Kinakanta ko naman ngayon ang kanta ko thru may native language sa loob ng music studio hindi namin kasama ngayon si Allen dahil busy ito sa ibang project na ginagawa niya.
"Ang lamig ng boses mo parang hindi sa'yo nagmula," sabi ng mga taong nandoon kasama nila si Lee at ang mga team ko na pinapanood ako.
Inalis ko naman ang headphone sa ulo ko at pinatong sa sabitan. Lumabas naman ako sa silid at nilapitan sila.
"Gimjun-a neo jeongmal jalhaneunde, ulimallo nolaehamyeon manh-i dallajyeo." banggit ng mga kasama ko natawa na lang ako wala naman ako binago sa boses ko.
(You are really good, Kim Joon, and you are very different if you sang in our language.)
Naiiling na lang ako at sumagot ako sa kasama ko pinakita naman sa akin ng director ang ginawa ko sa loob ng silid.
"Nolaeeseoneun amugeosdo bakkuji anh-assgo mogsolieseoneun mogug-eoman sayonghaess-eoyo." bulalas ko naman sa mga kasama ko napatingin pa sa amin ang director na kinausap ko saglit.
(I didn't change anything in the song and in my voice I just used our native language.)
Ngumiti na lang ako sa nakita ko at aayusin lang nila ang volume habang kumakanta ako dahil parang hindi natural ang dating.
"Parang hindi mo boses ang ginamit mo, Kim Joon." sabi naman sa akin ng director may acapella version at 'yong kanina na ginawa ko pinakita nila sa akin.
Nagtanong ko sa kanila kung ano ang reaksyon ng babaeng dapat nasa pwesto ko sa music video.
"Medyo nagulat si Mariella hindi mo ba siya kilala? Anak siya ng Zandovar kung saan ka nanggaling." sabi ng director nang mabaling ang tingin nito sa akin.
"No, hindi naman kami nagkikita sa trabaho o sa kumpanya nila naririnig ko lang ang pangalan niya." pag-amin ko naman dahil totoo naman kahit magulang ni Mariella ang boss ko sa Zandovar hindi kami nagkikita kahit sa mahahalagang okasyon pa ang nagaganap sa kanilang kumpanya.
"Ah..dahil siguro dito nag-stay si Mariella at palaging pumupunta sa Korea maganda ang boses mo, Kim Joon salamat naibahagi mo dito ang talento mo." masayang bulalas ng director nagpa-salamat na lang ako.
May guesting kaming dalawa ni Lee sa isang noontime show kaya kailangan naming umalis kaagad sa music studio. Nagpa-picture lang sila sa amin at pumayag na lang kami minsan lang mangyari ito sa kanila na may nag-pupuntang foreign celebrity artist sa kanilang network.
Umalis na kami nang mga kasama ko sa music studio para bumalik sa dressing room kung saan ako nagpa-palit o nagpa-pahinga.
"Naneun da-eum nal tteonal yejeong-inde wae nam-eul geos-inga?" tawag pansin ni Lee sa tabi ko nang nagpa-pahinga na kami sa loob ng dressing room.
(I'm leaving the next day, will you be left because?)
"Jeoneun aelleongwa gwanlyeondoen yeonghwaga iss-eoseo yeogi pillipin-e han dalgan iss-eul yejeong-inde, maenijeonimman dol-agago je gaein biseoneun je yeop-e nam-eul geoyeyo." sabi ko na lang at inalis ko ang heels na suot ko.
(Because I have a movie to do with Allen, we will be here in the Philippines for one months, only the manager will go back there and my personal assistant will be left by my side.)
"Ne, geunyeoneun tteonal su eobs-eossgo yeogi pillipin-eseo dan han dal man-e gugje yeonghwa-e dojeonhal yejeong-ieoseo iyagiga johgi ttaemun-e bangsongsaui jean-e dong-uihaessseubnida." sabat naman sa amin ng manager ko at nagpaalam ako na magpa-palit ng suot.
(Yes, she can't leave it and then she will try international film in just one month here in the Philippines so she agreed to the network's offer because the story is good.)
Nang matapos ako mag-palit umalis na kaming dalawa ni Lee sa dressing room naiwan doon ang mga kasama namin.
Nagpaalam ako sa manager na may pupuntahan akong lugar nang paalis na kami sa network. Muntik na akong hindi payagan at sinabi ko na lang na gusto puntahan ang dating school ko dito kahit alam kong marami nang nagbago sa Pilipinas.
"Hamkke hasigessseubnikka?" sabi nila sa akin alam kong nag-aalala lang sila na pagka-guluhan ako ng mga fans.
(Shall we join you?)
Umiling naman ako sa kanila kahit isa tao lang ang makakasama ko tinignan nila ang driver ng service van. Kahit hindi sila sumang-ayon hindi nila ako mapipigilan na umalis ngayon lang ako mag-sosolo ng lakad.
"Al-aboji moshadolog byeonjanghal sudo issgo, animyeon geunyang pihal sudo iss-eo ajig gat-i gal salam-i pil-yohaeyo." sabi ko sa kanila at umalis na kami sa network naunang hinatid ng driver ang mga kasama ko sa hotel.
(I'll disguise myself so I won't be recognized or I'll just avoid them so I still need someone with me.)
Alam ng driver ang sinabi kong school marami na nga nagbago sa lugar hindi ko na makilala ang dating school ko. Huminto sa may gilid ang van at lumabas ako para picturan ang school at nag-selfie ako na may ngiti sa labi.
Inikot ko ang buong school maraming student na napapatingin sa akin hindi ko na lang sila pinansin nagpunta din ako sa playground at sa dating room ko. Umupo ako sa armchair at hinawakan ang dating inuupuan ko nagpaalam ako sa teacher doon nang makita sinabi ko na alumni ako sa school.
Nakakamiss itong presensiyang 'to.
Agad akong umalis sa dating classroom ko nang bumalik na ang mga estudyante sa kani-kanilang classroom. Yumuko ako at umiwas ng tingin sa mga nasasalubong estudyante naglakad na ako palayo sa school.
"I'm sorry," hinging paumanhin ko sa nabangga kong teacher inangat ko ang ulo ko.
Nang lalayo na ako nagsalita naman ang teacher na nabangga kaya huminto ako.
"I'm sorry, miss, are you alright?" pagtatanong naman sa akin ng teacher.
"Yes," sabi ko na lang nang magka-tinginan kaming dalawa umiwas na lang ako ng tingin ng marinig namin ang boses ng estudyante.
"Teacher Hernandez," tawag ng estudyante sa teacher.
"Aalis na ako," mahina kong bulong sa teacher nakita ko ang concern nitong mukha sa harapan ko.
"Sigurado ka ba na okay ka lang?" tawag pansin sa akin ng teacher tumango na lang ako.
"Yes, ma'am, aalis na ako." nasabi ko.
"Ma'am, wala ang kapatid nyo sa classroom." bungad ng estudyante sa tabi namin tumagilid na lang ako at naglakad na ako palayo sa kanila.
Lumakad na ako palayo at lumabas na sa dating school ko. Nagpunta naman ako sa waiting shed kung saan ko noon unang nakilala si Allen.
May bakod sa likod ng waiting shed at parang may ginagawa lumapit naman ako sa waiting shed nandoon pa rin ang inukit namin.
Pamilyar sa akin ang teacher Hernandez na 'yon hindi ko lang matandaan kung saan ko siya nakita.
"Wala na ang waiting shed naging blangko na mabuti may bubong pa," bulong ko sa sarili ko at nakita ko pa nakasulat sa pader ang 'UNA & ALLEN Best Friend Forever' at ang isa pang nakasulat ay Shed Of Love.
Natigilan naman ako ng marinig ko ang boses na hindi ko kasama kanina sa network.
Bakit siya nandito, alam na ba niya?
"Sino ka, anong ginagawa mo dito?" pagtatanong niya mula sa likod ko.
"Sumilong muna ako dito bawal ba ako dito?" banggit ko at humarap ako sa kanya wala akong suot na contact lens naka-suot lang ako ng salamin noon ko pa ginagawa.
"O—o Una?" tawag niya natigilan naman ako parang bumilis ang t***k ng puso ko ng banggitin niya ang nickname ko sa harapan naming dalawa.
"Kilala mo ako?" pag-kukunwari ko sa harapan niya kinakabahan ako sa kanya at mahalata niya nag-sisinungaling ako.
"Nagbalik ka marunong ka magsalita ng tagalog?" tugon niya tumingin pa siya sa katabing babae na kasamahan niya sa team.
"Syempre, dito ako tumira noon bata pa ako, sino ka?" kumunot-noo kong pagtatanong sa kanya.
"Hindi mo na ba ako naalala?" sabi naman niya nang hahawakan niya ako lumayo ako dahil kinakabahan na talaga ako.
Hindi ko mapaliwanag ang nararamdaman ko ngayon ibig sabihin hindi niya kinalimutan kahit matagal na kami hindi nagkita at may girlfriend na siya.
"Hindi, huwag kang lumapit." umiwas kong sagot sa kanya.
"Ako ito si Thunder o Allen ang naging kaibigan mo noon kung natatatandaan mo ang pangalan ko," sagot niya nakita ko ang kalungkutan sa mata niya.
"Isa kang artista, hindi ba? Hindi kita matandaan na naging kaibigan kita noon." pag-sisinungaling ko naman kahit gusto kong umamin sa kanya na ako si Yeona at Kim Joon...iisa lang.
Natatakot ako na umamin sa kanya.
"Magkaibigan tayo noon umalis ka ng hindi nagpapaalam sa akin," malumanay niyang bulalas naiiyak na ako sa itsurang nakikita ko sa kanya.
"May girlfriend ka, Mr. Dalton kilala kita bilang artista padaan ako hindi kita kilala bilang kaibigan." pag-kukunwari ko.
"Alam mo ba ang likod nitong kinatatayuan natin binili ko ang lupa noong nakatira pa ako sa ninang ko tinulungan nila ako at namatay na sila mommy at daddy," bulalas niya natigilan naman ako sa sinabi niya at pina-alis ang kasama niya na hindi kaagad pumayag nabaling pa ang tingin sa akin.
Ibig sabihin sa kanya ang lupa sa likod ng waiting shed, bakit niya binili?
"I'm sorry, hindi kita talaga kilala." sabi ko.
"Saglit, pwede kang sumilong dito kahit kailan mo gusto, Una, I miss you my Best Friend." mahina niyang banggit nilampasan ko na lang siya bigla feeling ko mag-collapsed ako sa harapan niya nang hindi pa ako umaalis.
Tumakbo ako palayo naiiyak ako na narinig ko mula kay Allen ang salitang hindi ko maiisip na maririnig ko mula sa kanya dahil alam ko may girlfriend na siya. Sumakay kaagad ako sa van at inutusan ang driver na umalis kaagad.
Hindi niya ako kinalimutan masaya na ako malaman 'yon sa kanya kahit may iba na siyang mahal.
—
Nag-away kami ni Mariella dahil nahuli ko siya na may kahalikan at ang childhood friend niya pa talaga, mahal ko siya at ayokong masira ang aming relasyon.
Nagulat ako na may babae nakatingin sa naka-ukit na name namin ng dating kaibigan ko na si Yeona.
"Sino ka, anong ginagawa mo dito?" kabado kong pagtatanong, siya na ba talaga si Yeona?
"Sumilong muna ako dito bawal ba ako dito?" sabi niya at ang boses niya...hindi nagbabago gusto ko lang kumpirmahin.
"O—o Una?" tawag ko naman sa pangalan niya at tama ang hinala ko, siya nga.
"Kilala mo ako?" tugon niya tinuro pa ang sarili.
"Nagbalik ka marunong ka magsalita ng tagalog?" sabi ko pina-alis ko ang katabi ko hindi sana papayag nang mapansin na seryoso ako umalis na lang sa tabi ko.
"Syempre, dito ako tumira noon bata pa ako, sino ka?" tanong niya tinignan pa niya ako bago siya umiwas ng tingin.
"Hindi mo na ba ako naalala?" banggit ko at nang hahawakan ko siya umatras siya.
"Hindi, huwag kang lumapit." sabi niya sa akin lumayo naman ako.
"Ako ito si Thunder o Allen ang naging kaibigan mo noon kung natatatandaan mo ang pangalan ko," pakilala ko ulit sa kanya ang sarili ko.
"Isa kang artista, hindi ba? Hindi kita matandaan na naging kaibigan kita noon." sagot niya natigilan ako...kilala niya ako bilang artista hindi bilang kaibigan niya.
Anong nangyari sa kanya sa nakalipas na taon, kaya ba hindi siya bumalik sa Pilipinas?!
"Magkaibigan tayo noon umalis ka ng hindi nagpapaalam sa akin," malumanay kong sagot nalungkot naman ako sa iniisip ko na posibleng mangyari sa kanya.
"May girlfriend ka, Mr. Dalton kilala kita bilang artista padaan ako hindi kita kilala bilang kaibigan." sagot niya.
"Alam mo ba ang likod nitong kinatatayuan natin binili ko ang lupa noong nakatira pa ako sa ninang ko tinulungan nila ako at namatay na sila mommy at daddy," kwento ko naman sa kanya, ito lang alaala na ayokong mawala sa akin na naging parte siya sa pagkatao ko kahit may girlfriend na ako ngayon.
Tuwing naalala ko sina daddy at mommy dito ako nagpupunta walang nakakalam nito kundi si ate at yaya ko lang.
"I'm sorry, hindi kita talaga kilala." sagot niya at nang aalis na siya sa harapan ko nagsalita naman ako.
"Saglit, pwede kang sumilong dito kahit kailan mo gusto, Una, I miss you my Best Friend." sabi ko at umalis na siya sinundan ko na lang siya nang tingin nang sumakay siya sa puting van nakaparada sa kabilang side.
Nagulat ako nang muli ko siya nakita hindi ko lang makita ang mukha niya naka-sumbrero siya sigurado naman ako na siya si Yeona.
Lumapit ako sa naka-ukit na name namin hinimas ko ang name at napangiti na lang mabuti na lang hindi ko ito pina-tanggal dahil dito nagkita ulit kaming dalawa.
Kung kailan taken na ako nagbalik ka naman naghintay ako ng matagal. Sumakay ako sa kotse ko at nagpunta na ako sa hamman network para sa taping ng teleserye ko isa lang ang kasama ko sa team. Binilinan ko na lang ito na huwag mag-kwento sa kahit sino sa nakita niya at sa taong kinausap ko.