrang namumutla sya. May sakit sa puso si papa kaya grabe ang takot ko.
Hindi ko na alam kung pano kami nakarating sa ospital, iyak ako ng iyak at hanggang ngayon hindi pa lumalabas ang doktor para i update ako sa lagay ni papa.
"Ipagdasal na lang natin na maging okay si tito, kaya nya yan Mia" sabi sakin ni Keisha, she tried to force a smile para siguro kumalma ako.
"Hon, sige na magpahinga ka muna, mukhang kanina ka pa umiiyak" sabi ni Kasper habang inaalalayan akong umupo.
I looked at him, at para bang kahit papano ay napayapa ang puso ko dahil alam ko nasa tabi ko sya.
Tatlong buwan na kami ni Kasper, masaya ang lahat. Masaya syang tinanggap ni papa at sobrang close sila, ganun din ako sa pamilya nya. Kaya alam ko kahit gani nya pinapalakas ang loob ko, alam kong apektado sya.
Isinandal ni Kasper ang ulo ko sa balikat nya.
"Umidlip ka muna, ako munang bahala sayo" sabi ni Kasper.
Tumango ako, pagod na pagod ako, physically and emotionally. Sana talaga maging okay si papa. Bago ako pumikit ang mata ko ang dalawang pares ng mata ni Keisha na nakatingin sakin ang natatandaan ko.
"Family of Mr. Fernando Torres?"
Awtomatikong napadilat ang mata ko ng marinig ko ang pangalan ni papa.
Kahit pakiramdam ko ay wala pa ko sa wisyo, tumayo ako at lumapit sa doktor.
"Ako po, anak nya po ako" sabi ko.
Tiningnan ako ng doktor na para bang sinusuri,
"Isn't there someone older than you that I could talk to?" tanong nung doktor.
Mabilis akong umiling.
"It's only her and her dad po" si Keisha na ang sumagot para sakin.
Nag sigh yung doktor.
"Okay, I know you can understand naman pero I'll make this simple, may pumutok na ugat sa may ulo ng papa mo, critical ang lagay nya kaya kailangan maoperahan agad. Aside from that, mas nakakapagpa complicated pa sa sitwasyon ng dad mo is yung heart ailment nya. We really need to do the surgery, right away in order to save your dad"
Pakiramdam ko, nag sink ang buong pagkatao ko. Nasa malalang kondisyon ang papa ko hanggang ngayon at kailangang maoperahan.
"Then what are you doing?! Hindi ba dapat operahan na sya?!" hindi ko napigilang tumaas ang boses ko.
Naramdaman ko ang paghigpit ng hawak sakin ni Kasper.
"It's not that easy, mahalagang pera ang kailangan para maoperahan sya"
"I'll give it to you" sagot ko agad sa doktor. Hindi ko alam saan ko nakuha ang guts na yun, gusto ko lang ay gumaling na ang papa ko. "Babayaran ko kayo, operahan nyo na ang papa ko"
Nag sigh na naman yung doktor.
"Okay, sign this please" sabi nito, sabay abot sakin ng papel.
Alam ko namang kung para saan yun kaya hindi na ko nagdalawang isip pang pirmahan yun. Pagka abot ko pabalik ng papel sa doktor ay tumalikod na ito at bumalik sa operating room.
Pabagsak akong umupo sa upuan, sana gumaling si papa. Alam kong hindi birong halaga ang hihingin na kabayaran samin ng ospital na to.
"Hon, I can ask dad for some help, alam kong willing syang tumulong dahil bestfriend nya si tito" Kasper said out of nowhere. Siguro'y ramdam nya yung malalim na pag iisip ko ay tungkol sa pera.
I looked at him, and forced a smile.
"Wag na hon, okay ka lang. I will find a way, papa ko sya. Sobra na ang abala ng pamilya ko sayo. Kaya ko na to" sabi ko. Magsasalita pa sana sya pero sumandal na lang ako sa kanya.
Nakakahiya na, hindi porket boyfriend ko sya at may kaya sya ay magti take advantage ako sa kabaitan nya at ng pamilya nya.
Alam ko, makakahanap ako ng solusyon para kay papa.
