Chapter 3

1588 Words
Flashback Amilia's POV. Nagmamadali akong magpunta sa locker ko at nakita kong nakasunod sakin si Keisha. Nung marating namin ang locker ko ay halos mapunit ang bibig ko sa sobrang lawak ng ngiti ko. Another dozen of red roses. Mabilis kong kinuha ang sulat na naka attach dito. Nakita kong tumabi sakin si Keisha. Nakangiti din sya at mukhang excited na malaman kung ano ang nakasulat doon. "Do I love you? My god, if your love were a grain of sand, mine would be a universe of beaches." — William Goldman, The Princess Bride "Another quote" sabi ni Keisha sakin. "Grabe yung ngiti mo pero quote lang naman pala ang laman. Hindi naman nagpapakilala yang secret admirer mo" dagdag nya pa. "Keisha! Ano ka ba?! It's enough for me. Atsaka may hint naman ako kung sino to" sabi ko. My heart is pounding! Kilig na kilig talaga ako sa araw araw kasi sa loob ng halos isang buwan ay nakakakuha ako ng roses, na may naka attach na note sa locker ko. Naaalala ko pa na sobrang tuwang tuwa si papa nung mag uwi ako ng roses. Sabi nya nagdadalaga na daw ako. "Sino naman?" tanong nya. "Don't tell me-" Hindi ko na sya pinatapos at sinunod sunod ko ang pagtango habang nakangiti. "Feeling ko talaga si Kasper to! Hindi ko alam pero ang lakas ng vibes ko" I said confidently. Hindi kami masyadong nagkikita at nagkakasama ni Kasper dahil sobrang busy nya sa SSG at kakatapos lang ng competition ko sa gymnastic kung saan nanalo ako. Pero kahit ganun kapag nagkikita kami ni Kasper saglit ay ramdam na ramdam ko ang yung kilig at may sparks sa tuwing nagtatama ang tingin namin. Madalas pa nga kaming sabay mapangiti. "P-paano mo naman nasabing si Dylan. We all know him, torpe sya at ano ang assurance mo na may gusto sya sayo" tanong ni Keisha. "Yun nga, torpe sya kaya sa ganitong paraan nya ko nililigawan. Isipin mo pang matalino yung mga quotes. Atsaka nararamdaman ko. Kasper likes me just like how I like him" sagot ko. Inamoy ko pa ang roses. "Bahala ka Mia, I just don't want you to get hurt at maapektuhan ang friendship nating tatlo lalo na kayong dalawa sa oras na mag pop out yang balloon of idea mo na si Dylan yang secret admirer mo" "Ang nega mo! Dapat sinu support mo ko kasi bestfriend mo ko tas bestfriend mo pa si Kasper so bagay na magkatuluyan kami. Isa pa boto sa kanya si papa" sabi ko. "Mia" may sasabihin pa siguro si Keisha kaso nahinto kami dahil papalapit sa direksyon namin si Kasper. Hindi ko naman mapigilang mapangiti. Ang lakas lakas ng t***k ng puso ko. Kasper addict level 1000 "Dylan/Kasper" sabay naming tawag sa kanya ni Keisha. "Hi" bati nya. Ngumiti sya samin. Kahit na nerdy sya para sakin napaka gwapo nya na. "B-bakit ka nandito? Tapos na ba yung ginagawa mo sa SSG?" tanong ni Keisha. Tumango naman si Kasper. "Kaya ako nandito- ano kasi" kumamot sya sa batok nya kaya lalong nagwala ang internal organs ko dahil ang cute nya. "Ano kasi, uhm Mia. Pwede ba kitang maimbintahan na sa bahay na mag meryenda. Gusto ka din kasing makilala ni mommy. Kung okay lang" nahihiyang pagyaya sakin ni Kasper. "Pero may klase pa tayo diba?" tanong ni Keisha. "Wala na. May urgent meeting ang mga teachers kaya cancel na ang afternoon class" sagot agad ni Kasper. "Ah ganun ba" sabi ni Keisha. "Yes! Makakapaglaro ako ng games!" "M-mia?" tawag sakin ni Kasper kaya para akong sinampal dahil nakatitig lang ako sa kanya. "Sure! Gusto ko din makilala si mommy este mommy mo. Magpapalit lang ako" sabi ko. Nakapang gymnastic attire pa kasi ako. "Sige. Hintayin na lang kita sa parking lot" sabi ni Kasper bago naglakad. Nung mawala sya sa paningin ko ay impit na napatili ako, marahan ko ring hinampas si Keisha dahil kinikilig ako. "Ay grabe kung kiligin" sabi ni Keisha. "Sige na, uuwi na ko. Kanina pa naghihintay yung driver sakin" Niyakap ko sya. "Sobrang thankful ko na dumating kayo sa buhay ko ni Kasper. If things go well, may bestfriend na ko which is you and I have Kasper as a partner" sabi ko at bumitaw na. "If things go well Mia, IF" sabi ni Keisha. "Grabe sya! Ayaw mo ba kong sumaya?" tanong ko. Inipit nya sa tenga ko ang buhok ko. "Of course not. All I want for you is to be happy. Syempre bestfriend kita. Sige na. Enjoy kayo. Bye!" sabi nya bago tumakbo at iwan ako. Napangiti naman ako at nagpunta na sa changing room. Ilang beses kong ini straight yung suot ko kahit hindi naman to lukot. Nae excite ako na kinakabahan. Baka mamaya katulad pa nung mother ni Gu Jun Pyo ang mommy ni Kasper. I shook my head with that thought. Napangiti ako nung makita kong nasa labas ng sasakyan si Kasper at inaantay ako. Pinagbuksan nya ko ng pinto which made my heart tumbling to the moon and back. Joke lang! Nakakakilig kaya pag gentleman ang isang lalaki! Sumakay na sya at nag drive. Tahimik lang kami at tanging tugtog lang sa cellphone nya ang pinakikinggan namin. Natutuwa akong malaman na gusto nya pala si Ed Sheeran at ang bandang 5SOS dahil mostly yun ang mga kanta sa playlist nya. "We're here" sabi nya kaya napatingin ako sa labas. Nakita kong papasok kami sa isang marangyang gate at ng makapasok na ay tumambad sakin ang mansyon ng mga Pendleton. Hindi lang sila mayaman, mayamang mayamang! Kami ni papa may bahay kami ang Cassandra. My father named it after my dead mother. Sakto kasing na fully paid ni papa yun ay namatay naman si mama. Hindi ganoong kalaki ang Cassandra pero maganda ito at mala ancestral house ang datingan. "Mia" napalingon ako sa pagtawag ni Kasper sakin. "Ha?" tanong ko. "Sabi ko, okay ka lang ba? Ayaw mo bang tumuloy? Sasabihin ko na lang kila mommy na masama ang pakiramdam mo- "No! Okay lang ako. Ano ba! Tara na baka naghihintay na ang mommy mo" sabi ko, bumaba na sya at umikot para pagbuksan ako ng pintuan. Nakita kong madaming kasambahay at mga tauhan ang naghihintay sa amin. Nakalinya silang lahat. "Oh anong sabi ko sa inyo? Diba ayoko ng nagba bow down kayo" sabi ni Kasper. Napangiti ako dahil mabait talaga sya kahit sa mga tagapag silbi nila. "Young master, sya na ba si Miss Amilia" tanong nung lalaking naka suit. Napangiwi naman ako sa tawag nya sakin. Why do I hate my name so much? "Butler Veron, Mia na lang, she's uncomfortable with Amilia" sabi ni Kasper dito bago bumaling sakin. "Mia, sya si Butler Veron. He's like my second dad. 2 years old pa lang ako nung magsimula syang magtrabaho dito" Nginitian ko si Butler Veron. "Nice meeting you po" sabi ko. "Totoo nga ang kwento sakin na maganda ka talaga" Butler Veron. Hindi ko naman maiwasan na pamulahan ng mukha. "Tara na po sa loob, naghihintay na si madame at sir" Nakita kong pinagtitinginan ako nung mga katulong. Some of them smiled, yung iba nag iwas ng tingin, yung iba naman pinukulan ako masasamang titig. Halos kasing edad lang namin sila, kaya hindi na ko magtataka kung may mga lihim silang pagka crush kay Kasper. He's too nice. Mas namangha ako nung makapasok ako sa loob. Para akong nasa loob ng isang 5 star hotel. Ang gaganda ng mga muwebles at ang chandelier ay nagsusumigaw na milyones ang halaga nya dahil sa ganda nito. "Hijo" napatingin ako sa dalawang tao na nakatayo sa may sala nila. Sa unang tingin palang sa kanila ay alam kong sila ang magulang ni Kasper. "Mommy, Daddy" sabi ni Kasper at lumapit para humalik sa mommy nya, nag apir naman sila ng daddy nya. Halatang close sila. Tumingin sakin ang magulang ni Kasper at nginitian ako. Lumapit ulit sakin si Kasper. "Mommy, daddy. Si Mia nga po pala" pagpapakilala nya sakin. "Ah yung nililigawan mo. Nice choice anak! Manang mana ka talaga sakin" pang aasar ng daddy nya. Naramdaman ko naman na parang nanigas si Kasper. Siguro akala nya hindi ko pa alam na sa kanya galing ang bulaklak at mga quotes. "M-mia, si Daddy Dawson at Mommy Rose" pagpapakilala nya sakin. Lumapit sakin ang daddy nya at nakipag shakehands. "You're like her mom, sa unang tingin pa lang, kumikislap ka. Call me dad or daddy since magiging ka family ka na namin. What's your full name?" tanong ng dad nya. Pakiramdam ko nag akyatan lahat ng dugo sa mukha ko. Help me God! Kinikilig ako, family agad? "Amilia Selene Torres po" sabi ko. Wala na kong pake kung corny ang name ko, basta natutuwa ako sa warm welcome ng daddy nya. "Torres? May kilala ka bang Fernando Torres?" he asked. "Papa ko po" mabilis kong sagot. "No wonder kung bakit gusto agad kita. Your dad and I are bestfriend since high school. Sya ang laging nagsasalba sakin sa tuwing babagsak ako. I can never ask for more dahil napakabuti nyang kaibigan. Sayang nga lang at madyado na kaming busy kaya hindi na kami nagkikita. Ikamusta mo ko sa kanya" sabi nya. Tumango naman ako at ngumiti. Nabaling ang atensyon ko sa babaeng nakatitig sakin ngayon. Pinilit kong ngumiti kahit ang totoo ay nakaka intimidate ang mommy nya. Nagulat ako nung lumapit sya. "Can I borrow her? May pag uusapan lang kami" prangkang sabi ng mommy nya. Nagsimula naman akong kabahan. "Rose, don't be too hard on the girl. Binata na ang anak mo- "I know Dawson, if you will just excuse us. Follow me" baling nito sakin kaya kahit kinakabahan ako ay sumunod pa din ako. Nag thumbs up pa ko kay Kasper na mukhang kinakabahan ngayon. Ito na nga ba ang sinasabi ko Kakain na yata ako ng buhay ng future mother in law ko. Wow! Nagawa ko pang mangarap ng mataas at this time! Focus Mia! Focus! Kaya mo yan! Kaya mo sya kahit pa nakakatakot sya tulad ng step mom ni Cinderella. AJA
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD