Hindi pa rin mawala sa isip ko ang nakita ko sa waiting shed ilang araw na ang lumilipas nagpunta naman ang girlfriend ko sa kumpanya nila at hinatid ko siya kahit hindi pa kami nagkaka-bati.
Naalala ko tuloy ang pinag-usapan namin sa loob ng sasakyan ko kanina.
"Baby, bakit parang may nagawa akong kasalanan sa'yo na hindi ko alam?" banggit niya sa akin nang huminto ako dahil traffic sa highway.
Hindi mo nga alam dahil ayoko na magtalo dahil sa nakita ko na pangloloko mo sa akin.
Bakit mo 'yon nagawa sa akin?
Ano ang pagkukulang ko?
"Baby, mahal mo ba talaga ako?" bulalas ko naman bigla sa kanya napansin ko na hindi kaagad siya nakapagsalita.
Pina-andar ko na lang ang sasakyan ko nang nag-go na ang traffic light nag-hihintay ako ng sagot mula sa kanya.
"Bakit ka nagtatanong ng ganyan sa akin hindi mo ba nararamdaman na mahal kita? Matagal na tayong may relasyon, baby..." bulalas naman niya hinawakan ang kamay ko.
Kung mahal mo ako, bakit nagawa mo ako lokohin?
"Nothing, baby..." kaila ko na lang sa kanya at hinatid ko siya sa kumpanya nila.
Nalaman ko sa bosses ko sa network na mula sa kumpanya ng pamilya nang girlfriend ko nanggaling si Kim Joon at Lee Woon nang magtanong ako sa kanila. Hinalikan niya ako sa labi na tinugon ko para hindi siya maka-halata na may pag-dududa na ako sa kanya.
Ayoko muna mang-hinala na matagal na niya ako niloloko. Gusto muna kumpirmahin bago ako mag-desisyon huminga na lang ako bago ako umalis pagkatapos niya bumaba sa sasakyan ko.
Habang naglalakad ako sa hallway nasalubong ko si ate at lumapit kaagad ako nakita ko sa mukha niya na may iniisip siya.
"Ate!" tawag ko na lang sa kanya nabaling naman ang tingin nito sa akin nagbago ang expression ng mukha niya.
May hindi ba sila pagkaka-unawaan ni kuya Jin?
"Allen, kamusta na kayo ni Mariella?" bungad ni ate at nagtaka naman ako sa binanggit niya, may alam ba siya sa ginagawang panloloko ng girlfriend ko sa akin?
"Mabuti naman, ate, saan ang punta mo?" tanong ko naman hindi ako nag-isip ng iba sa binanggit niya.
"Sa shooting pero dadaanan ko ang kuya Jin mo sa taping niya," bulalas ni ate naalala ko nakita ko si kuya Jin na kasama nito ang isa sa kaibigan ni ate na si CL.
"Nakita ko siya kasama niya ang kaibigan mo sa dressing room niya," pahayag ko naman sa ate ko at nakita ko sa mukha niya na parang may mali akong sinabi sa kanya.
"Ano, anong ginagawa nila?" simangot pagtatanong sa akin ni ate at sumama ang timpla ng mukha niya.
Ano ang ginawa mo kuya Jin para maging ganito si ate sa'yo?
Niloko mo ba siya, kuya?
Nang tatalikod na ako at babalikan ko ito sa dressing room may humawak sa kamay ko.
"Hindi ko tinignan nalingunan ko lang sila na magkasama sila at naglakad na ako papunta dito may gagawin pa ako sa music room, ate." nasabi ko naman sa kanya hindi pa rin nagbabago ang expression ng mukha niya.
"Ganun ba, bro b***h talaga ang babaeng 'yon." pahayag naman ni ate nagkaroon ba sila ng hindi pagkaka-unawaan?
Niloloko ba ni kuya Jin si ate? Gago siya matagal na sila magagawa pa niya maghanap ng iba?
Napa-huh...na lang ako sa kanya at nakita ko na may hindi sinasabi sa akin si ate nagkaroon ba ng third party sa relasyon nila kuya Jin?
"Nasaan si Mariella hindi ko siya nakikita ngayon dito?" banggit ni ate sa akin at sinabi ko na hinatid ko ito sa kumpanya ng pamilya nito.
"Nandun siya sa kumpanya nila, ate mauuna na ako baka nandun na sina Lee at Kim," sagot ko na lang sa ate at nagpaalam na ako sa kanya.
"Hindi ko pa nakikita ang Kim na 'yon pero naririnig ko sa mga bulungan marunong daw magsalita ng tagalog kahit koreana siya," kwento sa akin ni ate sumabay na siya sa pagpasok sa loob ng network.
"Oo, ate marunong siya magsalita nagulat nga ako dahil koreana siya." kwento ko naman sa ate ko kahit hindi kami nagkakasama ni ate close talaga kaming dalawa.
Mula ng mamatay ang magulang nung araw ng graduation ko mas naging malapit kami sa isa't-isa hindi dahil magkapatid kami kundi, dahil, siya na lang ang nag-iisang pamilya ko at ganoon din siya sa akin.
"Try kong dumaan sa music room bukas gusto ko sya makilala," tugon ni ate at nagka-tawanan kaming dalawa kinikilatis niya ang mga nakakasama ko kahit ang mga kaibigan ko hindi lang sila magka-lapit ng girlfriend ko mula pa nang ipakilala ko na may relasyon na kaming dalawa.
Gusto niya ang girlfriend ko bilang kaibigan ko at hindi bilang girlfriend ko inamin naman sa akin ni ate na mabigat ang pakiramdam niya sa girlfriend ko kaya hindi siya malapit dito.
Tumatanda na si ate gusto ko na makita na magkaroon siya ng sariling pamilya.
"Sige, ikaw, ate kailan ka naman lalagay sa tahimik? Hindi pa ba kayo handa ni kuya Jin o may wall sa pagitan nyong dalawa?" bulalas ko ng mahina sa kanya.
"Kasal? Hindi pa nga siya nag-propose at ewan ko doon kung handa na ba siyang lumagay sa tahimik baka, hindi pa siya." sabi ni ate sa akin may laman ang binanggit niya natumbok ko may something sa kanilang dalawa.
Masasapak ko talaga si kuya Jin kapag nalaman ko na nololoko niya si ate at ipagpapalit lang sa iba sana noon niya pa ginawa at hindi na pinatagal.
"Ang kupad ni kuya ang tagal nyo na walong taon na kayong may relasyon pwede nyo na ako bigyan ng pamangkin," birong totoo ko naman sa kanya.
"Kapag kasal na dun pa lang kita mabibigyan ng pamangkin hindi ako katulad ng iba...anak bago kasal pero, pwede rin para kung sakali man na mawala kayo sa piling ko may mag-aalaga sa akin." tugon ni ate pinang-gigil-gigilan ko lang siya nang yakap.
Hindi ko iiwan si ate kahit mag-asawa na ako bumukod man ako ng bahay kasama ng magiging asawa ko katulad ngayon hindi naman kami magkasama sa iisang bubong pero, ganito pa rin kaming dalawa.
Kumaway na lang ako palayo sa ate ko bago siya lumakad papunta sa trabaho niya hindi namin kasama ang manager namin dahil hindi lang kami ni ate ang inaalagaan nito. Nang dumating ako sa music room naabutan ko na nag-iisa si Kim sa loob.
"Wala pa sila, Allen?" narinig kong pagtatanong niya sa staff nabaling ang tingin sa akin nang staff sumenyas ako na huwag sabihin nandito na ako.
"Ang aga mo dumating nasaan si Lee?" bungad ko sa kanya nang tabihan ko nabaling ang tingin niya sa akin at nagka-titigan pa kaming dalawa.
"Nasa Zandovar siya para sa guesting niya kaya wala siya ngayon," sagot naman niya at lumakad siya palayo sinundan ko na lang nang tingin kinausap siya ng mga kasama niya tumingin pa ito sa akin.
Lumapit ako sa kanya nang wala siyang kasama.
"Ano ang binabasa mo?" bungad ko.
"'Yong song na kakantahin natin kay Michael Pangilinan duet nga lang ang gagawin natin," sabi niya binasa ko ang hawak niya.
"Oo nga," bulalas ko.
"Kantahin natin, ano gusto mo?" alok naman niya sa akin tinignan ko muna ang mga kasama namin.
Practice lang naman para alam namin ang gagawin kapag kinanta namin.
"Sige, tapos gumawa tayo ng blending natin sa boses." sagot ko.
"Sige," sagot niya.
Tumabi siya sa gilid ko at sumandal kami sa pader na may bangko at kumanta na kaming dalawa.
* Tayo Na Lang by Michael Pangilinan *
Ako na lang sana ang minahal
'Pagkat pag-ibig ko'y magtatagal
Pwede na ba sana tayo na lang
Ako na lang, tayo na lang
Ang lamlam naman ng boses niya nauna siyang kumanta.
Ikaw lang talaga ang minahal mula noon
'Di pa rin nagbabago sa'yo hanggang ngayon
Anumang panahon ako'y maghihintay
Hindi babaling sa iba
Anuman ang gawin
'Di kayang pigilin ang aking nadarama
Pinapakinggan ko siya habang kumakanta hindi rin ako makapaniwala na kaya niyang kumanta na hindi native language at hindi pa siya slang.
Kumanta naman ako at tumahimik siya.
Ako na lang sana ang minahal
'Pagkat pag-ibig ko'y magtatagal
Pwede na ba sana tayo na lang
Ikaw ang tangi kong pangarap makasama
Ako na lang sana ang inibig mo
'Pagkat sa'yo'y 'di magbabago
Kung puwede lang, ako na lang, tayo na lang
Sabay namin kinanta ang isang lyrics at gumawa kami ng style nang blending sa boses naming dalawa.
Ikaw pa rin talaga ang iniisip ko ngayon
Kahit na alam kong ibang kapiling mo ngayon
Alam kong sa iyo'y may pagkukulang s'ya
P'wede bang makialam
Hindi ko kayang pabayaang makita kang ganyan
Ako na lang sana ang minahal
'Pagkat pag-ibig ko'y magtatagal
Pwede na ba sana tayo na lang
Ikaw ang tangi kong pangarap makasama
Ako na lang sana ang inibig mo
'Pagkat sa'yo'y 'di magbabago
Kung puwede lang, ako na lang, tayo na lang
Huminto siya at ako naman ang kumanta nabaling ang tingin ko sa kanya.
Nandito lang ako
Naghihintay na makapiling ka
Nag-duet na lang kaming dalawa ulit nag-practice lang kami pero parang hindi na 'yon nangyayari.
Ako na lang sana ang minahal
'Pagkat pag-ibig ko'y magtatagal
Pwede na ba sana tayo na lang
Ikaw ang tangi kong pangarap makasama
Ako na lang sana ang inibig mo
'Pagkat sa'yo'y 'di magbabago
Kung puwede lang, ako na lang, tayo na lang
Kumanta ako nang mag-isa humarap siya sa akin at nagka-tinginan kaming dalawa.
Pwede na ba sana tayo na lang
Ikaw ang tangi kong pangarap makasama
Ako na lang sana ang inibig mo
'Pagkat sa'yo'y 'di magbabago
Kung puwede lang, ako na lang, tayo na lang
Nakarinig kami ng palakpakan sa likuran namin nagulat pa nang makita nakatingin ang director at ang staff sa amin.
"Ang ganda ng blending ng boses nyo kahit hindi ako singer ang ganda," puna kaagad sa amin ng director hindi naman ako naka-imik lumayo ako ng bahagya kay Kim Joon.
Umiwas naman at lumayo siya sa akin. Wala na akong nagawa kundi sinundan ko na lang siya nang tingin.
"Ulitin nyo 'yan hindi tayo dito gagawa ng music video wala pang lokasyon eh," pagbibiro sa akin ng assistant director wala naman akong reaksyon sa binanggit nito.
"May alam ako kung saan pwede pero hindi ko alam kung magugustuhan nyo ang lugar na 'yon," sabat ko.
"Saan 'yon?" tanong ng director sa akin tinignan ako sa mata huminga na lang ako.
Lumabas na kaming lahat sa hamman network at magkasama na lang kami sa iisang sasakyan para hindi na hassle. Nagka-gulo ang mga tao nang makita kami nang bumaba kaming lahat sa van at nagpa-tawag ng barangay tanod ang director at ang manager ko na sumunod sa amin.
"Perfect!!" tili naman sa amin ng director nang makita ang lugar.
Parang hindi kaagad nakalabas ng sasakyan si Kim Joon nang makita niya ang lugar.
"Shed Of Love," basa naman ng assistant director sa naka-ukit sa waiting shed.
"Ikaw hindi ka niya manager pero nandito ka rin paki-ayusan mo siya dali!!" tawag ng director sa manager ko sinamaan naman siya ng tingin ng manager ko.
Ewan ko, parang natitigilan si Kim Joon nang lapitan niya ang waiting shed guni-guni ko lang ang nakita ko na ngiti sa labi niya.
"Baklaaaa....." sigaw ng manager ko wala naman siyang magagawa mabuti palagi siyang handa sa mga gamit.
"Sige na," pangungumbinsi ng director sa manager ko nabaling pa ang tingin sa akin nag-kibit balikat na lang ako wala ang mga manggagawa doon dahil ganitong araw day-off nila.
Biglang hinila ng manager ko si Kim Joon at pinaupo niya ito sa batong bench at inayusan ito. Hanggang sa inayusan ito ng simple at pina-upo kaming dalawa sa batong bench bago kami kumanta.
Nang matapos kami sa ginawa namin hinatid namin si Kim Joon sa Zandovar Entertainment.
"Salamat sa paghatid," sabi niya nang maka-baba siya.
"Bukas ulit," sabi ng director sa kanya.
Mula nang matapos kami sa ginagawa hindi na siya umimik pa kinaka-usap siya nang ayon lang sa tinatanong sa kanya.
"Opo, direk." bulalas niya napansin ko na umiwas siya nang tingin.
Bumalik ako sa hamman network hindi ko na pinuntahan ang girlfriend ko sa Zandovar Entertainment.
Galit pa ako sa kanya martyr na kung martyr kapag sinagad niya ang pasensya ko sa relasyon namin wala pang dalawang taon ang relasyon namin.