Mabilis na lumipas ang isang linggo, nasa ospital pa din kami at wala pa ding malay si papa. Under observation sya dahil kahit na naoperahan sya ay nasa kritikal pa din ang buhay nya.
Nakita kong nagri ring ang cellphone ko, kaya mabilis kong dinampot ito. Napangiti ako ng makitang si Kasper ang tumatawag mula dito. Tiningnan ko si papa, na naka oxygen ngayon at maraming aparatong nakakabit sa katawan nya.
"Pa, sagutin ko lang po yung tawag, balik agad ako" sabi ko bago lumabas ng kwarto nya at sinagot ang tawag ni Kasper.
"Hon" bati ko dito.
"Kamusta si tito? May improvement na ba?" nasa tono nya ang labis na pag aalala para sa papa ko.
"Stable naman sya ngayong araw, ikaw? Kamusta ka? Kamusta ang school?" tanong ko.
Isang linggo na din akong hindi pumapasok dahil nga wala ding nagbabantay kay papa, okay lang dahil nakapag excuse ako. Pero kapag tumagal pa ang pag absent ko, panigurado ay hindi ako makakasali sa tournament ng gymnastic. Ayos lang dahil mas mahalaga si papa sakin.
"Okay naman, ito medyo busy ako dahil mag i school foundation na, oo nga pala ikinukuha kita ng copies mo ng mga lesson nyo para kahit papano pag pumasok ka hindi ka behind" sabi nya sakin. Napangiti ako.
Napaka swerte ko kay Kasper, napakabait nyang tao. Wala na kong mahihiling pa, dahil napakalaking biyaya nya bilang boyfriend sakin.
"Thank you hon, wag ka masyadong magpaka pagod sa school work, kaya ka nasasabihang nerd lagi" pagbibiro ko sa kanya.
I heard him chuckled.
"Nerd pala ah, boyfriend mo kaya ako"
"Okay, whatever, nerd boyfriend" Tumatawa kong sagot.
"I ain't just gonna be your nerd boyfriend, I am also gonna be your nerd husband" he said in a serious voice. Hindi ko alam pero pinanlamigan ako for whatever reason, tumawa na lang ako.
"Hahaha okay, sabi mo" I continued to tease him, hindi naman kasi pikunin si Kasper kaya trying hard ako minsang bwisitin sya.
"I am serious Amilia Selene, you'll never get away from me. Ano mang mangyari, I promise, sakin ka pa din babagsak"
"Why so serious hon? May problema ba?" tanong ko.
"Wala naman. Feeling ko lang mawawala ka sakin. Namimiss lang siguro kita"
"I miss you too" I said right away.
"Miss Torres, pinapatawag po kayo nung admin" napalingon ako sa nagsalita. Nurse sya ni papa.
"Sige, pupunta ako, tapusin ko lang to. Paki tingnan si papa" I said. Tumango naman sya at pumasok na sa hospital room ni papa.
"Anong meron?" tanong ni Kasper.
"Wala, baka may update lang sa kalagayan ni papa, no worries. Mag lunch ka ha! Sabay na kayo ni Keisha"
"Lagi naman diba?" sagot nito, tumawa sya. Ang sarap sa pakiramdam ng tawa nya.
"Sige na, punta na ko don. Iloveyou hon"
"Yes, Daan ako later bago umuwi, bisitahin ko din si tito, Iloveyou!"
Ako na ang nagbaba ng tawag dahil never akong hinang-upan ni Kasper kaya ako na laging nagbababa.
Naglakad na ko papuntang opisina nung admin. Sa totoo lang ay kinakabahan ako dahil, hindi pa talaga ako nakakapagbigay ng kahit magkano para sa operasyon ni papa. Pakiramdam ko kakausapin ako about dun.
Nung ma reach ko ang room ng admin office ay kumatok ako ng tatlong beses bago ko pinihit ang doorknob.
Halos manlaki ang mata ko ng makita ko kung sino ang nakaupo sa malaking swivel chair.
Nakangiti syang tumayo at lumapit sakin.
"Kamusta Mia?"
To be continued
---------------