Chapter 14 - Feelings

1751 Words
Naging busy ako noong nakaraang araw kaya hindi ako nakapasok sa school ang nagbibigay sa akin ng notes sina Eula at Xiero na biglang nagbago ang pakikitungo sa isa't-isa. "Kailan ka papasok sa school?" tanong ni Xiero sa akin kasama ko siya sa loob ng mansyon namin namamahanga pa rin ito kapag nagpupunta sa amin. "Baka next week na, Xiero nag-online class naman ako pero parang bitin akong nararamdaman." sabi ko na lang wala akong ginagawa sa trabaho ngayon kaya nasa bahay lang ako at nag-aaral nag-absent ako ng isang linggo dahil kailangan kong maging pokus sa taping namin. Pansamantalang lumipat ako sa online class ng isang linggo kaya nandito ako sa bahay namin ngayon. "Wala akong kasama ng isang linggo na hindi maingay 'yong dalawang magkaibigan akala mo hindi nauubusan ng ma-kwento kapag kasama ko sila, miss na kita." sabi ni Xiero sa akin nailing na lang ako sa kanya nang tignan ko siya naka-simangot na ang mukha niya. Natawa na lang ako sa reaksyon ng mukha niya. "Tiis ka lang mapapa-lapit ka sa crush mo, ayaw mo ba nun?!" sabi ko sa kanya at binato naman ako ng unan dahil humagalpak ako ng tawa sa kanya. "Gago ka! Ops...baka narinig ako ng ate mo at magulang mo sa pagmumura." sabi ni Xiero natawa na lang ako nang malakas wala si ate sa bahay ang magulang ko wala silang pakialam sa kanilang maririnig basta walang kalokohang ginagawa o masama ang ginagawa. "Kahit maririnig nila 'yan wala naman silang pakialam," sabi ko na lang at umupo ito sa massage chair nasa may gilid ng kama ko. Hinayaan ko na lang siya at tinuloy ko ang ginagawa ko sa mesa ko. Pumayag ang magulang ng kaibigan ko na dito siya matulog kaya hinayaan kami ng magulang ko na mag-ingay sa loob ng kwarto ko. Makalipas ng isang linggo, pumasok na ako ulit sa school nang matapos ko ang taping ko kakaunti na lang ang gagawin ko sa taping. Kasama ko sa paglalakad papasok sa classroom si Eula dahil hindi niya kasabay si Mariella wala itong binanggit kung meron sa kaibigan at mahuhuli naman sa pagpasok si Xiero dahil dinaanan sa hospital hindi naman niya nabanggit kung sino ang dinalaw nito doon. Nang makarating kaming dalawa sa classroom dumeretso kaagad ako sa pwesto ko kinausap pa ako ng katabi ko nabaling ang tingin ko sa may pintuan sa kabilang classroom ng marinig ko ang boses ni Mariella. Napansin ko na tahimik lang si Mariella nang pumasok ito lumabas pa ako para sumilip sa kabilang classroom kinausap pa siya ng katabi niya at hindi niya ito pinansin nagtaka naman ako sa kilos nito. Habang nakikinig ako sa guro namin napatingin ako sa may bintana ng room namin nakita ko si Mariella na kasama ang isa sa kaklase nitong lalaki. Napailing na lang ako at tumingin ulit sa guro namin. Napatingin ako sa unahan ng classroom ng marinig ko na tinawag ako ng guro namin. "Mr. Dalton, you will be the one chosen to be a Mr. National High School of the room, and be with you has been the partner of Ms. Cruz it could not be refused." banggit ng guro sa akin nagka-tinginan pa kaming dalawa wala naman akong magagawa. Nag-isip naman ako alibi para hindi ako maging bahagi nito. "I can't, I have something to do that day and I can't cancel this project." sabi ko kaagad kailangan kong kausapin ang manager at ang magulang ko tungkol dito. "And why? Didn't you stop in showbiz?" tanong ng guro sa akin pili na lang ang mga project na tinatanggap para may oras pa rin ako sa pag-aaral. "No, I was just picky about the project I accepted in showbiz, sir, I have a choice, I just can't let go of what I want," sagot ko sa guro namin nakatayo na ako pwesto ko dahil pinatayo ako. Hindi nakasagot ang guro namin sa akin hanggang sa narinig namin ang tumunog na bell ng school namin. Lumabas naman kami ni Xiero sa classroom at naghintay naman kami sa dalawang kaibigan namin na katabi lang ng classroom namin. Napansin ko na wala si Mariella sa pwesto nito, nasaan kaya siya? "Hintayin natin si Mariella wala siya room sumama sa childhood bestfriend niya," bungad kaagad sa amin ni Eula at nagtanong si Xiero sa kanya. "Wala pang bell umalis na siya?" pagtatanong ni Xiero at lumakad na kami palabas ng school nag-text naman ako kay ate habang magkausap sila. "Nasaan siya?" sabat ko na rin at tumingin ako kay Eula. "Ang sabi niya, kakausapin niya ang childhood bestfriend niya ilang minuto nakalipas wala pa siya at hindi pa sila bumabalik," sagot sa akin ni Eula may ginagawa siya sa cellphone na hawak niya. "Tawagan mo o i-text para malaman natin kung nasaan siya" suggestion nasabi ni Xiero sa katabi niya hindi naman ako nagsalita ayoko naman na kontakin si Mariella at baka kung ano pa ang isipin. "Dun tayo sa field para konti lang ang estudyante," aya ko naman sa kanilang dalawa at sumunod sila sa akin. Nagpunta kaming tatlo sa field at hindi namin inaasahan nandun din ang hinahanap namin na si Mariella. "Kaano-ano ni Mariella ang lalaki maliban sa childhood bestfriend niya 'yon?" narinig kong tanong ni Xiero kay Eula nang matanaw namin si Mariella. "Kababata niya 'yon bago kami nagkakilala ang hindi ko alam ang nakaraan nila," sagot naman sa akin ni Eula sa amin nabaling ang tingin ko sa babaeng natitipuhan ko. "Baka nanliligaw sa kanya ang lalaki," sagot ni Xiero at napalingon naman siya sa akin hindi na lang ako umimik. "Tanungin natin siya mamaya impoible hindi niya alam na dito ang punta natin," pahayag ni Eula sa aming dalawa at umupo kaming tatlo sa damuhan. Nakakaselos ang nakikita ko sa kabilang side kung nasaan si Mariella at ang kababata niya. Naupo kaming tatlo sa damuhan at hindi namin siya tinignan si Mariella na kasama ang lalaki. "Allen!" narinig kong tawag ni ate dahilan para luminga-linga ako sa paligid. Nang mapalingon ako sa may likuran nakita ko si ate nakatayo sa malayo nakita ko na kasama niya si kuya Jin. "Ate," tawag ko sa kapatid ko nang napalingon sa likuran ko. "Sasabay ka ba sa amin ni kuya Jin mo?" tanong ni ate nang lumapit sa amin binati pa sila ng dalawang kasama ko. Tinignan ko pa ang kasama niya at hindi kami nagsasalita na may batian. "Susunduin ako ni nanny dito break time pa, saan kayo?" sabi ko sa kapatid ko bago ako tumayo sa damuhan para harapin si ate huminga na lang ako. "Pupunta kami sa shooting para sa bagong movie half day lang kami ngayon papasok," sabi ni ate sa akin at nagpaalam na siya sa amin. "Hindi nga ako makakasabay sa inyo, ate ingat kayo." nasabi ko na lang ulit sa kanila hindi ako malapit kay kuya Jin. "I-text mo ako kapag pauwi ka na at sina mommy at saka si daddy i-text mo para alam nila kahit nasa ibang bansa sila ngayon," bilin ni ate sa akin nang huminto para kausapin ako pagkatapos niya lumingon. "Sige, ate." sagot ko. "Ano, aalis na ba tayo?" sabat sa amin ni kuya Jin at tumingin sa amin. "Ingat kayo, kuya." sabi ko na lang sa kanila ni ate tinanguan na lang ako nang tumalikod na sila. Tumango si kuya Jin at umalis na silang dalawa ni ate palabas ng school. Nang tumabi ako sa kaibigan na si Xiero may tinanong ito sa akin. "Sila na ba?" tanong naman ni Xiero napansin niya siguro ang gesture nina ate at kuya Jin. "Ah sila, sa tingin mo 'yon silang dalawa saka buhay ni ate 'yon at hindi ko 'yon pinapakialaman dahil mas bata ako, siya matanda na." sabi ko na lang sa kaibigan ko hindi ko sabihin ang karotohanan dahil wala ako sa lugar ibulgar ang relasyon ni ate at kuya Jin. Ayokong pangunahan sila sa pag-announce ng relasyon nila sa publiko o sa mga kaibigan ko. "Eula, si Alika aalis na daw siya kaya pinuntahan niya ako dito." narinig naming tawag ni Mariella kay Eula. "Saan siya pupunta?" pagtatanong naman ni Eula nang marinig namin ang boses ni Mariella mula sa gilid hindi namin siya napansin na lumapit sa amin. "Sa South Korea dun niya itutuloy ang pag-aaral niya," pahayag naman ni Mariella kilala niya talaga ang lalaking 'yon. "Kaya ba, nagpa-drop siya dito?" tanong ni Eula sa kaibigan niya tinignan ko ang lalaking kasama ni Mariella na umalis na kaagad. "Oo, nakakalungkot sanay ako na tuwing nasa tapat na ako ng bahay naghihintay siya sa akin," sabi ni Mariella para akong nainis sa sinabi niya. "Bestfriend lang ba ang tingin mo sa kanya o siya sa'yo?" tanong ni Eula sa kaibigan niya lumingon si Mariella at nabaling ang tingin namin sa kanya. Parang naghihintay ako ng sagot sa kanya na alam ko naman sa kanya ko lang maririnig. "I like him as a friend and I don't think of him as more than a friend." pahayag naman sa amin ni Mariella at nakahinga naman ako ng maluwag sa narinig mula sa kanya. "Sino ba maswerteng lalaki 'yan?" tanong ni Eula at tinuro ang puso ni Mariella umiwas na lang siya nang tingin sa amin. Hindi naman siya nakasagot sa tanong ni Eula sa kanya nakamasid lang ako sa kanya. Sino sya ang swerte niya? "I like him secretly, I'm happy every time I see him, I'll confess my feelings to him when I'm ready," sabi ni Mariella nakita ko na nag-glow ang mga mata niya habang binabanggit niya 'yon. "Sino kaya 'yon, ang swerte ng lalaking 'yon kay Mariella," sagot ni Xiero na alam ko na pinaparinggan niya ako hindi naman ako nagbigay ng reaksyon. "Gusto kong malaman nakakahiyang magtanong sa kanya," bulong ko. Kinulit naman siya ni Eula at umiiling si Mariella bago siya magsalita. "Sino ba siya?" pangungulit ni Eula sa kaibigan niya. "Secret," sagot na lang sa amin ni Mariella wala nang nagtanong pa sa kanya. "Kaibigan mo kami hindi pwedeng sabihin, ikaw nga sinabi ko sa'yo kung sino ang crush ko tapos ikaw..." simangot nasabi ni Eula at inirapan pa niya si Mariella na hindi na umimik. "Basta, malalaman mo rin kung sino siya," sabi ni Mariella sa aming tatlo nakamasid lang ako sa kanya. "Iba na rin pala," sagot ni Xiero siniko ko na lang siya dahil ang daldal niya. Hindi na kami nakabili ng pagkain dahil tumunog na ang bell nang school tumayo na kaming apat sa damuhan at lumakad pabalik sa building namin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD