Chapter 36 - Marriage Contract

1672 Words
Sa nakalipas na araw, naging busy na siya sa trabaho nagulat ako nang sabihan niya na lilipat siya nang tirahan. "Saan ka naman lilipat?" tanong ko naman kasama niya ako sa tuwing may taping siya para hindi ako mainip habang nag-babakasyon. "Tayo, Joon...tatawagin na kitang baby kapag sa harap ng madla at kahit tayong dalawa lang para masanay, okay lang ba?" tugon niya natigilan naman ako feeling ko uminit ang mukha ko sa narinig mula sa kanya. Nailang ako sa gagawin niyang pag-hawak sa mukha ko. Yumuko ako bigla at hinawakan naman niya ang baba ko para itaas lang naman. "Tawagin mo akong baby, Joon..." mahina niyang bulong sa akin nagka-titigan kaming dalawa. "You are my..." putol ko bigla nang may magsalita sa likod niya. "Tara na daw," tawag sa aming dalawa ni Eula na may ngiti sa labi nito. Umalis na kaming tatlo naghihintay sa amin mula sa labas ng mansyon namin ng magulang ko ang van nila. Pumunta kami sa dating mansyon ng pamilya nila dahil, doon nila pinapunta ang judge para sa private ceremony ng kasal naming dalawa. Kasama namin sina Xiero at Eula na witness sa kasal na plinano ni ate Andrea para sa amin. — Nakipagkita naman ako sa dalawang kaibigan ng kapatid ko sa isang lugar kasama si Jin. Nakipag-usap muna ako sa kanilang dalawa sa dressing room ko naiwan ito sa labas. "Kamusta ang inutos ko sa inyo?" tanong ko sa dalawang pumunta sa dressing room ko naka-upo ako sa couch. Nag-okay sign sila sa akin napangiti naman mangingialam ako sa buhay pag-ibig ng kapatid ko hindi dahil wala akong tiwala na makaka-hanap siya ng totoong magmamahal sa kanya at hindi siya sasaktan katulad ng ginawa ni Mariella. Kundi, ayoko lang siya mapunta sa mapang-panggap na babae sa panahon ngayon iba na ang gusto ng mga babae sa lalaki depende na lang talaga kung totoo ang intensyon na magmamahalan sila ng tapat. Kung hindi sila para sa isa't-isa hahayaan ko na lang sila sa bandang huli. "Okay ba sa judge ang plano?" seryoso kong tanong sa dalawa na naka-upo sa tabi ko. "Pumayag siya may kapalit nga lang, ate." sagot naman ni Eula nabaling ang tingin ko sa kanya. "Anong kapalit ang gusto niya?" tanong ko at dumukot ng cheke sa wallet na hawak i-aabot ko kaagad sa kanila ang cheke para ibigay sa judge. Tinignan nila ang hawak ko bago magsalita ang kaibigan ng kapatid ko. "Pag-sikat niya lang bilang lawyer ang gusto niyang maging kapalit gagawin niya ang original at ang fake marriage certificate sinabi rin namin na dalawang beses na sila ikakasal ng original ang iisipin nila peke ang wedding ceremony na gagawin sa kanila na kasama tayo ang hindi nila alam tunay ang kasal," tugon ni Eula at tinignan niya pa si Xiero na tumatango lang sa tabi nito. "Sinabi mo ba sa kaibigan mo?" prangka kong tanong kay Eula. "Wala ako sinasabi sa kanya madalang na kami mag-usap," sagot ni Eula alam ko naman na kahit magkaibigan sila may hindi rin siya sinasabi sa kaibigan niya. "Mabuti nga nung una napapayag natin ang ninong pari ko muntik umayaw dahil makasalanan daw 'yon pero nang mabanggit natin sa kanya ang kalahati ng katotohanan pumayag siya," sagot ni Xiero. "Oo nga," nasagot ko. "Saan gaganapin ang private ceremony?" banggit ni Xiero. "Ang gusto ni Allen sa bahay namin gawin ang private ceremony ng kasal kung saan kami lumaki noong nabubuhay pa ang magulang namin," sagot ko na lang. "Paano kung magalit silang dalawa sa atin kapag nalaman nila ang totoo?" banggit ni Eula tinignan niya ako. "Ako ang magsasabi sa kanila at may lihim rin si Ye—Joon pala sa kapatid ko," nasagot ko. "Sana mahulog ang loob nila sa isa't-isa gusto ko na makita na masaya ulit si Allen deserve naman niya na maging masaya," bulalas ni Xiero. Tinignan ko silang dalawa at nanghihinayang ako na nag-hiwalay ng dahil sa "trust" na nawala sa kanila. "Tulungan natin sila na bumalik ang damdamin nila sa isa't-isa nakikita ko naman na mabubuong love sa kanila i-pursue lang natin," sagot ko nagpaalam na ako sa kanilang dalawa at nakita ko ang dating boyfriend at kaibigan na magkasama nagka-gulatan pa ang dalawang taksil nang makita ako. Inirapan ko silang dalawa bago lumakad palayo hindi na ako nagpahatid sa dating boyfriend ko. Nasalubong ko pa ang kapatid ko at si Yeona—Joon nag-sinungaling ako sa kapatid ko nang mapansin ko nakalayo na ang kotse nila agad ako nag-lakad pasakay sa kotse ko ti-next ko muna ang manager ko. — "Handa na ba ang dalawang ikakasal? seryosong bungad sa amin ng judge at naabutan namin na may nilagay na dekorasyon sa paligid ng sala. Ngayon lang ako naka-pasok sa loob ng kanilang mansyon dahil naalala ko ihatid lang namin ng magulang ko noon si Allen sa labas ng mansyon sumalubong pa sa amin ang ninong Emman nito noon. "Handa na kami, judge." sabat naman niya sa judge tinignan pa kaming dalawa. "Hindi kasi halata, hijo excited ka siguro sa honeymoon nyo ni misis eh..." pagbibiro ng judge sa kanya walang tumawa sa amin at sa mga kasama namin nang mapansin 'yon ng judge tumahimik ito. Napansin nilang lahat ang pag-blush ng mukha ko. Umiwas na lang ng ako ng tingin at nagsimula na ang judge sa seremonya nang magsasabi na ng, You can kiss your wife. Nabigla ako ng idikit niya ang labi niya sa akin ito ang first kiss ko sa kanya rin napunta. Nagkalayo lang kaming dalawa nang makarinig sila ng palakpakan. "May honeymoon pa kayo sa taas," tawag pansin ni ate Andrea sa aming dalawa kaagad ako tumalikod feeling ko umaapoy ang buong katawan ko sa kahihiyan. May pinapirma sa amin ang abogado at muling nagpasalamat kaming dalawa sa kanya inaya pa namin na sumalo sa konting celebration kahit peke ang pagpapa-kasal naming dalawa. "Na-video mo, Xiero?" banggit niya sa kaibigan tumingin pa ako sa kanilang dalawa. "Copy, Allen ang kulang na lang ang wedding frame nyo sa kaibigan kong photographer kayo magpapa-picture." sabat ni Xiero sa aming dalawa wala na ang judge kami na lang ang natira kasama ang anak ni ate Andrea thru video call pina-kilala pa nila ako. "Pwede kami sa susunod na linggo day-off ko sa taping at sa iba pang guesting maaga naman," banggit niya sa kaibigan. "Pwede rin naman ako, Xiero, isang taon ang bakasyon ko dito sa pilipinas kaya libre ang oras ko ngayong taon." sabat ko. "Babalik ka pa ng Korea?" tanong ni ate Andrea tinignan pa niya ang kapatid at bumaling kaagad sa akin ang tingin. "Oo, ate para sa kontrata ko sa Zandovar Entertainment at sa mga intriga sa akin ayoko ng ganito parang kriminal na nagtatago." pag-amin ko sa kanila habang kumakain kami sa malawak na dining area. "Kaya nga gumawa tayo ng ganito Ye—Joon," sagot ni ate Andrea sa akin muntik na siya madulas mabuti kinausap siya ni Eula. "Alam ko," sagot ko naman kay ate Andrea. Nang matapos kami kumain nag-aya si Xiero na mag-inom sila sa veranda. Hindi na kami sumama at naiwan sina Xiero at Allen sa veranda. Pumunta naman ako sa garden kasama si Eula. "Pwede mo ba siya pa-ibigin o akitin ayoko na siya mapunta sa kaibigan ko at makitang masaktan siya hindi lahat ng babae mamahalin siya ng totoo, Yeona inamin sa amin ni ate Andrea kung sino ka kung hindi kayo sa isa't-isa hahayaan namin kayo na humanap ng taong mamahalin kayo ng totoo." panimula ni Eula nakatayo lang kaming dalawa at humalukipkip ako ng kamay. "Bakit, hindi ba dapat ikaw nag-pursue na magka-balikan sila at hindi ang dahilan ng hindi pagkaka-tuluyan nila?" bulalas ko naman ganoon naman palagi sa magkaibigan. "Mas maganda nang hindi sila magka-tuluyan," tugon ni Eula sa akin minasdan ko na lang ito sa mukha hindi ako marunong nagbasa ng tao pero, sa emosyon gusto ko makita. "Dahil ayaw mo na makitang nasasaktan ng kaibigan mo si Allen?" banggit ko. "Desrve ni Allen ng babaeng mamahalin siya ng tapat hindi siya lolokohin sobrang bait ni Allen para masaktan ng ganoon," sagot ni Eula sa akin. "Salamat, pinagkatiwalaan mo siya sa akin, kahit ngayon mo lang ako nakilala na dapat pwede naman sa iba ireto ang kaibigan mo." tukoy ko na lang. Nang makita naming dalawa si ate Andrea na papasok sa loob ng bahay sumabay na rin kami sa pagpasok. Nakita namin na pagewang-gewang na paakyat ang dalawang magkaibigan. "Ako na ang bahala kay Xiero kayo na kay Allen, ate." tugon ni Eula sa amin at lumapit siya kaagad kay Xiero. "Okay," sabat ko. Si ate Andrea na ang nagbukas ng kwarto niya nang nakarating kami sa second floor. Kumuha ako ng bimpo ng hiniga namin siya sa kama nito. Tinulungan pa rin ako ni ate Andrea hanggang sa makita namin nahihimbing na siya natutulog. "Iwan na kita," bulong ni ate Andrea hindi naman kaagad ako nakapagsalita. "Sige po," tugon ko naman kaagad kay ate Andrea. Naiwan na kaming dalawa sa kwarto niya nakaupo ako sa couch nakamasid lang ako sa kanya. "I'm sorry, if I left you without saying goodbye, Allen and when we met again I was afraid to say, "I'm Yeona" who became your friend because you already have Mariella in your life, I don't want to disturb your cozy aura because to me, now that you and Mariella are separated and the two of us can say, "You're mine" even if it's fake." bulalas ko na lang alam kong lasing na siya kaya hindi niya ako maririnig. Tumayo naman ako sa couch at hinalikan ko siya sa noo bago ako bumalik sa couch kung saan ko balak matulog. Wala akong malay na nagising siya pagkatapos ko siyang halikan sa noo at nakita niya nakahiga ako sa couch. Tumayo siya at binuhat ako para ihiga sa kabilang side ng kama niya napangiti na lang siya habang minamasdan niya ako. Tumabi na siya sa akin at hinalikan niya ako sa pisngi ng maalimpungatan ako bago pinikit ang dalawang mata niya at may ngiti sa labi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD