6 years ago (2033)
Kasama kong naglalakad ang kaibigan ko na si Xiero nang may lumapit sa amin huminto kaming dalawa bigla.
"Allen, pwede ka ba namin isama sa isang competition ng school?" bungad ng isa sa schoolmate namin hindi ito pamilyar sa akin dahil hindi ako nagpupunta sa club kung saan ako kailangan.
Wala naman nabanggit ang president ng club namin na may competition na magaganap sa school. Tumingin ako sa babaeng nagsalita at nagtanong naman ako para malaman ko kung saang club ba sila nang kasama niya.
"Saang club ka ba, miss?" tanong ko na lang sa babae tumingin pa ako sa kasama nitong lalaki.
"Ay, hindi natin siya pwedeng isama sa drama club si Allen Dalton, hindi ba?" sabat ng kasama nitong lalaki nabaling tuloy ang tingin ko sa kanila.
"Sabi ng presidente natin maghanap tayo ng tauhan na makakasali sa club natin," sabi ng babae sa kausap niya kumunot naman ang noo ko sa narinig.
"Eh? May club na si Allen Dalton ang alam ko kaya nang—" putol ng lalaki nang mapansin namin na tinampal ng babae ang sariling noo nito.
Nagka-tinginan naman kami ng kaibigan ko nang biglang nagpaalam ang dalawang schoolmate namin na humarang sa harapan namin.
"Ang famous mo talaga, Allen pati ang ate mo, isama na ang magulang mo kaya minsan naiilang ako na kasama ka," banggit ni Xiero sa akin nang tinignan niya ang dalawang tao na kinausap ako.
"Nagkamali sila ng kakausapin nahiya nga eh," sabi ko na lang sa kaibigan ko at may mga taong tumitili habang naglalakad kaming dalawa papunta lang naman kami sa canteen.
"Ano kaya tinutukoy nilang competition?" tanong na lang ni Xiero sa akin wala akong nalalaman sa competition na binabanggit ng babae sa amin.
Nilampasan ko ang mga taong gusto akong lapitan marami pa rin ang hindi nagbabago sa mga fans 'yon ang napansin ko nagiging kalmado lang sila kapag sinasaway na sila ng security guards.
"Kahit kapwa mo celebrity tumitili, ano ba ang sikreto mo, bro?" tanong ni Xiero sa akin hindi naman ako nagsalita dahil walang tamang kasagutan sa tanong niya.
Kumaway ako sa ate ko na nakita kong nabaling ang tingin sa amin kumaway ito sa akin. Kasama niya ang tatlong kaibigan niya sa school at showbiz tahimik na pumunta kami sa pwesto namin palagi at nandoon na ang dalawang babae na kaibigan namin.
"Nauna pa talaga kami sa inyo?" tawag pansin ni Eula sa aming dalawa ng kaibigan ko.
"May humarang sa amin sa daan kaya natagalan sa pag-sunod sa inyo," pahayag ni Xiero kay Eula na nagtanong sa kanya.
"Ah..." nasabi na lang ni Eula at umalis si Xiero para bumili ng makakain namin sa counter.
Nakita ko si ate na kausap pa rin ang mga kaibigan niya wala ba silang pasok?
Hindi ko maiwasang mapatingin sa katabi ko—kay Mariella. Umiwas kaagad ako nang tingin at sinuot ko ang earphone ko at nakinig nang kanta.
"Hey!" tawag ni Mariella sa akin kahit nakikinig ako ng kanta ewan ko pero, bumilis ang t***k ng puso ko sa pag-titig ko sa kanya.
"Baka mlalim ang iniisip niya," pahayag ni Eula sa kaibigan niya kinawayan niya pa ako sa harapan ng mukha ko.
Nahihiya akong magsabi sa kanya ng nararamdaman ko para akong bumalik sa dati. Hindi naman maka-alis at magtaka pa sila dahil hindi naman ako ganito sa tuwing magkakasama kaming apat.
"Ano ang iniisip mo, Allen tungkol ba sa nalalapit na moving up natin sa Senior High School?" tawag pansin ni Mariella sa akin binitawan ko naman ang cellphone ko at inalis ang earphone sa tenga ko.
Tumingin ako sa dalawang magkaibigan bago ako magsalita sa kanila.
"Hindi tungkol dun," tugon ko na lang sa kanilang dalawa at tinignan ang kaibigan sa may counter kung malapit na ito matapos.
Why is it so hard to tell the girl we like that we have a falling on them?
Nabigla naman ako nang hawakan niya ang balikat ko at umusog ako nang bahagya dala ang inuupuan ko.
Namumula ka, Allen okay ka lang ba?" pagtatanong ni Mariella sa akin napansin ko na nakatingin si Eula sa ginawa kong pag-atras.
"Ayos lang ako, saan nyo balak mag-señior high?" pag-iiba kong topic para hindi nila ako pag-usapan ang tagal naman ni Xiero sa pagbili nang pagkain namin.
"Dito pa rin daw ako mag-aaral sabi ni daddy at mommy habang busy sila sa negosyo namin sa ibang bansa," sagot naman ni Mariella sa aming dalawa nagsalita naman si Eula dahilan para mabaling ang tingin ko.
"Ako hindi ko na sigurado, dahil plano ko kung saan ako mag-kokolehiyo doon na rin ako mag-aaral ng señior high para hindi na ako mag-iisip," pahayag sa amin ni Eula dito ko pa rin itutuloy ang pag-aaral ko ng señior high.
Si ate sa Australia na mag-college at ako hindi ko pa alam kung saan ako mag-aaral ng college. May dual citizenship kami ni ate kaya pwede siyang mag-aral sa Australia at ganoon din ako.
"Your plan is good, my sister and I are going to study abroad for college, the decision can be changed just in case." sabat ko na lang sa kanilang harqpan at hinanap ng paningin ko ang kaibigan namin.
"Are you planning to study abroad?" tanong ni Mariella sa akin dahilan para mabaling ang tingin ko sa kanya.
Depende naman sa gusto namin ni ate kung saan kami mag-aaral sinusuportahan naman ng magulang namin ang gusto namin hindi sila kumokontra.
"Mariella, where do you plan to go to college?" tanong ko naman sa kanya at sumagot siya kaagad nakita ko ang pag-ngiti niya kaya hindi ko naiwasang ngumiti nakakadala.
"Sa Ateneo Manila ako mag-aaral ng college dapat sa Korea kung saan nakatira ang pamilya ko," nasabi sa amin ni Mariella nakita ko natuwa si Eula sa nalaman mula sa kaibigan nito.
"Hindi na ako mag-iisa!" tili ni Eula dahilan para mapatingin sa amin ang mga school namin.
Bumalik naman ang kaibigan namin na may dalang tray kasunod niya ang isang janitor na tumulong sa kanya sa ibang pagkain.
"Hindi mo ako tinawag man lang?" sabi ko na lang bigla.
"Tinawagan kita sa cellphone mo tignan mo pa," pahayag ni Xiero hinarap ko ang cellphone ko at bumungad ang missed call nito sa akin.
"Unfortunately, I will not go to college there, my parents want me to go to UP Diliman," sabi ni Eula sa amin at umupo sa tabi ko si Xiero nang ilapag sa mesa ang binili niyang pagkain.
"Ano 'yan, seryoso ang itsura nyo mula sa malayo ah?" pagtatanong ni Xiero sa amin kumuha na kami nang pagkain hindi namin ito pinansin kumulo na ang tyan ko dahil sa amoy ng pagkain.
"Ang pinag-uusapan namin ang tungkol sa Senior at college, ikaw ba, saan ka mag-aaral?" pagtatanong sa kanya ni Mariella nang huminto sa pag-subo nabaling naman ang tingin ko sa kanila.
"Sa UP Diliman ako mag-aaral, scholar kasi ako at doon ko gusto mag-aral ng college." nasagot kaagad ni Xiero sa amin nabaling ang tingin ko kay Eula dahil may hinala ako na may gusto ito sa kaibigan namin.
"Pareho kayo ni Eula ah, meant to be.." pagbibiro naman sa kanilang dalawa ni Mariella inasar na lang namin sila tumatawa kaming apat.
"Tse!" pagbabara ni Eula at umirap sa amin tumawa na lang kaming apat.
Kinain na lang namin ang pagkain nang matapos nagpaalam sa amin sina Mariella at Eula.
"Eula, samahan mo ako sa restroom wait nyo kami sa building." nasabi na lang sa amin ni Mariella at hinila nito patayo si Eula.
Tinawag naman sila ni Xiero at tinuro ang pagkain.
"Paano itong binili kong pagkain?" tawag pansin ni Xiero kinalabit ko na lang siya para sa akin mabaling ang tingin.
"Kukunin namin sa'yo doon," sagot naman sa kanya ni Mariella at tinuro ang labas ng canteen.
Binulungan ko na lang para tumigil na ito.
"Bakit ganyan silang mga babae?! Mabuti pa si ate Andrea mabait." nasabi ni Xiero sa akin hindi naman niya tinanggi na crush niya si ate natatawa na lang ako kapag nagkikita sila.
"Mabait talaga siya sa kapwa, Xiero may crush kang babae makapagsalita ka kasi may ibig sabihin." birong totoo ko sa kanya may napansin ako sa titig niya kay Eula hindi ko lang siya tinatanong.
"Syempre, alam ko naman na hindi niya ako magugustuhan dahil nerd ako," sabi naman sa akin ni Xiero nagpunta kaming dalawa sa counter para humingi plastic bag.
"Bakit? May itsura ka porma mo kasi pang 90's at 20's pinaghalo mo naman." sagot ko na lang sa kaibigan ko nang balingan ko siya ng tingin.
"Mahirap kami hindi tulad nyo mayamang tao," pahayag naman ni Xiero sa akin minamaliit niya ang sarili dahil alam niya na hindi katulad ng magulang ko na kahit sino pa ang nakikilala nila natatanggap.
Matapobre ang ibang magulang mahirap man o mayaman kaya alam kong natatakot siya kapag umamin siya nang damdamin kay Eula. Ayaw niyang ma-reject 'yon ang obserbasyon ko sa kanya.
"Sino ba siya?" tanong ko kahit may hinala na ako kung sino 'yon.
"Wag mo sabihin sa iba at sa kanya," bulalas ni Xiero sa akin huminto tuloy ako sa pag-pasok ng pagkain sa plastic.
Napatingin pa ako sa buong paligid kung may nakikinig sa amin pag-uusap.
"Oo, wala kang tiwala sa akin, ibig mong sabihin kilala ko ang gusto mong babae?" sabi ko sa kanya.
"Kilala mo, kapag ba sinabi ko sa'yo sasabihin mo rin ang crush mong babae?" seryoso niyang tanong sa akin.
"Oo naman, ikaw at sila lang ang naging kaibigan ko dito maliban kay kuya Jin." nasabi ko na lang.
"Si Eula ang crush ko dito mabait siya saka nung nakita ko siya at naging malapit ako sa kanya nag-iiba ang saya ko," sagot naman si Xiero sa akin nang magka-tinginan naman kami.
"Mabait talaga sila hindi iba ang turing nila sa ating dalawa," bulalas ko na lang sa kanya.
"Alam ko naman, wala ako panama sa mga crush niya dito varsity at celebrity na tulad mo na schoolmate natin," sagot naman ni Xiero sa akin.
"Wag mo isipin na wala kang panama may itsura ka noh!" nasabi ko at tinapik ang balikat nito.
"Ikaw, sino ang crush mo?" pagtatanong ni Xiero hindi ko na kailangan itago sa kanya.
"Si Mariella, kaibigan ni Eula na crush mo ewan ko tuwing kasama ko siya iba ang tingin sa kanya," pag-amin ko naman sa kanya.
"Kapag naging love itong nararamdaman ko kay Eula susuko ako dahil imposibleng magustuhan niya ako," bulalas ni Xiero sinaway ko na lang siya dahil hindi ito maganda.
"Bakit hindi mo ipursige?" suggestion kong sabi sa kanya at tumalikod na kami para lumabas ng canteen.
"Ayokong ma-reject niya kaya ayokong ipursige, bakit si Mariella?" tanong ni Xiero sa akin habang naglalakad kaming dalawa.
"Sinabi ko na, tara na tumunog na ang bell hintayin sila sa pader sa tapat ng room natin," sabi ko nang marinig namin na mag-bell.
Nang bumalik kaming dalawa sa building nakita namin ang dalawang babae na naghihintay sa amin.
"Mas nauna pa kami sa inyo, amin na 'yong pagkain X—xiero," utal na banggit ni Eula umiwas naman siya ng tingin dahilan para mapatingin ako sa kanilang dalawa ni Mariella.
"Heto na po, miss Eula," sagot naman ni Xiero at naiiling na lang ako sa reaksyon ng kanilang mukha.
"Bakit mas nauna pa kami sa inyo dito?" sabat natanong ni Mariella sa amin tumingin pa ito sa amin.
"Pumunta kami library hindi namin narinig ang bell," kaila ko na lang at pumasok na kami sa loob ng classroom.
"Ganun ba," nasabi na lang ni Mariella sa amin.
"Oo," sabat naman ni Xiero sa kanila.
"Totoo?" sagot ni Eula.
"Pasok na kami, hindi ako sasabay sa inyo may pupuntahan kami ni ate eh"- sabat ko nang makita ko mula sa malayo si ate mula sa malayo.
Nagpaalam ako sa teacher na nandoon at pumayag kaagad ito nang mapansin na nagmamadali akong umalis. Tumakbo na ako papunta kay ate na naghihintay sa akin.