Chapter 4

1238 Words
Amilia's POV. Sumunod lang ako sa mommy ni Kasper. Magsisinungaling ako kung sasabihin kong hindi ako kinakabahan diba? Kinakabahan talaga ako! Mamaya may pagka Lady Tremaine pala sya. Buti pa si Daddy Dawson. Hanep! Saan ako kumuha ng lakas ng loob na maki daddy haha "Mia, right?" napatingin ako kay Tita Rose ng tawagin nya ko. "O-opo" kinakabahan kong sagot. Hindi mo iisiping mommy sya ni Kasper kasi parehas sila ni Daddy Dawson na parang young looking at pwedeng pumasang kapatid ni Kasper. Ngumisi sya. Halatang ramdam nya ang kaba ko. "Natatakot ka ba sakin?" diretsa nyang tanong. OMG! Straight forward syang tao! Kaloka mas trumiple ang kaba ko. Pero kahit kinakabahan ako. Umiling ako at tipid na ngumiti. Nagulat ako ng tumawa sya. "You're scared of me, aren't you? Wag ka ng magsinungaling. Halatang halata sayo. Namumutla ka na" she said and then chuckled. "P-pasensya na po. First time ko po kasi" sabi ko. "Really? Hindi ka pa nagkaka boyfriend?" tanong nya habang naglalagay ng baking sheet sa baking pan na nilabas nya kanina. "Wala pa po" sagot ko. "Wow! If ever it will also be Kasper's first romantic relationship" sabi nya. Namula naman ako. Ibig sabihin first girlfriend/boyfriend kami ng isa't isa. "Namangha lang ako kasi yung ate ni Kasper ang dami ng nagiging boyfriend" "May ate po si Kasper?" gulat kong tanong. Di naman kasi nakukwento ni Kasper yun. Well, hindi naman kasi kami madalas magkasama. "Hindi nya ba sinabi sayo. Sabagay, asar sya sa Ate Rafaella nya. But we call her Raffy. Matanda ng 5 years sa kanya yun. Nag aaral yun sa pagiging doktor. Close sila ni Kasper pero bully kasi masyado si Raffy kaya madalas mainis sa kanya yung bunso ko" Tita Rose explained. "G-ganun po ba" sagot ko. Wala kasi akong masabi. "But let's be serious Mia. Mabait akong tao. I can be the nicest mother. Pero once na saktan mo si Kasper, hindi mo ikatutuwa ang kakayanan ko. My son is still innocent. Mabait syang bata, he never gave me a headache or any trouble" sabi nya. Napalunok ako. Ramdam na ramdam kong seryoso sya. "So I ask you since alam kong gusto nyo ang isa't isa. Please take care of him. Wag na wag mo syang sasaktan Mia" sabi nya. Mabilis naman akong tumango. "I-i won't hurt Kasper" sabi ko. Ngumiti naman sya sakin. "Can I help you po?" tanong ko kasi nakita kong gumagawa sya ng cookie dough. "Marunong ka? I mean mag bake?" namamangha nyang tanong. "Yes po. Yung mommy ko kasi nung bata ako pastry chef sya kaya medyo natuto ako" masaya kong sabi. Naaalala ko madalas tong bonding namin ni mama, yung mag bake. Magaling ako mag bake pero pag mga ulam na, wala ka ng aasahan sakin. Baka mamatay ka sa sakit sa kidney sa alat or magka cancer ka dahil laging sunog. "Wow, pinabibilib mo ko Mia. Alam mo bang may favorite si Kasper na binibake ko. Marunong ka ba nung carrot cake?" "Marunong na marunong po tita" sagot ko. Excited ako mag bake. "It's Mommy Rose. Naku matutuwa si Raffy kapag nakita at nakilala ka pero mas matutuwa si Kasper kung ikaw mismo ang gagawa ng carrot cake nya" she suggested and then she handed me some ingredients. Napangiti naman ako. "Thank you po mommy!" sabi ko. Ngumiti sya. Nag diretso ako sa sink para maghugas ng kamay. Halos lagpas isang oras din kami ni mommy sa kusina bago tumunog ang oven na senyales na luto na ang cake ko. Si mommy naman kanina pa gawa ang chocolate cookies na sobrang sarap! Nakaka adik kaya! Pinalamig muna namin yung cake at nagkuwentuhan lang. Akala ko talaga masungit si mommy pero nakakatuwa na parang mag bestfriend lang kami kung mag usap. "O sya. Okay na tong cake na to. Dalhin mo na kay Kasper" sabi nya at inabot sakin yung plato na may cake at dalawang tinidor. "Baka kasi sabihin nung bunso ko, sinosolo kita. Magpapahatid na lang ako ng inumin sa inyo" "Sige po" sabi ko at tumalikod na. Tinanong ko sa isa sa mga katulong kung nasaan si Kasper. Nung malaman kong nasa may kwarto nya sya at kung nasaan iyon ay hindi na ko nagsayang ng oras. Kinikilig ako habang papalapit ng papalapit doon. Inayos ko pa ang buhok ko bago kumatok pero walang sumasagot kaya naglakas loob na kong pihitin ang doorknob. Pagpasok ko sa loob ay pure light blue ang kulay ng kwarto. Ang daming awards ang plaques. "Wow" tangin nasabi ko. Ang talino talaga ni Kasper. Nakita ko din yung sandamakmak na libro sa bookshelf nya. Teka nasaan ba si Kasper? Napatingin ako sa bintana dahil bukas yun. Naglakad ako at napangiti ako ng makitang nasa labas nun si Kasper. Nakaupo sya sa may bubong. Maingat akong lumabas ng bintana. Hindi nya ko napansin kasi parang ang lalim ng iniisip nya. "Nandito ka lang pala" sabi ko kaya napatingin sya sakin. I sat down beside him. 7pm na kaya madilim na. "Mia" tawag nya sakin. Ngumiti naman ako. I handed him the plate. "I baked it for you. Favorite mo daw yan sabi ni Mommy Rose. Bilis tikman mo na" sabi ko. Kinuha nya yung tinidor. "Salamat" sabi nya at sumubo na ng carrot cake. Ako naman nakatitig lang ako sa kanya na parang si Gordon Ramsay ang maghahatol ng ginawa ko. "Hmmm! Ang sarap nito Mia! Best carrot cake in the world" Malapad naman akong ngumiti dahil sa pagpuri nya sa binake ko. "Thank you!" sabi ko. "Pero bakit nandito ka?" "Favorite spot ko to. Mahilig kasi ako mag star gazing" sabi nya. Patuloy pa din nyang kinakain yung gawa ko. Napatingala ako at doon ko lang napansin na napaka daming bituin ngayong gabi at lahat sila nag i sparkle ng sobrang ganda. Ganito ba pag inlove? Habang kumakain si Kasper ay tinuturo nya sakin yung mga constellation at iba't ibang stars. Alam na alam mo talagang matalino syang tao kasi base pa lang sa pagsasalita nya at pag i explain nya maiintindihan mo na agad. Ako nga na walang hilig sa science ay sobrang na amaze sa astronomy. Hindi ko alam pero ramdam ko din na medyo uncomfortable si Kasper. Yung parang may gusto syang sabihin pero hindi nya masabi. "Spill it" sabi ko. Tumingin sya sakin na kinakabahan. Ngumiti lang ako sa kanya. "H-ha?" kinakabahan nyang tanong. "Sabihin mo na Kasper, ramdam kong may gusto kang sabihin" sabi ko. Napahawak sya sa batok nya at inayos yung salamin nya. Kinakabahan at nahihiya siguro talaga sya kasi ilang minuto na ang nakalipas, hindi pa din sya umiimik. Tumikhim ako, naiilang syang tumingin sakin. "Ano ba tayo Kasper?" prangka ko ng tanong dahil baka abutin ako ng 82 years old, hindi pa rin sya nagko confess. "M-mia a-ano kasi" nahihiya nyang pagsisimula. "Y-yung mga f-flowers at l-letters- "Galing sayo yun" pagtatapos ko sa sasabihin nya. Gulat syang napatingin sakin. Natawa naman ako. Ang cute ni Kasper! "Akala mo siguro hindi ko alam na ikaw nagpapadala nun no? You are secretly courting me" "S-sorry hindi ko nasabi agad. N-nahihiya kasi ako at natatakot na baka i reject mo ko" he said. "Bakit naman? Hindi mangyayari yun no!" "S-salamat Mia" sabi nya. Huminga sya ng malalim. "M-mia since alam mo na nililigawan kita, can I-i ask you to be my g-girlfriend?" Kumabog ang dibdib ko. Parang automatic na may na build na circus sa loob ng puso ko. Pero kahit kinakabahan, isa lang ang alam ko. Gusto ko si Kasper. Gustong gusto! Gusto kong maging girlfriend nya. "Yes Kasper. I am officially your girlfriend now" sabi ko. Napangiti naman si Kasper Siguro dahil sa sobrang saya nya ay nayakap nya ko. "Sorry. Sobrang saya ko lang sabi nya. Finally Mia!" sabi nya. Natawa naman ako. I held his hand. We entangled our fingers to one another. Ang saya, ang sarap sa feeling ng inlove. I am Kasper's girlfriend
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD