Naglalakad ako sa hallway ng building ng Zandovar pupuntahan ko ang mga kasama ko dahil nandito na sila nang tawagan ko kanina habang nasa byahe ako.
Sparks 'yon ang nangyari sa aming dalawa kanina.
Naglalakad ako nang may mabangga akong babae na may kasamang lalaki. Kumunot ang noo ko nang matitigan ko ang babae hindi lang ako sigurado kung tama ako ng iniisip lihim ko naman tinignan ang kasama nitong babae.
"What are you! Look where you're going!" sigaw ng babae nang maka-harap ko.
Umatras muna ako may kasama siyang lalaki naka-lingkis ang kamay sa baywang niya.
"Sorry, I was just thinking about something and I didn't see you." sabi ko na lang naka-taas ang kilay nito sa akin minasdan niya ako mula ulo hanggang paa ko.
Gusto kong magtanong sa kanya kung siya ang girlfriend ni Allen.
"I can't go with you, honey, I'm going to see him now." sagot ng babae sa kasama niyang lalaki ngumiti naman sa akin ang lalaki.
"Are you Mariella Zandovar?" sabat ko naman sa kanilang dalawa dahilan para lumingon sila sa akin.
"Yes, I am...who are you? Fan?" banggit ni Mariella umiling ako sa kaharap ko.
Nabaling ang tingin nila sa suot ko at dating ko.
"No, I'm a talent artist of Zandovar Entertainment and I'm from Korea, sorry I didn't see you earlier." paliwanag ko naman sa kanila.
Napa-ohh...sila at nagka-tinginan silang dalawa pagkatapos. Dahan-dahan na naglakad ako habang sumusunod ako sa kanilang dalawa.
Lumayo sila sa akin at alam kong ayaw nila iparinig ang kanilang pinag-uusapan nila at curious ako kung bakit parang may relasyon sila sa paningin ko kung girlfriend ni Allen ang nangangalang Mariella.
Pinag-tataksilan nito si Allen at may iba pa siyang boyfriend?
"I-break mo na si Allen, honey matagal mo na siyang ginagamit o baka mahal mo na siya!?" narinig kong banggit ng lalaki kay Mariella hindi ako masyadong lumalapit sa kanilang dalawa.
"Kailangan ko siya para sumikat at makilala ako, honey alam mong ginagamit ko lang siya mula noong nagkaroon kami ng relasyon." sabi ni Mariella gusto ko silang picturan at ipakita ito kay Allen para malaman na niloloko na siya.
"Sikat ka na, honey, bakit kailangan mo pa siya o baka nahulog ka na sa kanya at hindi mo siya kayang bitawan?" sabi ng lalaki kay Mariella nag-kunwari ako na magtatanong sa kanila.
"Excuse me, I would like to ask where the music studio building is here, I've only been here once so I don't remember." tawag pansin ko sa kanilang dalawa nang sumabay ako sa kanilang paglalakad dahilan para lumingon sila sa akin.
Tinuro nila sa akin ang building at tumango ako sa kanilang dalawa.
"Thank you," sagot ko at tumalikod na ako sa kanila nang marinig ko ang sinabi ng lalaki kay Mariella.
"Do you love him?" narinig kong pagtatanong ng lalaki kay Mariella.
"I don't love him, I've known him since he was a child with his sister and parents, so I need him." sabi ni Mariella sa kasama nitong lalaki para naman ako natuod sa narinig ginagamit niya lang mula pa noon si Allen para sumikat at makilala rin siya hindi dahil may pagmamahal siya dito.
Naawa tuloy ako kay Allen sana hindi lang niya nakilala si Mariella kung sasaktan at lolokohin lang pala siya.
"Kailan mo siya balak iwanan?" tanong ng lalaki kay Mariella.
"Matatagalan pa, honey bago ko siya hiwalayan." nasabi ni Mariella sa lalaki nakita ko nakamasid sa kanila ang mga empleyado nasasalubong ko.
Nakita ko ang emotion na hindi ko masabi kung galit, inis o iritable at awa sa mga mukha nila.
"Bakit mo pa matatagalin?" tanong ng lalaki iniba na lang ni Mariella ang sinasabi.
"Samahan mo na lang ako sa office ni dad, honey." sabi ni Mariella alam ba ng mga bosses ko ang ginagawa ng kanilang anak kay Allen at hinahayaan lang nila ang ginagawa nito?
Kumunot ang noo ko sa narinig mula kay Mariella. Lumiko na ako ng daan na makita ang direksyon na tatahakin ko pumasok ako sa loob ng dressing room nakita ko kaagad ang manager ko at si Lee.
"Myujigbidio-eseo museun il-i il-eonassneunde uliga geogi iss-eossdaneun sasil-e kkamjjag nollan geos gatnayo?" pagtatanong sa akin ng manager ko nang umupo ako sa couch pagkatapos ko pumasok sa loob ng dressing room.
(What happened to you in the music video and you seem stunned that we were there?)
Tinignan ko muna sila binabalewala ko ang mga narinig ko sa dalawang tao nakasabay ko sa hallway kanina.
"Amugeosdo anibnida. uliga gassdeon gos-i nach-ig-eun geos gat-aseo geugos-injineun jal moleugessseubnida, wae maenijeonim?" pag-sisinungaling ko naman at tinawag nito ang make-up artist lumapit ako sa may vanity mirror.
(Nothing, because the place we went to seems familiar to me, I'm just not sure if that's the place, why, manager?)
Sumabat naman sa amin si Lee na tumabi pa sa akin.
"Ijhyeojil su issneun syoe geseuteulo chul-yeonhaessseubnida." banggit ni Lee sa amin at natawa ako dahil masyadong seryoso ang mukha nito.
(We have a guesting in a show that might be forgotten.)
Tinapik ko na lang ang kamay ni Lee pinisil niya ang kamay ko nang mag-holding hands kaming dalawa.
Nang maayusan ako lumabas na kaming dalawa ni Lee at nagpunta sa noontime show. Nagpunta kami sa likod ng backstage dahil doon tatawagin kami ng mga host.
"Annyeong!" bungad ni Lee sa mga audience nang tawagin kami ng host pagkatapos bumukas ang LED.
(Hello!)
Kumanta kaming dalawa ni Lee sa harap ng audience.
CONTINUATION
The reason why I can't take my eyes off of you
Tell me what it is
Is it love? Is this love?
Ngumingiti lang ako sa audience habang kumakanta sumasabay kaming dalawa sa indayog ng tugtog habang kumakanta kaming dalawa ni Lee.
It's you
It's you, who resembles this pretty rose
Your lips are like strawberries
You've stolen my heart in just one second
Sumasabay sa amin ang mga audience at tinaas na lang namin ang kamay at tumatalon pa kaming dalawa sa pag-kanta.
Yes, it's me
I'm the one who will care for you
I'm the one who will protect you
I will steal all the love from you
I'm more positive than anything else
You're more dangerous than anyone else
My eyes keep going to you, I'm getting stranger
Kumakanta pa rin kaming dalawa ni Lee at nang matapos bumati na lang ulit kaming dalawa bago nagsalita ang audience.
"Palakpakan naman dyan!" sigaw naman ng host sa audience binaba na lang namin ang nicrophone.
Nagpalakpakan naman ang lahat ng audience.
"Salamat!" sigaw ko napatingin pa sa akin ang mga host.
Nang binati na kaming dalawa ni Lee ng dalawang host at umalis na kaming dalawa at naglakad palabas ng noontime show lumabas na kami sa Zandovar Entertainment. Sumakay na kami kaagad sa van at nagpunta na kaming lahat sa hotel.
Naiisip ko si Allen at pag-tataksil ni Mariella, alam niya kaya 'yon?
Sasabihin ko ba sa kanya ang narinig ko mula sa babae 'yon ayokong makialam sa kanila at madawit pa ako bahala na...siya ang makakita at makatuklas ng totoong dahilan at pinatulan siya ng babaeng 'yon naawa lang ako sa kanya.