Chapter 4 - Field Trip

2489 Words
Nagising ako sa kalabit at nabaling ang tingin ko sa gilid ng kama ko. "Yaya?" tawag ko na lang at nagsalita ito kaagad sa harap ko. "Gumising ka na, Allen may klase ka pa pagkatapos ng klase mo aalis ka para magpunta sa hamman network." sabi ng yaya ko napa-bangon ako bigla at tumingin sa journal ko. "Sila daddy at mommy? Si ate?" tanong ko bigla nang tumingin ako sa yaya ko. "Nasa school na si Andrea, at ang magulang mo dumeretso sa hamman network nang makabalik ng Pilipinas pero binilin nila na may schedule ka mamaya at sila naman uuwi dito para mag-pahinga." nasabi ng yaya ko sa akin. Hindi naman ako nakasagot at bumaba na ako sa kama ko mag-isa lang ako palagi sa malaking bahay namin kapag umaga hanggang tanghali dahil, si ate nasa regular school nag-aaral at ang magulang ko nasa trabaho. May trabaho ako pero half day lang talaga para may oras pa rin ako na mag-aral pero kung kailangan ako ng buong mag-damag sa taping o shooting a-absent ako. Online class ang klase ko kaya hindi ko kailangan magising ng maaga hindi katulad ni ate maaga siyang pumapasok sa school pero minsan nagpupunta ang tuitor teacher ko sa bahay namin kung kailangan. "Yaya, dumating na si teacher?" tanong ko naman habang naglalakad na kami pababa ng hagdanan. "Wala pa, anak 8:00am ang pagpunta ng teacher mo, 7:00am pa lang." banggit ni yaya sa akin at tumuloy ako sa sala at si yaya pumunta sa kusina. Binuksan ko ang TV para manood ng cartoons at narinig ko na tumunog ang cellphone ko nasa ibabaw ng center table. Text message Mom (Alenah): Kamusta? Gising na ba ang baby ko? Mom (Alenah): Nandito kami sa dressing room kasama ang ninong at ninang mo. Allen: Mom! Miss you po. Mom (Alenah): I miss you, anak hindi na kami dumeretso ni daddy mo sa bahay tatapusin lang namin ang noontime show at uuwi rin kami dyan sa bahay. Allen: Okay, mommy (⁠•⁠‿⁠•⁠) Binaba ko ang cellphone ko nang mapalingon ako nang tinawag ako ni yaya kaagad kong pinatay ang TV at pumunta na ako sa dining area. "Yaya, sasamahan mo ba ako sa hamman?" tanong ko na lang nang huminto ako sa pagsubo ng pagkain. "Hindi, anak ang manager mo ang sasama sa'yo." sagot naman kaagad ng yaya ko hindi naman ako nakasagot sa sinabi niya. "Sama ka, yaya," sabi ko. Magpapaalam ako kay mommy at kay daddy mamaya. Kumain na ako nang almusal nang matapos ako tumayo na ako para maglakad pabalik sa kwarto ko para maligo at ayusin ang gamit ko. "Nandyan na ang teacher mo sa ibaba," bungad ng yaya ko sa harap nang pintuan binuksan ko kaagad ng marinig ko ang boses ng yaya ko. Kinuha ko ang gamit ko at lumabas na kasama ang yaya ko bumungad sa amin ang teacher ko. Binati ko kaagad ang teacher ko at lumapit ako bago umupo sa tabi binuksan ko kaagad ang notebook ko at pinasa ang assignment ko nasagutan ko noong nakaraang araw. "Good, Allen Thunder kahit busy ka sa pag-aartista hindi mo kinakalimutang mag-aral at sagutin ang mga assignment mo." sabi ng teacher ko sa akin. "Sabi nila dad na kahit busy ako dapat ko pa rin tuunan ng pansin ang study, ma'am." sagot ko. "Tama, may mistakes ang magulang mo noon kaya ayaw nilang gawin mo 'yon o nang ate mo sa buhay nyo." sagot kaagad ng teacher ko sa akin. "Ma'am, coffee po." sabi ng yaya ko napalingon pa ako. "Thank you," sagot ng teacher ko sa yaya ko bago umalis sa tabi namin. Tinuruan ako hanggang sa matapos binigyan niya ako assignment at aralin. Inunat ko naman ang dalawang kamay ko umalis na ang teacher ko kaagad kong inasokaso ang naiwang aralin at inaabutan na lang ako ng yaya ko nang inumin. "'Ya, pumayag sila dad na sumama sa akin," naka-ngiti kong sabi nang nilingon ko ang yaya ko. "Talaga?" nasabi na lang ng yaya ko sa akin. "Yes, yaya." sagot ng taong nasa likod namin. "Dad! Mom!" nakangiti kong tawag ng makita ko ang magulang ko na naglalakad palapit sa amin. "Samahan mo muna ang bulinggit na 'to, 'ya para hindi makatakas sa paningin mo kapag ang manager niya ang titingin tatakasan niya." sabi ni daddy niyakap ko ang daddy ko hanggang tyan na ako kaya yumakap ako sa baywang. "Daddy naman eh," angal ko na lang at ginulo ang buhok. "Maligo ka na, anak naghihintay na sa labas ang manager mo napa-aga ang uwi namin dahil taping ang ginawa namin behave ka kay yaya." bilin ni daddy sa akin tumingala lang ako sa kanya at ngumiti. Kita ko ang pagod sa mukha nila na kahit busy sila sa trabaho palagi kami may oras sa bawat isa at naiintindihan ko kung minsan strict sila sa amin ni ate. Lumayo na ako at magkakasama kaming umakyat sa itaas bitbit ko ang gamit ko sa pag-aaral bukas ko na lang ito gagawin dahil nakita ko ang schedule hectic ang oras ko ngayong araw. Nang matapos ako maligo sa banyo lumabas ako at bumungad sa akin si yaya na naghahanda ng susuotin kong damit. "Dinala ko na sa sasakyan ang mga extrang damit mo," sabi ni yaya sa akin at tumango na lang ako. "Baka naiinip na si manager, yaya maligo ka na rin," sabi ko. "Tapos na ako, anak nang naliligo ka naligo ako sa ibaba." sabi ni yaya inabot niya sa akin ang susuotin ko at kinuha ko na lang. Nagpunta ako sa closet room ko kung saan niya kinuha ang damit ko nang matapos ako magbihis tinignan ko ang sarili ko naalala ko si Yeona. Kamusta na kaya siya? Lumabas ako sa closet room at lumabas na kami sa kwarto ko bumaba na ang yaya ko pinuntahan ko ang magulang ko sa kwarto nila. "Dad!" tawag ko. Bumukas ang pintuan at bumungad si daddy bago nagpaalam yumakap na lang ako bago tumalikod at kumaway ngumiti lang sa akin si daddy. Tumakbo na ako para lumabas ng bahay naabutan kong naghihintay sila. Umalis na kami para pumunta sa network sinabi ng manager ko ang gagawin ko ngayong araw nakikinig lang ako at tumatango. "Noted, manager," sabi ko. Nang makarating kami sa hamman network binati ko ang scurity guard at lumakad na kami papunta sa dressing room ng kiddie show nasalubong pa namin ang manager ni ate at binati ko. Wala pa si ate sa dressing room nang tanungin ko kung nasaan si ate nasa set pa hanggang ngayon. Nang makarating kami sa studio binati ko ang staff, assistant director at ang director pati ang mga ka-close ko. Naghanda na kami para taping tahimik lang ako nakikinig sa instruction ng director sa amin. Hindu ko na lang pinapansin ang bumully sa akin at kinausap ko ang ka-close ko. "May guesting kayo sa enchanted kingdom, kids ngayong araw." banggit naman ng director sa amin nabaling ang tingin ko sa manager ko. Wala sa schedule ko ang sumama sa enchanted kingdom. "Talaga po, direk?" tanong ng katabi ko at hindi ko malaman kung mag-react ba ako o hindi. "Oo, isasama nyo ang yaya nyo dun para may bantay kayo." sagot naman ng director sa amin. Napalingon ako ng marinig ko nagsalita ang manager ng bawat isa sa amin sumabat naman ang manager. "May schedule na iba ang alaga namin, direk mapapagalitan kami." sabi ng isa sa manager kasama na ang manager ko. "Kailangang kumpleto tayo sa EK, i-adjust ang oras nyo sa kanila, o bukas nyo na lang ang gawin ang schedule nyo para sa kanila." sabi ng director sa manager. "Kakaudapin namin ang management baka masira ang contract namin sa kanila," sabat ng managers sa director at umalis sila kaagad nagpaalam ako na pupunta sa dressing room ko. Wala ako sa mood para makipaglaro sa mga kasama ko sa kiddie show. Bumalik lang ako ng tawagin ako nang staff nakita ko na masaya ang mga katulad nabaling ang tingin ko sa manager ko. "Pumayag ang management, at tinawagan ko ang director natin sa dalawang taping." sabi naman kaagad sa akin ng manager nang lumapit ako katabi ang yaya ko. "Yehey!" sigaw nang mga kasama ko maliban sa akin na tahimik sa tabi. "Allen!" narinig kong tawag ng director sa akin napatingin tuloy ako. "Bakit po, direk?" banggit ko na lang. "Nagsabi na kami sa magulang mo na sasama ka at isasama mo ang nanny mo may taping ang ate mo ngayon kaya hindi siya pwedeng sumama," nasabi ng director sa akin natahimik naman ako sa nalaman. "Sige po, director," sabi ko at tumakbo palapit sa yaya ko at nagpasama sa pagpapalit ng damit sa dressing room para sa boys "Nanny, si ate umaarte po ba?" tanong ko na lang sa yaya ko nang tumigin ako. "Hindi ko siya nabalikan sa studio eh magpaalam muna tayo kay direk bago tayo puntahan ang ate mo." sagot naman ng yaya ko. "Okay, nanny." nasabi ko na lang at lumabas sa dressing room. Pinuntahan namin ang director na umiinom ng kape. "Direk!" tawag ko sa director nang lapitan namin. Lumingon ang director sa amin nang marinig nito ang pagtawag ko. "What is that do you need something?" tanong ng director sa akin. "I'm going to my sister to say goodbye to her," sabi ko sa director na hinintuan namin ni yaya. "Sure, pahinga lang tayo mamaya aalis na tayo," nasabi ng director sa akin. "Opo, direk," sabi ko. Lumabas na kami ng studio kasama ang yaya ko binabati ako ng mga nasasalubong na kapwa artista. Nang pumasok kami sa isang studio napatingin ako sa kapatid ko na kausap ang ka-loveteam nito. Lumapit agad ako sa kapatid ko para kausapin. "Ate," tawag ko dahilan para lumingon sila sa akin. "Allen, bakit ka nandito?" tanong ni ate sa akin. "Magpapaalam ako sa'yo, ate." panimula ko. "Saan ang punta mo?" tanong ko. "May guesting kami sa enchanted kingdom at may gagawin kaming taping dun," sabi ko kaagad sa ate ko. "Ganun ba, sino ang kasama mo?" tanong ni ate sa akin tumingin ako sa ka-loveteam niya bago ako magsalita. "Si yaya maiiwan sa'yo ang bodyguard natin, ate," sagot ko sa ate ko. "Sige, i-text mo ako kapag nakarating ka sa EK." bilin ni ate sa akin tumango na lang ako. "Sige, ate ayoko talaga sa ka-loveteam mo," bulong ko sa tenga ni ate. "Mabait naman siya ah," sabi ni ate sa akin. "Aalis na kami, ate," sabi ko. "Ingat kayo," nasabi ni ate at tinapik ako sa balikat ko. Lumabas na ako kasunod ang yaya ko lumakad na kami papunta sa studio. Naabutan namin sa loob ng studio naghahanda na sa pag-alis papunta sa enchanted kingdom. "Yaya, kunin po natin 'yong gamit sa dressing room," sabi ko at hinila ko ang yaya ko papunta sa dressing room. "Sige, anak." sagot ng yaya ko sa akin. Nang kinuha na ang gamit sa loob ng dressing room nakasabay namin ang nakaaway ko. Tinawag ang lahat ng mga batang artista tinipon ang lahat para isakay sa iisang van at nakasunod ang mga kasama namin. Nasa huli naman ang staff at ang director kasama ang assistant director. *** "Yehey! Field trip namin! Nasa bus ang lahat ng estudyante nang High Elementary School. Pinapapila ang lahat ng eatudyante hahang bumaba sa bus at pinasunod ng nauunang guro ang mga estudyante nasa likuran naman ng mga estudyante ang isa pang teacher. Pinakain muna ang lahat bago nagkanya-kanya kami. "Students, when two o'clock in the afternoon will go for it again all together and leave to go home for all of us." bilin ng teacher namin sa amin. "Yes, ma'am." sigaw naming lahat sa teacher. Kasama ko ang kaibigan na nag-ikot sa mga both. May nakita kaming dalawa na pinapanod ng mga tao at nilapitan namin ito. "Mga artista yata ang pinapanood nila, tara." sabi ng kaibigan ko. "What?" tanong ko hindi ko narinig ang sinabi dahil maraming sumisigaw. "Nevermind," sagot ng kaibigan ko. Hinila ako bigla ng kaibigan ko at nanood na lang kami sa stage. He is a familliar boy dancing on stage. "Hey," tawag ng kaibigan natulala pala ako nang hindi ko namalayan. Tumingin pa ako sa stage at nawala na ang sumasayaw. "Huh?" sabi ko. "What happened to you?" tanong naman ng kaibigan ko. "Nothing, friend," sagot ko sa kaibigan ko habang nakatingin sa stage. "He's cute," sagot ng kaibigan nang mapatingin ako sa stage. "Who is cute?" tanong ko na lang. "There, he's a child actor." nasabi ng kaibigan ko. "You're right, he is cute." sagot ko na lang at nakatingin ako sa batang lalaking nakayuko sa tabi ng isang batang babae. Matapos manood tumimgin ako sa relo at mag-ala una pa lang ang nakitang oras. "Malapit na mag-alas dos," sabi ng kaibigan ko. "Go ahead, we will be back there," sabi ko sa kaibigan ko at lalakad na palayo sa maraming tao nang may bumangga sa akin. "Hey, you bumped into my friend." nasabi ng ka-edad kong babae. "Not true because both of you blocking our path," sabi ng kasama nito. "No, we were just watching my friends on stage, but when we were about to leave when bumped with my friend." sagot ng babae. "I'm fine, let's go we are looking for our teachers," sabi ko at tumayo sa pagtumba tinulungan ako ng kaibigan ko na tumayo. "Una?!" narinig kong tawag ng taong hindi ko inaasahang makikita. "Thunder?" banggit ko at tumitig ako sa kaharap ko at sa kasama nito na umirap pa sa akin. "I'm sorry," sabi niya. "Magkakilala kayong dalawa?" sabat ng kasama niya nakaramdam ako ng hindi maganda hindi ko alam ang tawag. "Let's go," aya ko sa kaibigan ko tumalikod na ako nang mahila ko ang kaibigan ko hindi ko na nilingon ang nabangga namin. "Kilala mo? Celebrity sila!" sabi ng kaibigan ko natigilan ako dahilan para huminto kaming dalawa. Hindi ako sumagot sa sinabi ng kaibigan ko at hinanap na lang namin ang teacher namin. Tumakbo ako palayo at ang kaibigan ko sinalubong namin ang mga teachers. Umakyat na kaagad kami sa loob ng bus tahimik na umupo ako sa pwesto ko. "He did not tell me that he was a child actor," bulong ko na lang sa sarili ko nakita ko pa na pinag-kaguluhan sila ng mga tao dahilan para may humarang sa kanila na security guard. "Are you okay?" tanong ng kaibigan ko sa akin. "Yes, I'm okay," sagot ko nabigla ako sa nalaman ko na ang nakilala ko sa waiting shed isa pa lang artista. "Magkakilala pala kayo nung batang lalaki? Sikat kaya ang pamilya nila." nasabi ng kaibigan ko. Hindi ako sumagot sa sinabi ng kaibigan ko tahimik na inaalala ko ang nakita sa enchanted kingdom at sinabi niya sa akin na hindi tago sa publiko ang buhay nito, tama siya hindi tago dahil kilala sila sa buong Pilipinas. Pero, hindi ko pa rin maintindihan ang naramdaman ko kanina ayoko 'yong nakita ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD