Tinignan ko ang kusina bago ako pumunta sa lababo kung saan nandoon ang gamit sa pag-inom ng kape.
"Nagising ka na," narinig kong boses mula sa likod ko.
"Ate.." tawag ko na lang sa kapatid ni Allen nang malingunan ko siya.
"Huwag kang mahiya at home ka dito, sis ito ang password ng penthouse ko." nasabi ni ate Andrea sa akin may inabot na papel tinanggap ko na lang.
Nag-kwento lang sa akin ni ate tungkol sa kanilang childhood memories.
"Bakit namatay ang magulang nyo, ate? May suspect na kayo kung sino curious lang ako nalaman ko na binaril sila noon." banggit ko naman bigla habang naka-upo kami sa dining area tulog pa ang tatlo maming kasama.
"May hinala lang kami ni Allen pero, walang kasiguraduhan kung ang taong pinag-hihinalaan namin siya ang mastermind ng pagkamatay ng magulang namin noon." sagot naman sa akin ni ate Andrea nakikinig lang ako sa kwento nito tungkol sa kabataan nila ni Allen.
"Ah, mahirap kasi kung ang ebidensiya na hawak nyo walang patunay kung haka-haka lang hindi nyo talaga makukulong ang taong 'yon." sabi ko na lang tumango naman siya sa akin.
"Alam mo, Joon sana kayo na lang sa bandang huli ng kapatid ko ayokong mapunta pa siya sa iba hindi mahirap mahalin ang kapatid ko kilalanin mo siya kung mahuhulog ang loob mo hindi ako tututol sa inyong dalawa." sabi naman ni ate Andrea ngumiti lang ako nang magka-titigan kaming dalawa.
"Ayoko naman maging sigurista ako, ate hahayaan ko na parehas na mahulog ang damdamin namin sa isa't-isa nandyan lang ako sa tabi niya bilang kaibigan." bulalas ko naman kay ate Andrea.
May ngiti napansin ko na may kahulugan at nakita ko na umiwas siya nang tingin ng masdan ko nang maigi. Nakarinig kami ng nag-uusap kaya nagpaalam ito na babalik sa kwarto nito nang tatawagin ko nagka-tinginan kami ni Xiero at Allen binati naman ako ni Eula.
"Aalis na daw kayo ni Allen?" banggit ni Eula sa akin at tumango ako.
"Oo," sagot ko na lang sa kanya at tumayo na ako sa inuupuan ko.
Iniwan ko na sila sa dining area para ayusin ang gamit ko sa kwarto nasalubong ko pa si ate sa hallway ng second floor. Sinabi ko na aalis kami ng kapatid niya at sasamahan ko sa network.
"Uuwi ka pa?" tanong ni ate Andrea sa akin at umiling na lang ako.
"Sandali samahan mo ako sa kwarto may ibibigay akong damit sa'yo sa palagay ko kaysa naman sa'yo ang damit na 'yon maligo ka na rin dito huwag kang mahiya sa akin," sabi naman sa akin ni ate Andrea.
Sinundan ko na lang siya ng tingin at sumunod ako sumandal na lang ako sa gilid ng pintuan nakamasid lang ako sa ginawa ni ate Andrea tinawag naman ako kaya lumapit ako pinakita sa akin ang damit na sweater na maigsi at maong bag na maliit.
"Okay na sa akin ang damit na suot ko," tanggi ko naman kay ate Andrea.
Umiling naman siya at binigay naman sa akin ang damit.
"Maligo ka doon," aya ni ate Andrea at tinuro ang banyo sa loob ng kwarto nito.
Hindi na ako nakatanggi nang itulak niya ako sa tapat ng banyo pumasok na ako sa loob na dala ang binigay nitong damit. Naligo na ako at nang matapos nagbihis na kaagad ako bago lumabas ng banyo wala nang tao doon kaya naglakad na ako palabas ng kwarto.
Naabutan ko sila sa may sala na tingin ko naghihintay. Nang makalapit ako nang tawagin ako ni Eula umiiwas ng tingin sa akin si Xiero tahimik lang si Allen sa tabi ng kapatid niya.
Sumakay na ako sa sasakyan niya—ni Allen at sumama ako sa kanya.
Sumama ako sa kanya sa trabaho nito. Umiiwas ako sa mga tingin ng nasasalubong na tao nabigla naman ako nang hawakan niya ako sa kamay at nginitian ako.
"Wag mo sila iwasan kundi ipakita natin sa kanila na happy na tayong dalawa wala akong pakialam sa bulungan na naririnig ko dahil tayong dalawa ang nakakaalam sa tunay nating relasyon na magkaibigan lang tayo," bulong niya at hinila ako sa unahan saka tinulak ng mahina.
"Okay lang ba talaga sa'yo? Ayoko ng napipilitan ka, Allen sa pag-papanggap natin." sagot ko.
"Hm, madadamay natin ang damdamin natin pero, kahit anong mangyari sa huli magkaibigan lang tayo huwag tayo magtago ng sikreto sa isa't-isa kilalanin natin ang isa't-isa." sagot niya.
"Kaibigan...mas okay na 'yon masakit sa part ko dahil sa nakalipas na taon hindi kita kayang ipagpalit sa iba at hindi ko magawang magmahal ng iba," mahina kong sabi na lang sa sarili ko naiilang ako sa pag-sway niya sa kamay namin na magka-holding hands.
"Samahan mo ako sa taping, Joon hayaan mo sila..." sagot naman niya sa akin.
Hindi ako nakaimik at napanngiti ako ng lihim sa narinig ko mula sa kanya. Nagpunta kaming dalawa sa location ng taping niya nakasabay namin si ate Andrea na nakatingin sa aming dalawa.
"Ate, sasabay ka ba sa amin?" tanong niya sa kapatid niya habang kasabay namin siya sa hallway.
Kinausap niya ang management kanina nang magpunta kami dito pagkatapos nasalubong naman namin si ate Andrea.
"Hindi na, bro ihahatid ako ng kuya Jin mo." sabi ni ate Andrea nakita ko na may gusto siyang sabihin sa ate niya.
"Alam na ba ni kuya ang tungkol sa pamangkin ko?" banggit niya sa ate niya nagulat ako sa narinig mula sa kanya dahilan para mabaling ang tingin ko kay ate Andrea wala sa kanya na may anak siya.
Pinisil ko naman ang kamay niya na hawak ko may anak sina ate Andrea at kuya Jin?
"Wala pa siyang alam tungkol sa kanya, bro sana hindi ito makarating sa kanya, Joon..." bulalas ni ate Andrea at nabaling ang tingin ko sa kanya nakatingin ito sa akin.
"May anak ka na, ate?" mahina kong tanong kay ate Andrea.
"Oo, may anak na ako nakatira siya sa Australia kung nasaan ang dati naming bahay kasama naman niya ang yaya niya tuwing day-off ko o bakasyon sa trabaho pinupuntahan ko siya." sabi ni ate Andrea sa akin.
"Kailan mo sasabihin sa kanya?" sabat naman niya walang alam si kuya Jin tungkol sa kanilang anak?
Bakit, bakit hindi sinabi ni ate Andrea kay kuya Jin ang tungkol sa kanilang anak?
"Kapag nagbago na siya sasabihin ko sa kanya ang tungkol sa anak namin," banggit ni ate Andrea dahilan para tignan ko ang magkapatid sa nakalipas na taon walang kumalat na nabuntis si ate Andrea o nabuntis siya ni kuya Jin tinago nila ito sa public.
"Sana sabihin mo rin sa kanya kawawa ang pamangkin ko lalo na ikakasal pa kayo nun nang lokohin ka ng kaibigan mo at ex mo," sagot niya kay ate Andrea napa-huh ako sa narinig gosh ang dami ko nalalaman tungkol sa pribadong buhay nila.
Hiwalay na sina ate Andrea at kuya Jin nang dahil sa kaibigan ni ate Andrea, means...cheating ang namagitan sa kanilang tatlo.
Nakita namin hindi na sumagot si ate Andrea kaya binulungan ko na siya nagpaalam kami kay ate Andrea para lumabas ng hamman network at sumakay kaming dalawa sa kotse na nakaparada sa parking lot.
Tahimik lang ako nakaka-bigla sa dalawang araw na kasama ko ang magkapatid ang dami kong nalaman at may "pretending" sa aming dalawa.
"Wala sa itsura ni ate Andrea na may anak na siya," sabi ko bigla sa loob ng sasakyan nagmamaneho siya papunta sa location ng taping niya.
"Dahil sa kutis ni mommy at sa genes namin mas matanda siya pero hindi siya nagbago man lang walang pinaretoke sa kanya natural ang lahat sabi nga ng iba, ano ang sikreto ni ate wala siyang sikreto ang tinago niya lang ang tungkol sa pamangkin sana itago mo ang nalaman mo tungkol kay ate," sabi niya.
"Why did they break up, Allen, I didn't immediately think, was there cheating among the three of them?" tumatango kong banggit sa kanya kahit nagmamaneho siya nag-uusap kami naka-tutok ang tingin niya sa kalsada.
"On the second day of their marriage, discovered ni ate that ate CL cheated on her we know kuya Jin, he can't cheated even if others say that kuya Jin doesn't really love her, he just cheated on her that's not true, because I talked to him and he told me everything why it happened, I didn't hide it from my sister, she has the right to know everything." kwento niya sa akin.
"Oh my!" bulalas ko na lang.
"Dahil sa galit niya sa dalawa kahit alam niya ang lahat iniwan niya pa rin si kuya Jin at hindi niya nasabi na buntis siya sa kanilang unang anak." pahayag niya.
"Sino ba ang babaeng nakikabit?" tanong ko.
"Kaibigan niya na pinagka-tiwalaan niya hanggang ngayon na alam niya may relasyon pa ang ex niya at ang kaibigan niya," sagot naman niya.
Natahimik ako bigla sa narinig ko mula sa kanya at napatingin na lang ako bago umiwas ng tingin dahil may tinatago ako sa kanya na hindi ko pa kayang sabihin natatakot ako sa kalalabasan ng mangyayari.
Okay na kami eh...
Nang dumating kami sa location pinagka-guluhan kaming dalawa ng mga fans at media hinaharang niya ang buong katawan sa harap at likod ko. Dinala naman kami ng staff sa dressing room umiiwas ako ng tingin sa mapanuring tingin ng mga kasamahan niya sa taping.
"Sila nga,"
"Naka-move on na nga si Allen kay Mariella,"
"Ikaw ba naman landiin hindi ka matutukso,"
"Pwede,"
"Alam niyang may girlfriend si Allen pinatulan niya pa,"
Hinawakan niya ako sa kamay ko nakayuko lang ako sa tabi niya naririnig namin ang usapan ng mga kasama niya sa taping.
"Huwag mo sila pakinggan hindi naman nila alam ang totoo," bulong niya sa akin.
Tumango na lang ako sa sinabi niya hindi naman niya ako iniwan na mag-isa sa dressing room. Hanggang sa tawagin siya ng director nang mga bida, kontrabida at iba pa naiwan ako na mag-isa sa dressing room.
"Tawagin mo ako kapag may nanakit sa'yo," bilin naman niya sa akin.
"Thank you, Tunder." sagot ko nabigkas ko ang tawag ko sa kanya nung bata pa kaming dalawa.
"Huh? Babalik din ako." bulalas niya at nagulat ako na hinalikan niya ako sa noo ko.
Naiwan ako sa loob ng dressing room hanggang sa may pumasok sa loob ng dressing room napalingon ako at nakita ko si ate Andrea.
"Ate," tawag ko na lang.
"Bakit hindi mo siya tignan sa labas," sabi ni ate Andrea sa akin.
"Sabi niya, ate dito daw ako huwag ako lalabas." amin ko na lang kay ate Andrea tinabihan naman niya ako.
"Alam ko kung sino ka ikaw si Yeona ang unang bestfriend niya at 'yan ang ebidensya ang suot mong bracelet na binigay niya sa'yo," tukoy ni ate Andrea natigilan ako kinabahan naman ako napatingin ako sa may siwang ng dressing room kung may tao ba doon.
"Paano mo nalaman, ate na ako si Yeona?!" amin ko hindi na ako mag-sisinungaling sa kapatid niya.
"Nang una kitang makita dalawang taon na ang nakakaraan nasabi ko sa sarili ko na pamilyar ka sa akin at nakita ko ang suot mong bracelet 'yan ang bracelet unang binili niya para sa kanyang sarili nang kumita siya pinag-hirapan niya bilang child star noon, Yeona, the bracelet is important to him and I didn't think that he gave it to you he said, he gave his first gift for himself to the girl who first made his heart beat..he didn't just have a crush on you, because until now you are the one it is important to him even if Mariella is in his life." tugon ni ate Andrea hindi ko masabi ang nararamdam ko ngayon hinawakan ko ang bracelet na suot ko.
"Kaya ba nakilala mo ako, ate?" naiiyak kong banggit kay ate Andrea.
"Oo, bakit mo siya iniwan noon? Hindi ka man lang nagpaalam sa kanya masakit sa kapatid ko na iwan mo siya noon kailangan ka niya." tukoy ni ate Andrea sa akin.
"It also hurts me that I wasn't even able to say goodbye to him when we were both young, my parents and I had to leave because of their business and a lot has happened in my life since then and I admit that I was ashamed to contact him and maybe, he has forgotten me." amin ko.
"It took a long time, Yeona, before he let go of the hope that you would come back here because he hoped, Yeona, and when he met Xiero, Eula and Mariella there something changed in him but, you never disappeared from his memory." sabi naman sa akin ni ate Andrea hinawakan ang basa kong pisngi.
"Ate," tawag ko.
"Bring him back to his old personality that you just can reinstate my brother because you are first love of my brother ikaw ang gusto ko para sa kanya mula noon pa dahil kakaiba kang babae para sa akin," tugon ni ate Andrea hindi kaagad ako nag-react o nagsalita.
"Ate, can we keep it a secret from him, who I am? I will tell him who I am in his life when he is okay." hiling kong sabi kay ate Andrea nang magka-titign kaming dalawa.
"Oo, naka-zipper ang bibig ko." sabi ni ate Andrea at sumenyas na sini-zipper ang labi nito.
"Ate, tawag ka na sa labas eksena mo na ako na ang bahala sa asawa ko." tawag pansin ng boses nang taong pinag-uusapan namin lumapit pa itl sa aming dalawa.
"Okay," tugon ni ate Andrea sa kapatid niya.
Iniwan na kaming dalawa sa loob ng dressing room.
"Napagawa ko na ang bahay ng lote ko," banggit niya ang lote na sinabi niya 'yong katabi ng waiting shed?
"May lote ka na?" bulalas ko sa kanya kahit may hinala na ako.
"Oo, meron lilipat na tayo mag-impake ka na sa bahay mo tanong ko lang kailan ko makikilala ang magulang mo?" pagtatanong naman niya natigilan naman ako sa sinabi niya naalala ko tuloy ang magulang ko.
"Kapag nagpakasal tayo ng peke," sabi ko at ngumiti na lang ako sa kanya.
Nilapit niya ang mukha sa akin at napapikit ako bigla nag-nose to nose lang kaming dalawa. Nang matapos ang taping umalis na kaming dalawa hinatid niya ako sa bahay ko.