Amilia's POV.
Flashback
"Mia! Mia!" napalingon ako sa tumatawag sakin. Napangiti ako ng makitang si Keisha ito.
Mabilis na lumipas ang dalawang buwan ko sa Vistoun University. Hindi ako masyadong nahirapang mag adjust dahil kay Keisha at Kasper. Although para akong hangin sa ibang tao dito dahil nga isa akong transferee at hamak na scholar lamang. Walang may gustong makipagkaibigan sakin.
Namulat din ako sa kung anong klase bang estudyante ang meron ang paaralan na to. Lahat sila mayayaman pero ugaling squatter naman. Mahilig silang mambully at mag grupo grupo kung kaya madaming naaa outcast, isa na ako dun. At mas lalong kinakainis ko ay ang pambubully nila kay Keisha at Kasper na dapat nilang nirerespeto dahil president at vice president ang mga to sa SSG. Gusto ko man silang ipagtanggol ay wala akong magagawa. Gaya nga ng sabi nilang dalawa, pabayaan ko na lang dahil sanay na din naman sila at baka pag sumali ako ay madamay ako.
Sabi nga ni Kasper
"They are the type of people who can make you feel like you're living in hell even though you're still alive and breathing"
Sobrang natakot ako doon lalo na sa mga babaeng miyembro ng cheerleading squad. Aaminin ko na naiinggit ako dahil pangarap kong makasali sa cheerleading squad at isa pa parang ang saya saya pag magkakasama sila. Hindi naman sa sinasabi kong ayokong kasama si Kasper at Keisha pero madalas din kasi na wala sila sa tabi ko dahil sa mga obligasyon nila dito sa Vistoun.
"Nakahanap ka na ba ng club na sasalihan mo?" tanong sakin ni Keisha.
"Pasok na ko sa gymnastic at ngayon nagbabakasali naman ako na makapasok sa cheerleading squad. Ang balita ko kasi pinaprayoridad sa modelling ang mga basketball players at cheer dancers. Totoo ba yun?" tanong ko.
Huminga naman ng malalim si Keisha at sumimangot.
"Hindi lang totoo, totoong-totoo. Pansinin mo yung mga kasali doon. Bukod sa talented sila ay ang gugwapo at gaganda pa nila. Noong una nga kitang nakita, alam ko na baka i recruit ka ng cheerdancers dahil napakaganda mo" saad nya. Nag init naman ang pisngi ko sa compliment nya. "Pero nagbago siguro ang isip nila nung makita nilang madalas mo kaming kasama ni Kasper. They hate us. At kung makakapasok ka naman sa kanila, marami kang dapat baguhin at malamang isa na doon ang set ng kaibigan mo. Maaaring palayuin ka nila samin"
Naikuyom ko ang kamao ko.
"Grabe naman. Bakit naman ganun? Nagbabayad din naman kayo dito bakit hindi nyo pa ireklamo?" tanong ko.
"Hindi ganun kadali Mia. Malalaki at mayayamang pamilya ang kinabibilangan ng estudyante dito. Ayokong may makaalitan sa negosyo ang magulang ko ng dahil lang sa pakikipag away ko sa isa sa mga anak ng business partners nila. I hope you understand" sabi nya.
Hinawakan ko naman sya sa balikat.
"Pasensya na at wala akong magawa for you" sabi ko.
Ngumiti naman sya.
"Wala yun! So ano? Maaga akong uuwi ngayon. Nakapag excuse na ko. May klase pa ba? Gusto mo bang ihatid na kita sa inyo?" tanong nya.
Umiling ako at ngumiti.
"Wala na kong klase pero balak kong mag practice ng gymnastic para sa darating na competition" sabi ko.
Si papa kasi hanggang 8 pm ang klase at ako naman ay 5 pm. Dahil wala akong sasakyan ay nagko commute ako pero madalas ay hinahatid ako ni Keisha o kaya ni Kasper.
Napangiti naman ako ng maalala ko si Kasper.
"Okay ka lang ba Mia? Bat ngumingiti ka mag isa?" tanong ni Keisha.
"Wala. Sige na umuwi ka na. Baka ma late ka sa lakad mo. See you tomorrow" sagot ko.
"Okay. Ingat ka din. Bye!" sabi nya. Naglakad sya at kumaway sakin.
Napaka swerte ko dahil napakabait ni Keisha kahit pa mayaman sya at hindi ko ka status.
Lumakad na ko papuntang gymnasium. Napangiti ako nung makita kong walang tao dito ngayon. Madalas din kasing nagpa practice dito ang basketball team at cheer dancers. Nagpunta na agad ako sa changing room at nagpalit ng damit.
Nag stretching muna ako bago ako nagsimula sa pagtalon sa trampoline at magsimula ng magsabit sabit na may exhibition.
Nasa bandang gitna na ko ng makarinig ako ng tawanan, hindi sinasadyang mapalingon ako kaya nagkamali ako ng bagsak sa foam.
"Ouch" sabi ko at hinawakan ang paa kong na sprained.
Narinig kong may mga yapak na papalapit sa akin. Hindi ko na pinansin dahil sobrang sakit ng paa ko. Bakit ba kasi tumingin pa ko sa kanila.
"Hey there Amilia" narinig kong tawag sakin ni Odette. Kumunot ang noo ko dahil sa tinawag nya sakin. Tiningnan ko silang tatlo.
Si Natalia, Odette at Karrie. Si Natalia ang leader ng cheer leading squad at miyembro nun yung dalawa nya pang kasama.
"What do you need from me?" diretso kong tanong sa kanila.
"Why? Bawal ba kami dito?" maarteng tanong ni Karrie na may kain kain pang lollipop. Napa roll eyes na lang ako.
"Wag na kayong magpaligoy ligoy pa. Hey Mia we need you" sabi ni Natalia.
Tiningnan ko naman sya.
"I heard gusto mong sumali sa cheerleading. I would just like to inform you that I am more than willing to accept you in one condition" Natalia.
Kumunot ang noo ko. Matutuwa na sana ako na makakasali na ako sa cheerleading squad pero may condition pa pala.
"Ano naman yun?" tanong ko.
Nagtawanan silang tatlo. Nagtataka din ako kung sino naman nagsabi na gusto kong sumali sa squad nila.
"I'll tell you pag determinado ka na talagang sumali samin. Ayaw mo bang makasali sa special modelling class namin? Alam mo din ba na kaming nasa special class na yun ay pinaparampa na at napi feature na sa mga magazine" sabi ni Natalia. Nanlaki naman ang mata ko.
Seriously? Bata pa lang ako gusto ko ng ma feature sa isang magazine at dream come true ko ang maging magazine cover.
"I'm sure you'd like that. So I'll see you around" sabi ni Natalia at tumalikod na sila.
I badly wanted to join them. Nagbabakasali din ako na mag iba ang ugali nila once na kasali na ko sa grupo nila. Pero ano ba yung condition?
Mga ilang minuto pa kong nakaupo sa foam dito dahil hindi din ako makatayo sa sakit ng paa ko. Nakita kong magdidilim na kaya kahit masakit ang paa ko ay nagpilit na kong tumayo. Pero pag tayo ko ay bigla akong bumagsak.
Napangiwi ako sa sakit. Parang maiiyak ako. Nasaan ba si Papa?
Nagulat ako ng may dalawang pares ng black shoes ang huminto sa harapan ko.
Napatingala ako at kasabay noon ang mabilis na pagtibok ng puso ko. Sa harapan ko ay nakatayo at naka ngiti ng malawak si Kasper.
Si Kasper na kahit nerdy at baduy ay ultimate crush ko.
Sa past 2 months naming magkakilala ay tuluyan nya ng niyanig ang pader ng puso ko. Napaka bait at gentleman nya. Hindi man sya sabay sa uso manamit pero yung mga ngiti nya sobrang nakakalusaw. Tapos kapag nagsasalita pa sya kayang kaya ka nyang i comfort at patawanin.
"Kasper anong ginagawa mo dito?" tanong ko.
Napakamot sya ng ulo. Medyo may pagka mahiyain kasi si Kasper.
"A-ano kasi dinala ako ng paa ko dito dahil may damsel in distress akong dapat tulungan" sagot nya.
Napatawa naman ako pero kinikilig talaga ako. Nagulat ako nung yumuko sya. Binalutan nya ng puting tela ang paa ko. Habang ginagawa nya yun ay pinagmasdan ko ang mukha nya.
Grabe! Ang tangos pala ng ilong nya. Ano kayang itsura kapag nakaayos ang buhok nya at naka porma sya? Hindi ko ma imagine. Baka magwala ang buong sistema ko.
"Ayan, wag ka munang maglakad masyado kasi lalong hindi gagaling yan" sabi nya. Tumango naman ako.
Nagulat ako ng buhatin nya. Yung buhat bridal style.
"K-kasper" sabi ko.
"H-hindi mo kasi kayang maglakad mag isa kaya bubuhatin na kita. Isa pa wala na halos estudyante dito" sabi nya.
Habang karga nya ko. Isa lang ang hinihiling ko. Sana, sana hindi nya marinig ang malakas na pagkabog ng puso ko.
Dumaan muna kami sa locker room para kunin ang gamit ko.
Buhat buhat nya pa din ako hanggang parking lot, ibinaba nya lang ako nung maisakay nya na ko sa kotse nya. Medyo nalungkot ako dahil nag e enjoy akong amuyin sya.
Ang bango bango ng isang Dylan Kasper Pendleton
Nakangiti ako ng mapatingin ako sa labas. Hindi ko alam kung namamalikmata ako pero parang nakita ko si Keisha na nakatingin pero paglingon ko, wala naman.
Pagod na siguro ako.
Nagku kwentuhan lang kaming dalawa ni Kasper buong biyahe at yung mga moment na ganito ang pinaka gusto ko dahil I'll get to know Kasper at nasosolo ko pa sya.
"Kasper, if you don't mind me asking. Nagkagusto ka na ba sa isang babae" tanong ko. Bahala na. Wala na ang pagka dalagang pilipina sakin.
Mabilis na nag iwas ng tingin sakin si Kasper kaya medyo nalungkot ako. May nagugustuhan sya at ayaw nyang pag usapan namin yun.
"Ayos lang naman kung ayaw mong pag usapan. Sige bababa na ko" sabi ko since nandito na kami sa tapat ng bahay.
"Wait lang Mia" napahinto ako sa pagbukas ng kotse at tumingin sa kanya.
"Hindi pa ko nagkakagusto kahit kanino" sagot nya. Nakahinga naman ako ng malalim. "Ngayon pa lang" dagdag nya.
Alam mo yung pakiramdam na binigyan ka ng 1 million tas biglang binawi at sinabing joke joke lang.
"Ah ganun ba? Hahaha" I faked a laugh. I felt a stabbing pain in my heart. Whoo Mia! Crush mo pa lang sya nyan ah! "Sana makilala ko din sya"
Ngumiti lang si Kasper. Nagulat ako nung bumaba sya at umikot para pagbuksan ako ng pinto. Inalalayan nya kong makalakad hanggang main door. Umasa pa naman ako na bubuhatin nya ko.
Ang assumera ko talaga no?
Nagulat ako ng bumukas ang main door at bumungad si papa samin. Hala! Wala ba syang klase ngayon? Bakit ang aga nya namang umuwi?
Nakatingin sya samin ni Kasper.
"Good evening po Professor Torres. Hinatid ko lang po si Mia dahil gabi na at nagka sprain sya" sabi ni Kasper.
Bumaling si papa sa kanya at kinakabahan ako dahil baka anong isipin nya at pagalitan nya si Kasper.
"Okay lang hijo. Ano ka ba? Feel free na laging ihatid at sunduin si Mia. I'm sure my daughter would like that. Diba Mia?" tanong ni papa.
Gusto kong lumubog sa kinatatayuan ko. Sana pala nagalit na lang sya.
Bahagyang tumawa si Kasper at napahawak sa batok nya.
"G-ganun po ba? Sige po. Mauuna na po ako prof. Good night na din po" sabi ni Kasper. "Bye Mia" baling nya sakin.
"Bye" sagot ko. Naglakad na sya pabalik sa kotse nya.
"Ingat Dylan" sigaw ni papa. Nag wave pa si Kasper bago tuluyang umalis.
Hinampas ko naman agad si papa dahil sa ginawa nya.
"Papa naman!" sabi ko. Tumawa lang sya.
"Bakit?" nagmamang maangan nyang tanong.
"Wala. Bakit ang aga mong umuwi wala ka bang klase?" tanong ko.
"Maaga ang dismissal ngayon dahil kailangang mag practice ng mga college student ko para sa mga program sa field day" sabi ni papa.
"Ah"
"Gusto ko si Kasper. Sa tagal kong nagtuturo sa eskwelahan na yun sya lang ang natatanging bata ang nagustuhan ko ang pag uugali. Napakabait at napakagalang. Idagdag mo pa napaka talino at mayaman. Sya na ba ang boyfriend mo?" nanlaki ang mata ko sa tanong nya.
Diba ang mga tatay strict at ayaw magka boyfriend ang anak nila? Bat yung akin ang supportive?
"Papa! Hindi!" sagot ko.
Ngumiti sya at pi-nat yung ulo ko.
"Hindi habang buhay nasa mundo ako. Kung darating ang panahon na mawawala ako. Mapapanatag ako kung si Kasper ang kasama mo" sabi nya. Sasagot sana ako kaso inakbayan nya ko. "Tara na sa loob. Nagluto ako ng paborito mong sinigang"
Napangiti naman ako at nagpa akay na sa loob ng bahay.