Amilia's POV.
I am feeling numb as I looked at the gate of Vistoun University. Papasok na ko ngayon at pakiramdam ko kinakain ako ng kaba ko.
Tatlong araw ang nakalipas matapos nya kong kausapin, I used that 3 days to make the hardest decision in my life.
Natigil ang pag iisip ko ng mag ring ang cellphone ko, and it breaks my heart ng makita ko ang name ni Kasper sa caller ID.
I declined the call, hindi ko alam kung ilang calls at text na ang hindi ko pinansin sa nakalipas na tatlong araw. Hindi ko sya kinausap, bakit pa? I am about to destroy him.
Pinigilan ko ang pagpatak ng luha ko habang inaalala ko ang nangyari sa opisinang yun.
Flashback
"Kamusta Mia?" nakangiti nyang sabi sakin.
I felt so awkward lalo na sa way ng pag ngiti nya sakin.
"I don't remember na close tayo, bakit ka nandito Natalia?" I asked her directly.
Ngumisi sya at bumalik sa inuupuan nyang swivel chair.
"Tsk I really don't think we can get along pero what can I do? Hays, I can't believe I'm following orders from someone. This is frustrating"
"I don't get what you are saying, pwede ba diretsahin mo na lang ako" sabat ko sa pagmu muni muni nya.
"Fine, naka confine pala si Prof Torres dito ngayon, and I heard that you owe this hospital, big time!" sabi nito.
"And why do you care?" tanong ko. Naiirita na ko sa kanya, wala akong time sa kaartehan nya.
"Well, since you owe this hospital it means that you also owe me! Because, this hospital belongs to my family and definitely will be mine in the future" sabi nito.
My jaw literally dropped. Sa kanila pala tong hospital na to.
"And I also heard na kailangan pang i observe ang dad mo, and baka operahan pa sya ulit pero panong mangyayari yun kung wala kang perang pambayad at hindi mo pa kami nababayaran?" dagdag nya.
"Natalia, babayaran ko kayo. Babayaran kita. Just give me time, wala din kasing titingin kay papa" sagot ko, pinanlalamigan ako. I know, walang pupuntahang maganda ang pag uusap namin.
"Who are you fooling? Wala kang pera! Wala kayong pera pambayad! And soon you'll be one of those out of school youth! Now tell me, pano mo kami babayaran?!" mataray nitong pagtatanong sakin.
"Nat-
"Stop! Let me changed the question, anong mangyayari sayo? Kapag ngayon mismo ay i kick out ko ang papa mo sa hospital na to ngayon mismo? Will he be able to survive?"
Awtomatikong napaluhod ako at nagbagsakan ang mga luha ko dahil sa kaba at takot na bumalot sa akin sa isipin pa lang na mawawala ang papa ko sakin. He's all I'm left with. I cannot lose him!
"Wag Natalia, maawa ka please! Kahit pagtrabahuhin mo na lang ako dito, kahit na ano gagawin ko! Wag mo lang gagawin yan sa papa ko, sya na lang ang meron ako" umiiyak kong sabi.
Nagulat ako ng tumayo si Natalia at dahan dahan akong itayo.
"Really? Lahat gagawin mo para iligtas ang papa mo?" tanong nya sakin ng nakatitig sa mata.
Pinunasan ko ang mga luha ko.
Gusto kong lumapit sa pamilya ni Kasper pero nitong nakaraang buwan lang ng malaman kong baon sa utang si papa sa mga Pendleton. It turns out na yung mga pagpapagamot kay mama noon ay inutang ni papa kay Tito Dawson.
"Lahat, para mailigtas lang sya"
"That is so sweet Mia, madali ka naman palang kausap. I'll offer you something that can really help you. Magkakasundo tayo basta susunod ka"
"A-ano yun?"
"First, I'll tell you, all of the benefits you can gain if you agree to my offer. Kapag pumayag ka, wala ka ng babayaran pang kahit na ano para sa papa mo, you can be rest assured na lahat ng kakailanganin nyang medical treatment ay makukuha nya. He'll be treated as VVIP. Isa pa, makakabalik ka na sa school. I'll give your dad his very own private nurse. Makakasali ka na din sa cheerleading squad at kikita ka rin bilang model dahil the school manager will be endorsing you as a part time model, isn't that great, makakatulong ka kay Prof Torres habang nagre recover ka"
"At anong kapalit ng magandang offer mo na yan, alam kong may gusto ka" kumakabog ang dibdib ko.
Aaminin ko, maganda, maganda ang offer nya pero alam kong mabigat ang kapalit nun.
"Simple lang Mia, napaka simple lang. Nakakatawa nga dahil napag utusan pa ko para dito" sabi ni Natalia.
"A-ano ba yun"
"Dump Kasper, dump him. Iwanan mo sya, saktan mo sya Mia. Yun lang napaka simple"
Napa sandal ako sa pinto dahil pakiramdam ko ay mawawalan ako ng balanse.
Si Kasper?
Sya ang kapalit ng lahat ng yun?
"B-Bakit si K-kasper? Wala naman syang ginawa sayo. Wala naman kaming ginagawa sa inyo!"
"I don't need to answer that question right? Mia! Mag isip ka nga! Maganda kang babae! You can date any guy that you like. Just throw Kasper away! Napakadali lang nun" sabi ni Natalia habang naka crossed arms.
"Hindi! Hindi yun madali para sakin. I love him! Mahal ko sya, please wag naman sya. Wag nyo na syang idamay"
"Seriously Mia? You're kidding right? You love that nerd? Hahaha but whatever" biglang sumeryoso ang mapang uyam nyang mukha. "It's gonna be your call, once you walk out that door and choose Kasper, I can give the order right away to send your dad away"
"Natalia" bumagsak na ulit ang mga luha ko.
"It's your call, is it your dad or that nerd"
End of Flashback
And I chose my dad. I am throwing Kasper away.
Pagpasok ko ng gate ay ang grupo agad ni Natalia ang sumalubong sakin.
"Mia! Come here!" tawag sakin ni Natalia. Lumapit ako sa direksyon nila at kita ko ang nakatulalang itsura ni Keira dahil dapat ay makakasalubong ko sya.
"Ano yun?" tanong ko ng makalapit ako sa kanila.
"Girls, her name is Mia. She'll be joining the squad starting today. Please treat her well" pagpapakilala sakin ni Natalia.
Hindi ko alam pero kahit na niyayakap, binibeso, at binabati ako ng mga cheerleaders na dati pa man ay inasam kong makasama ay ang bigat ng loob ko. Alam ko, alam ko kasi ang totoo.
I will be the well known Mia here in Vistoun University by dumping Kasper, by ruining the one that I love.
"See you mamayang lunch Mia, samin ka na makiki table okay?" sabi ni Karrie at bineso beso pa ko bago sila umalis.
Tumango na lang ako.
"Mia, what's that?" napatingin ako ng marinig ko ang boses ni Keira.
Lumunok ako bago humarap sa kanya. If I am throwing Kasper away, I am also abandoning Keira.
"Friends" simple kong sagot.
"Friends? So ano kami ni Kasper?" tanong nya.
"Ang dami mong tanong Keira, can we just go to class?" sabi ko bago sya tinalikuran, I saw her dropped her jaw.
Ang bigat sa loob habang naglalakad ako papasok.
Wala sa sariling pinasukan ko ang mga subject, hindi ko alam pano ko nakakayanan. Hindi tumabi sakin si Keira. Alam kong galit sya. Alam kong ramdam nya ang pagbabago ko, at pasalamat ako hindi pa nagku krus ang landas namin ni Kasper.
Lunch time. Papunta na ko ng canteen ng makita kong patakbong lumapit sakin si Kasper.
"Mia! Mia! Mia!" sigaw nya.
Huminto ako sa paglalakad. Ramdam na ramdam ng puso ko yung excitement na makita sya. Miss na miss ko na sya and it's a torture that I have do this to him.
"Hon! I miss you! Buti nakapasok ka na!" sabi nya at mabilis akong niyakap. Hindi ako nag respond.
I pushed him and it broke me.
"Anong kailangan mo?" tanong ko.
He looked at me weirdly pero pinalitan nya yun ng ngiti.
Tinaas nya yung mga papel na hawak nya.
"Hon, ito nga pala yung mga lesson na namissed mo and ginawa ko na din yung mga assignments, research, and project mo" sabi nito.
Tinabig ko yung kamay nya.
"Pwede ba? Wag muna ngayon Kasper, pagod ako" sabi ko.
Pwede ba Kasper, lumayo ka na sakin. Ayokong saktan ka. Ayoko, ayoko dahil mahal kita.
"Okay, sige. I'll see you around. Please Mia, sumagot ka naman sa mga tawag ko, nag aalala kasi ako" sabi nya. He held my hand and pinched it. "Iloveyou"
He let go and umalis na.
Pumasok ako sa cafeteria at nakita kong kumakaway sila Natalia kaya doon ako nagtungo.
I sat down with them, people are looking at us, dahil this group are one of the well known group here pero ang mga titig sakin ni ang sobrang nagpaoa conscious sakin.
"Mia, here comes your nerd" napatingin ako kay Natalia dahil sa binulong nya at napatingin ako sa tinitingnan nya.
My heart sank ng makita kong pumasok sa cafeteria si Kasper, still holding those papers. Gusto kong maiyak ng magtama ang mata naming dalawa.
And the next thing that happened shocked the s**t out of me.
Nakita kong binangga si Kasper nung isa sa mga varsity player namin na lalaki. Napabagsak sya sa lapag at napatayo ako ng makita kong buhusan si Kasper ng juice. Nagtatawanan ang lahat ng tao sa cafeteria, lalapit sana ako ng mahigpit na hawakan ni Natalia ang braso ko.
"Remember our deal Mia" sabi nito. "Tara na, aalis na tayo dito. Let's go girls! That nerd isn't worth our time"
Nagtayuan na lahat ng kasama ko.
"Mia!" sigaw ni Karrie ng hindi pa din ako umalis sa kinatatayuan ko. Nakatingin ako kay Kasper at ganun din sya sakin.
Maybe he is waiting for me pero what I did next, I know totally broke him.
Tumalikod ako, tinalikuran ko sya. Umalis ako ng cafeteria na parang walang ng nangyari.
I left him there.
I left him all alone.
I didn't choose him.
--------